POV : Philippine Stagers Foundation' Obra Ni Juan

The two faces of Juan Luna
Muling nagbabalik ang isa sa mga mahusay at palaging blockbuster ang mga palabas sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas walang iba kundi ang Philippine Stagers Foundation.

Sa taong ito hinahandog nila sa madla ang isa sa mga kontrobersyal na bayani ng bansa at hindi lamang yun isa rin ang bayaning ito sa dahilan kung bakit mas lalong namulat ang mga katipunero upang maghimagsik, sino pa nga ba ang aking tinutuloy walang iba kundi ang nag-iisang si Juan Luna.

Alam naman natin lahat na ang buhay ni Juan Luna ay hindi naging madali sapagkat katulad din ng buhay ni Gat. Jose Rizal naging masalimuot din ito at naging isang malaking kontrobersya dahil sa mga krimen na kanyang ginawa. Ngunit sabi nga ng iilan hindi naman sya ito magagawa ng ganun na lamang sapagkat maraming haka-haka na nagawa lamang niya ang ganun bagay dahil sya ang may sakit. Isang sakit na animo'y dalawang pagkatao, isa para sa bayan at ang isa ay para sa sining.

The 5 Luna Code
“After the Dance,” “Daydreams of Love,” “The Death of Cleopatra,” “The Roman Ladies,” “The Parisian Life” and “Tampuhan.”
Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit naisip ni Direk Vince Tanada na gawin isang dula ang buhay ni Juan Luna sapagkat maliban sa kontrobersyal na krimen na ganyang ginawa at may kwento din ang bawat sining na ganyang ginawa. Kung ang The Da Vinci Code nga ni Dan Brown ay may kwento pero hindi naman totoo paano pa kaya ang code ni Luna. Oo tama tayo ng basa ang bawat likha ni Juan Luna ng obra ay may kwento lalong-lalo na ang kayang sikat na obra na "Spoliarium" na hindi lamang pala iisa ang ibig nitong ipahiwatig kundi dalawa. Kaya pala tuwing tinitignan ko ito sa loob ng National Museum kakaibang kilabot ang aking nakikita kahit pa sabihin na ilang beses ko na itong nakita. Ika nga nila iba ang obrang iyun bawat tao sa obra ng Spoliarium ay may dalawang kwento na ni minsan ay hindi ko na isipin na ganun pala. Paano pa kaya ang 5 obra ni Juan na  “After the Dance,” “Daydreams of Love,” “The Death of Cleopatra,” “The Roman Ladies,” “The Parisian Life” at “Tampuhan” hindi ba?

Two Juan Luna?
Juan Luna play by Vince Tanada and Patrick Libao
Kaya naman noong naimbitahan ako na mapanood ng buo ang "Obra ni Juan ng Philippine Stagers Foundation" ay na ako nagdalawang - isip pa na umuoo lalo't pa na ang masarap manood ng isang dula kung ang kwneto ay siksik at umaapaw.

Narito ang ilan sa mga pahapyaw na palabas ng Philippine Stagers Foundation' Obra Ni Juan.


Hindi ba ang intense - intense ng mga eksena sa Philippine Stagers Foundation' Obra Ni Juan kaya naman hindi mo dapat palagpasin ang dulang ito. Kung sa tingin mo ay alam mo na ang kwento ni Juan Luna nagkakamali ka sapagkat ang bawat yugto ng buhay nya ang isang roller coaster hanggang sa kanyang kamatayan.

Kaya anu pa hinihintay mo panoorin muna ang Philippine Stagers Foundation' Obra Ni Juan sa iyong paboritong theater o hindi naman kaya pumunta lamang sa opisyal page ng Philippine Stagers Foundation sa facebook upang malaman kung saan-saan show ito mapapanood at kung anung oras.

Ika nga nila mahalin mo muna ang bayan bago ang itong sarili at kilalanin ng husto ang kasaysayan.

Comments

Popular Posts