I Explore Asia Pop Comic Convention 2017


Sabi nga nila kung isa ka sa mga mahihilig sa mga anime, cartoon, series o webseries malamang sa malamang ay alam na alam mo o mas tamang sabihin na dapat ay alam mo kung anung meron sa Asia Pop Comic Convention o mas kilala bilang AsiaPop Comicon Manila kung saan nagsama - sama ang ilan sa mga magagaling na comic artist, fans, celebrities, cosplayers o iba pa para makilala sila ng madla ng husto.


Isa rin ang Asia Pop Comic Convention na nagbigay ng buhay sa comic para sa sarili kong opinyon ja kahit na sabihin natin na nagkaroon ng ibang genre sa Asia Pop Comic Convention kasi dito sa convention na ito magkakaroon ka ng pagkakataon na makilala ng personal at malaman kung paano o sino ang mga naging inspirasyon nila sa kanilang mga likha.

Isa din sa dahilan kung bakit masaya at masarap pumunta sa ganitong convention ay dahil mameet mo ang ilan sa mga international stars na dinadala ng Asia Pop Comic Convention taon - taon.


Ilan sa mga dinala ng  Asia Pop Comic Convention ngaun taon ay sina Ray Fisher o mas kilala bilang Cyborg sa series ng DC Universe film kung saan lumabas din sya sa movie na Batman V Superman, isa pa ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya ng personal dahil sa AsiaPop na ito sapagkat alam naman natin na hindi basta-basta ang mga ganitong pagkakataon kaya naman dapat sulitin ng husto, ika nga ng marami kung may pagkakataon ka gawin mo kasya magsisi ka sa bandang huli.

 at isa sa dinala rin nila si Tyler Hoelin o mas kilala bilang Superman/Clark Kent sa series ng Supergirl ng CW. Nakakalungkot lang di ko man lang sya nasilayan noong pumunta ako dahil na rin siguro sa dami ng mga activities na makikita mo dito.


Isa sa mga masasabi kung naging paborito ko o ng iiilan na pumunta sa Asia Pop ay ang Netflix booth, sila rin ang may pinakamalaking booth sa Asia Pop hindi na rin ako magtataka kung bakit malaki ang booth nila. Bakit? Syempre Netflix yan sinong hindi nakakakilala ng Neflix, ang Neflix lang naman ang nagbibigay ng saya sa atin lalong-lalo na kung trapik ka at walang magawa buksan mo lang ang Neflix app mo sa mobile viola, ready to watch any time and any where ka na. Lalo na kung meron kang paboritong series dito.

Speaking of series nakakatuwa kasi ilan sa laman ng Netflix booth ay pinapanood ko at masasabi kung blockbuster ito sa karamihan, paano ko nasabi sa labas pa lang ng Netflix booth ang haba na ng pila at iba pa ang pila sa loob mismo nito.

Tara samahan mo akong alamin kung anung meron sa loob ng Netflix booth na ito.

Bago ka pa lamang pumasok sa loob ay magkakaroon ka na ng isang souvenir para sa sarili mo ung entrance pa lang nila kaboong eh. Alam na alam mong pinag-isipan nila ang bagay na ito lalo na ngaun na on the snap at post na tayo, isa pa ay mas madali na ipromote ito kahit na sabihin natin na kilala na sila.


Isa rin sa mga atraksyon sa labas ng Netflix ay ang isa sa mga super duper sikat na "Stranger Things" na kaht ako gusto-gusto ko sa genre pa lang eh alam mo na masaya lalo na sa isang katulad ko na gusto ang ganitong klase ng genre na mysterious style at kung mga character pa lang iba na eh. Kahit na sabihin natin na bata lang sila pero iba pa rin talaga pagganun minsan naiimagine ko "what if kung may mga ganun nga na bagay no" malamang sa malamang super exciting ang bagay na iyon lalo pa kung mga kasama mo nga bata na kakaiba di ba?


Ito na papasok na tayo sa mismong loob ng Netflix booth kung saan makikita natin ang ilan sa mga sikat na series na pinapalabas nila at ang maganda pa sa mismong loob nito super photographic kahit sa isang corner lang nila.


