POV : My Future You
Sabi nga nila, may mga bagay talaga na hindi naman dapat pang ipilit o baguhin pa dahil kung anuman ang itinakda ng tadhana, mangyayari at mangyayari talaga, kaya mas mainam na sumunod ka na lamang sa agos. Ilan lang yan sa mga naging reaksyon ko pagkatapos ko mapanood ang isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024, ang 'The Future You' na pinagbibidahan ng isa sa mga hottest loveteam ng henerasyon ngayon na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, sa direksyon at manulat ni Direk Crisanto Aquino.
Sa totoo lang, ang ganda pagmasdan sa screen nila Francine Diaz at Seth Fedelin na para kang bumalik sa highschool days dahil sa kilig, tampo at lambigan nila, samahan mo pa ng kwento na talaga namang para kang bumalik sa taong 1990s-2000s kung saan uso noon ang pakikipag-usap online sa mga di mo kakilala pero parang ang close-close na ninyo sa isa't-isa gamit ang Yahoo messenger at MIRC. Kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit sila ang napili sa pelikulang ito dahil sa bawat eksena na magkasama sila talaga namang dama mo ang emosyon nila sa lalo na noong nakaroon sila ng problema kung saan may nalaman sila sa nakaraan na maaring makaapekto sa kasalukuyan.
Kaya sa totoo lang kung ano ang ginagawa mo ngayon, malaki talaga ang magiging epekto nito sa hinaharap, kaya mas mainam na gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama at totoo.
Sa usapang pag-ibig naman, hindi sa lahat ng bagay at puro saya lang ang mararanasan natin. makakaranas tayo ng sakit at hindi natin maiiwasan yun. ang sakit na siyang mararanasan natin ay isa sa magiging dahilan upang mas maging matatag tayo sa susunod.
Kaya naman, kung gusto mo kiligin, good vibes, at happy thoughts paglabas ng sinehan panoorin mo ang 'The Future You'!
Comments
Post a Comment