Maja Salvador is excited for the "Maja On Stage" Tour


Sa wakas sa muling magbabalik ang isa sa mga magagaling, swabe sa bawat kilos, galaw at karisma sa entablado ang nag-iisang Queen of Dance Floor na si Maja Salvador.


Akalain mo yun parang walang naging pahinga ang isang Maja Salvador dahil pagkatapos ng kanyang top rated na palabas na Wild Flower ay sasabak na kaagad sya sa kanyang unang minahal na pagsayaw kung saan dito rin sya nakilala ng hadla ng husto.

Kaya naman sa kanyang muling pagbabalik sa pagsasayaw at pagkanta ay isang pasabog dahil madaming mga production numbers kung napanood ninyo ang concert nya noon mas magiging kapanapanabik ito dahil sa unang pagkakataon ay hindi sa Manila ang unang venue ng concert kundi sa Cebu nagaganapin sa IEC Convention Center ito'y mangyayari sa February 4. Oh di ba? Swabe ang pasok ni Maja sa Pebrero ito ung moment na ang ganda ng Wild Flower na sobrang naging maaksyon sabay biglang shift nya bilang isang Queen of Dance Floor. Kung tutuusin total performer na talaga si Maja Salvador sa simula pa lang.


Pagkatapos nya ng Cebu diretso na kaagad sya sa ibang bansa unang doon naman magbigay saya sa mga kababayan nating mga OFW at syempre sa ang ibang lahi din na minahal na din sya, saan pa nga ba kundi sa The Big Box East Jurong sa Singapore at mangyayari ito sa  February 18 at ang huling hirit ng kanyang  "Maja On Stage" ay sa KIA Theater na at mangyayari ito sa March 23.

Makakasama ni Maja Salvador sa kanyang concert tour ang kanyang mga naging leading man na sina Vhin Abrenica at Joseph Marco. Exciting lalo ang mga ganap lalo't pa alam naman natin na ang dalawang leading man ni Maja ay meron chemistry sa kanya.

Hindi lamang ang kanyang leading man ang makaksama niya nakikijamming din ang mga mahuhusay na umawit at bumirit na sina  Kakai Bautista at Anna Fegi. Kaya hindi na ako magtataka pa kung magiging patok ba ito o mas tamang sabihin na magkakaroon ng repeat dahil sa galing ng kasama nya at hindi lamang yun aabangan lalo ang opening production ng  "Maja On Stage".

Comments

Popular Posts