TORUK : The First Flight - Cirque du Soleil


Isa ang Avatar sa sobrang gandang-ganda na palabas sa sinehan na gustong ulitin dahil sa ganda ng storyline nito kaya naman hindi na ako magtataka pa kung magkakaroon ito ng sequel ngunit isang nakakalungkot na balita na hindi na nga ito matutuloy. Pero mas lalong nagpasabik sa akin ay yung nalaman ko na magkakaroon ng isang live performance ang avatar sa isang entablado natuwa ako ng husto sapagkat panigurado na masaya at kaabang-abang ang mga bawat eksena nito.
Kaya noong nakita ko ang isang poster sa isang site noon at isang mini teaser ay naisip sana dalhin ito sa Pilipinas.

Hindi nga ako nagkamali sapagkat dinala nga nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Cirque du Soleil. Hindi man ito ang Avatar na nakita ko o masasabi kung napanood ko sa sinehan noon masasabi ko na super super na pa wow ako sa galing at angking talino na meron sila.

TORUK : The First Flight
Mula sa staging nito na anino'y talagang dinadala ka nito sa ibang mundo, isang mundo na hindi mo akalain na andun ka talaga at mas nararamdaman mo ito lalo sa bawat pagkabigkas nila ng mga salita o hindi naman kaya sa magagandang sounds na binibigay nila. Masasabi ko bawat detalye ng TORUK : The First Flight ay mabusisi nilang pinag-aralan mula sa ilaw, lcd projection, sa musika, sa interaksyon sa mga manonood at higit sa lahat ang mga tauhan na anino'y ang lambot ng katawan sa paglambitin sa ere ito.

TORUK : The First Flight scene
Isa sa mga pinakanagustuhan ko sa TORUK : The First Flight ay ang kung paano nagawa ung mabilis na pagpalit-palit ng mga bagay sa stage yung tipong akala mo wala lang talaga pero maya-maya bigla na lamang may lilitaw o susulpot na isang kakaibang bagay. Minsan ung pagpalit din nila ng projection ng ilaw pati ng LCD light nakakadala talaga parang feel na feel mo na andun ka sa eksena lalo na yung nagkakaroon sila ng digmaan sa mga halimaw o hindi naman kaya yung pagkaroon ng biglaan pagsabog ng bulkan na akala mo matatangay sila dahil sa galing nilang umarte.

TORUK : The First Flight
Lake scene
Isa pa sa kakaiba dito sa TORUK : The First Flight ay yun alam mo sa sarili mo na hindi mo alam kung anu yung sinasabi nila pero nararamdaman mo at nalalaman mo ung mga eksena base sa husay ng pagkagalaw at flow ng mga esemble nila. kaya kung manood ka nito siguraduhin mo na makatutok ang mata mo sa bawat detaltye. Mahirap mamiss lalo't na medyo may kamahalan din naman ang ticket. Pero kahit ganun masasabi kung sulit naman ang ganitong klaseng palabas kasi minsan mo lang naman siya makikita at mapapanood kumpara sa isang palabas na sinehan kung saan pwede mo idownload o hindi kaya bumili ng dvd, hindi ba?

TORUK : The First Flight
Wild Flower Scene
Kaya ang TORUK : The First Flight masasabi ko isa sa mga milestone ko bilang masugid na manonood ng teatro sapagkat nasaksihan ko ang kakaibang palabas na ganito. Yung akala mo bongga na mas bobongga pa talaga.

TORUK : The First Flight
The beautiful garden scene
Kaya kung ako sayo habulin mo ito mapapanood mo pala sila hanggang sa Hulyo 2 sa SM Mall of Asia Arena.

Para sa iba pang mga larawan ng TORUK : The First Flight maari lamang tumungo sa opisyal na fanpage ng Teatro Pinas : TORUK : The First Flight 

Comments

Popular Posts