Solenn Heussaff and Nico Bolzico shares the #RelationshipGoals in Kenny Rogers' Roasters Philippines

Solenn Heussaff and Nico Bolzico
Isa sa mga nagpapagoodvibes sa akin sa umaga ang powercouple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico paano ba naman tuwing pupunta ako sa official account nila sa IG o kaya naman sa vblog nila tawang-tawa ako alam mo ung mga momets na para lang silang mga bata pero ung tipong cute lang ang datingan nilang dalawa. Isa sa mga memorable sa akin ung nilagyan ni Nico ng powder ung hair blower ni Solenn pagtapos bigla na lamang nagkapulbo sa mukha ni Solenn dahil pagkabukas ng hair blower nya ay sumabog ang powder na nilagay ni Nico.


Solenn Heussaff and Nico Bolzico
Kaya hindi na ako magtataka pa kung darating ang araw na magiging powercouple endorser sila dahil sa cute nilang mga video at hindi nga ako nagkamali sapagkat nitong buwan lamang na ito ay pinakilala o mas tamang sabihin na muling nagkaroon ng bagong mukha at sigla ang bagong endorser ng Kenny Rogers' Roasters Philippines at kasabay nito ay ang pag kilala rin ng bagong menu nila na talaga naman nakakatakam sa amoy pa lamang nito.

Garlic Butter Roast
Ang bagong menu ng Kenny Rogers' Roasters Philippines ay ang Garlic Butter Roast akala ko noong ipinatikim sa amin nito ay simple roasted chicken lang pero ung hinain na mismo sa harap namin habang naka-blindfolded kami ay amoy ko na agad ang sarap at bago ng aroma na dala ng Garlic Butter Roast anu pa kaya kung natikman ko na, di ba?

Solenn Heussaff and Nico Bolzico cute moments
Kaya naman ung natikman ko na ito no doubt masarap talaga no need for the ketchup or a gravy na siguro dahil nadala siya ng pagkamarinate nito ng husto at isa pa sa napansin ko dito ay meron syang after taste na kakaiba kumbaga may kick sa dila mo.

Ito marahil ang isa din sa dahilan kung bakit nakuha sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil meron silang kakaibang karisma sa mga manood kahit kasabihin natin na sikat si Solenn Heussaff pero meron iaakyat ng husto si Nico Bolzico.

Comments

Popular Posts