Isa sa mga unang kong pinuntahan agad ang "Stranger Things" isa ito sa mga sikat na scene na makikita mismo sa series na ito. Kahit sino matutuwa sa booth na ito dahil ang ganda ng pagkakaset up nito lalong-lalo na kung isa kang igers magugustuhan mo magpic dahil bawat gilid nito ay swabe sa IG kumbaga lakas makalikes haha isa pa maganda ung ambiance nito tas samahan mo pa ng may tv sa gilid na anino'y talaga nasa series ka mismo. kaya naman hindi na ako magtataka pa ng husto kung bakit ang haba ng pila nito.


Orange is The New Black ay isa sa sumunod na destinasyon ko dito nakakaaliw lang na feel na feel ang bawat pagsnap ng mga tao kahit saan angulo ng silid may selda talaga hindi lamang yun, isa sa mga mas nagdala ng Orange is The New Black ay yun pagsuot mo mismo ng orange na damit na pang kulungan at dahil andun na rin naman ako syempre susulitin ko ang mga bawat eksena minsan lang naman magkaroon ng ganitong concept ng Netflix


Oh bago mawala sa isip ko meron pa isang booth ang Stranger Things na gusto ko din kasi lakas maka70s ng style at hindi lamang yun sapagkat bago ka pa lang pumasok sa loob nito ay pwedeng-pwede na magsnap kasi ang galing ng pagkakagawa para ka talaga papasok sa isang silid na alam na yun ang gusto mo pero parang nagdadalawang isip ka dahil puro pula ung nakikita mo.

Ito na ung loob ng sinasabi kong ang pula-pula na hindi mo mawari kung tutuloy ka ba o hindi lalong-lalo na kung isang manunulat na ang sarap gawan ng ganitong eksena na mapula.


Oh di ba nga? Kaya mapula dahil sa nagagalit na langit at kung isa ka sa mga tigahanga ng palabas na ito sigurado ako alam na alam mo kung bakit naging pula ang kalangitan at kung bakit meron mga bisikleta dito. Isa din ito sa mga masasabi kung tumatak na eksena sa series na ito. Alam mo kung nasa kwarto ka tapos nanood ka ng series tas ito ung episode para kang timang na kinakausap kung sarili mo dahil di mo mawari kung bakit naging ganun na lang yung eksena na yun.  Hindi ka ba makarelate sa nasulat ko aba download ka na ng Netflix meron silang one month free trial kung bagong user ka pa lang. Im sure magugustuhan  mo ito hindi lamang yun madami rin na magpipilian sa kanila.


Isa rin sa makikita sa loob ng silid na ito ang sikat na sikat na sign na masasabi mo ayun ito yun kahit sa malayo pa lamang alam mo na oo kahit simple lang naman sya pero maganda ung impact parang binabalik nga nila ung ganitong style ng sign eh.



Alam ko ito sikat na sikat lalong-lalo na kung batang comics ka sigurado ako na alam mo ito kasi ako naalala ko noon nakikibasa lang ako o mas tamang sabihin na nakikihiram lang ako ng comic na ito para basahin. Noong una nosebleed pa ako kasi di ko alam ung ibang salita na ginagamit doon pero habang lumalaki ako nagugustuhan ko na sya pero di pa rin ako nakakabili ang mahal din. Anu pa nga ba ang tinutukoy walang iba kundi ang sikat na sikat na comic na Archie Comics kung saan mas binigyan ng ibang kulay at timpla ng netflix at tinawag itong Riverdale. Nakakatuwa lang na naisip nila ang gawin series ito kasi may mga eksena din sa comics na weird pero kung tutuusin nangyayari sa totoong buhay.

Oppsss. hanggang dito muna tayo sa post na ito pansamantala ko munang pinuputol ang iyong pagbabasa sa aking munting series sa "I Explore Asia Pop Comic Convention 2017" kasi medyo mahaba pa ang lalakbayin natin para malibot ang Asia Pop Comic Convention 2017.

Syempre salamat kay yuneoh.com dahil isa sila sa mga media partner ng event na ito.

Comments

Popular Posts