Experience the Nail-A-Holics: National Pampering Day

Sabi nga nila lahat ng tao napapagod lalo na kung isa kang busy na tao o ung sabihin natin ung ihi na lang ang nagiging pahinga mo dahil sa gawain mo sa araw-araw.

Mabuti na lamang nagkaroon ng isang masaya at libreng pampering session ang isa sa mga malawak na nail spa sa bansa ang Nail-A-Holics.
Naganap ang nasabing pampering session o mas tamang sabihin na National Pampering Day noong Oktubre 17 sa lahat ng branches na meron sila. Ang masaya pa sa Nail-A-Holics madali lang silang makita dahil ilan sa mga branches na meron sila ay nasa mga super malls lang kaya walang hassle pa puntahan sila. At isa sa mga branch na malapit sa akin ang SM Southmall kung saan nasa ground floor sila.

Tara samahan mo akong iexperience ang saya ng Nail-A-Holics: National Pampering Day.


Aaminin ko ito ang kauna-unahang papempering session ko sa Nail-A-Holics wala nga akong idea kung anung itsura ng loob nito kasi gusto ko suprisa ang bawat ganap sa buhay para mas masaya kumbaga may trilling at excitement.

Ang Nail-A-Holics ay nag-offer ng National Pampering Day hindi basta ganun yun sapagkat ang malilikom din na pundo sa araw na iyon ay mapupunta sa ilang charity na napili nig kliyente at ang aking napili ay ang PAWS, dahil mahilig din naman ako sa mga hayop.


Ilan sa mga ma-avail mo na libreng noong araw ng pampering day ay ang soothing manicure with O.P.I. premium polish, calming foot spa, o ang relaxing foot massage.

Dahil nga first time ko sa ganito mas pinili ko na ang soothing manicure para maiba naman since nasubukan ko na rin naman ang foot massage at foot spa sa iba.


Nakakatuwa lang ung paligid ng Nail-A-Holics kasi full pack sila ng araw na iyon kahit na mga lalaki andun din sa Nail-A-Holics akalain mo yun, so sinong nagsasabi na para lamang sa lalaki ang ganitong uri ng pampering session. Syempre lahat naman tayo napapagod at malaking tulong ang ibigay ng Nail-A-Holics sa mga suki nito at sa mga bagong kustomer nito noong araw din iyon.


Kaya nainiwala ako na pag-usapang pahinga talaga dapat binibigyan ito ng importansya lalo na ngaun ang bilis-bilis ng ikot ng mundo, hindi mo alam sobrang pagod ka na dahil sa mga ginawa mo kahit saludo ako sa namumuno ng Nail-A-Holics sa ganitong advocacy nila.

Kaya naman subukan ninyo din ang kanilang mga ibang services malay ninyo magustuhan din ninyo at magkaroon din kayo ng discount sa mga ilang products nila.

Comments

Popular Posts