Festival of Possibilities : A community fair like no other!
Filinvest Festival of Possibilities 2018 ay isa sa mga rason kung bakit masarap at masaya ang tigasouth. Kung tambay ka sa mundo ng twitter madalas o minsan na nagkaroon ng isang thread patungkol sa Team South vs Team North na kung saan na sinasabi nila ang South ay isang lugar na ang layo na sa kabihasnan, mahirap magbyahe at wala masyadong ganap doon.
Ngunit ang hindi nila alam ang South ay isang lugar na masarap pumuntahan lalo na pag malapit na ang weekends dahil maraming galaan masasarap na kainan o hang out at syempre hindi rin kami papahuli sa pasayang mga ganap.
Isa na dito ang Filinvest Festival of Possibilities 2018 na inorganize ng Filinvest para sa mga resident, nagtratrabaho ng Filinvest syempre hindi naman exclusive sa Filinvest ang event na iyon open na open din ito sa iba na gustong-gusto pumunta lalo na kakaiba at masaya ang Filinvest Festival of Possibilities 2018.
Ito rin ang kauna-unahang Filinvest Festival of Possibilities na ginawa ng Filinvest kaya naman hindi na ako nagulat pa na magagaling, bigatin at malupet na OPM artist ang kanilang mga naimbitahan upang magbigay ng sana sa mga parokyano nito.
Ang mga tumugtog lang naman ng gabing iyon ay walang iba kundi sina Ben&Ben, Autotelic, Franco at Parokya ni Edgar. Nakakatuwa kasi halos parang isang album yung kinanta nila noong gabi na iyon lalong lalo na ang Parokya ni Edgar na halos lahat ata ng highlights ng kanta nila ay nakanta nila ng gabi na iyon. Kaya naman hindi magkadamayaw ang mga panonood at sabagayan ang mga awitin nila.
Ang maganda dito sa Filinvest Festival of Possibilities 2018 hindi lamang sya isang concert kundi may pagames pa sa bawat programa katulad na lamang ng best 10 IG sa gabi na iyon.
Tapos meron mga iba't-ibang mga food stall na pwede kainan kaya hindi ka talaga magugutom ng gabi na iyon at higit sa lahat meron mga giant inflatables, arcades, at booth games sa buong grounds kaya masasabi ko na beyond Festival of Possibilities talaga ito.
Kahit na pabugso bugso ang ulan ng gabi na iyon ay walang makakapigil sa saya ng dulot nito.
Visit the Filinvest City website https://filinvestcity.com/ or follow them on Facebook at www.facebook.com/FilinvestCityOFFICIAL/ for more updates.

Comments
Post a Comment