#ManganTaNa : Islas Pinas by Margarita Fores

Sabi nga nila ang Pilipinas ang hindi ordinaryong paraiso sapangkat ang Pilipinas ang siksik at liglig sa mga kakaiba, maganda at puno ng masayang lugar na pumuntahan marahil dahil ang Pilipinas ay isang malaking isla kung saan bawat isla nito ay may kakaibang handog sa bawat pupunta roon.

Kaya naman siguro marami ang nahahalina ang ganda ng Islas Pinas mula sa atin mismo hanggang sa ibayong bansa hindi ba? Kaya naman dahil sa gandang ng Islas Pinas ay hindi sapat ang isang taon para malibot at matikman mo ang sarap na taglay na ito lalo na sa panahon ngaun kahit sabihin natin na moderno na ang panahon. Iba pa rin kung ikaw mismo ang titikmin at lalanghapin ang sarap ng Pinas.


Pero kaya mo ng gawin iyon sa loob lamang ng isang araw sapagkat may isang bagong bukas na buffet restaurant sa parte ng Pasay kung saan ang lahat ng masasarap na putahe mula Batanes at Julo ay matitikman muna lalo pa ang buffet na ito ay pinamamahalaan ng isang mahusay na Chef hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na walang iba kundi ang nag-iisang Chef Margarita Fores.



Nitong nakaraang linggo lamang nagbukas ang Islas Pinas akala ko noong una isa itong food court style dahil sa labas pa lamang nito ay makikita mo na ang ganda ng exterior paano pa kaya kung nasa loob ka na at isa sa mga napansin ko sa Islas Pinas ay moderno ang pagpasok mo dito na para bang ikaw sasakay sa MRT/LRT sapagkat kailan mo ng isang beep card.


Pagpasok mo sa loob ng Islas Pinas by Margarita Fores sasalubong sa iyo ang ganda ng Bahay kubo na puno ng mga gulay na iyon mismo ang ginagamit nila sa pagluluto at sa kabilang side naman nito makikita mo ang isang munting Rice Terraces na pwede gawing isang stage para kung sakaling meron performances sa loob ng Islas Pinas by Margarita Fores.


Kung tutuusin isang magandang karanasan ito para sa ating lahat lalo't-lalo na sa mga OFW natin na gustong tikman ang tunay na lasang pinoy dahil ang Islas Pinas by Margarita Fores ay hindi lamang isang ordinary buffet kundi experience mismo sapagkat saan mo man tingnan ang bawat sulok nito ay masasabi mo na masarap talaga ang gawang pinoy at lasang pinoy.


Dahil na rin siguro sa bawat pulo o bayan ay may mga kanyang-kanyang mga kakaibang putahe na ang ahatid nito sa atin ay kakaibang saya at lasap.


Isa sa mga paborito kung section ng Islas Pinas by Margarita Fores ay ang Tusok-tusok sino ba naman ang hindi maaliw o masisiyahan dito sa section na ito talagang kompleto ang bawat pagkain na makikita mo sa pinoy street food mula sa fishball, isaw, halo-halo at iba pa.


Syempre hindi ka pwede umalis ng Islas Pinas by Margarita Fores kung hindi mo dadaan ang Palawan side nito kung saan andoon ang souvenir shop ng Islas Pinas by Margarita Fores na tatak pinoy na pinoy talaga.

Kaya naman kung magagawi ka sa bandang Mall of Asia o o sa bandang Heritage Hotel dumaan ka muna sa Double Dragon Mall kung saan andon ang Islas Pinas by Margarita Fores. Punta na at tikman ang kakaibang buffet experience nila na kung tutuusin ay super worthy mula sa interior, exterior, sa food, sa ambiance ng lugar, maging ang mga staff nito na pinatunayan lamang talaga na ang Pinoy ay subok na puno ng hospitality.  

Comments

Popular Posts