Hidenori Izaki, First Asian World Barista Champion Live in Manila


Sabi nga nila lahat ng mga matagumpay na tao ay nagsimula sa isang pangarap, isang pangarap na makatotohanan at kayang gawin. Hindi ko lubos maisip na ang isang Hidenori Izaki ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo ngunit sobrang lawak na ng kanyang nakarating at higit pa dito ay madami na siyang naranasan at napuntahan dahil sa kanyang aking galing bilang isang barista.

Nagsimula ang pagiging isang barista ni Hidenori Izaki noong nasa junior highschool na sya kung saan naboring na sya sa kanyang pag-aaral at hindi na hindi alam ang kanyang gagawin sa buhay. Kaya naman tinanong sya ng kanyang ama kung anu nga ba talaga ang gusto niya? Wala syang masagot patungkol sa bagay na yun. Kaya naman bilang ama ay binagtrabaho nya si Hidenori Izaki sa kanilang munting negosyong coffee shop at doon na nga nagsimula ang mga pangarap mismo Hidenori Izaki. Isang pangarap na hindi na mismo na isipin na magagawa niya.

Narito ang buhay kwento kung paano nga ba si Hidenori Izaki nagsimula at paano siya nakilala bilang First Asian World Barista Champion.


Isa sa mga words of wisdom na masasabi kung pwedeng quotable quote ay, "I was sure that I could communicate with people from different backgrounds and fit helped me so much to get a more diverse point of view for whom I am."

Kung tutuusin tama naman ang mga ganun bagay isa pa iba rin talaga ang nadadala ang coffee sa ating lahat. Aminin natin na minsan pag gusto lang natin mag chill pupunta tayo sa isang coffee shop at minsan nga hindi na natin namamalayan na kausap na pala natin ung nakiupo sa lamesa natin.

Kaya naman syempre dahil sa kanyan aking galing ay naimbitahan sya ng Project Coffee at ng Allegro Beverage para magbigay ng isang masaya at inspirational na mensaha para sa mga barista na pumunta sa event na iyon. Isa lang masasabi ko sobrang worthy ang pagpunta mo dito kung talaga mahilig ka magkape at malalaman mo ang ilan mga proseso kung paano nga ba gumawa ng tamang latte.

Nakapaswerte nga ng ilang mga sumali sa Latte art throwdown at ilan sa mga barista sa Coffee Project Macapagal branch sapagkat nabigyan sila mismo ng one on one technique ni  Hidenori Izaki habang ang ibang contestant ay gumawa ng latte art throwndown para makamit ang inter branch coffee shop competition na iyon.

Dahil na rin andito si Hidenori Izaki naisipan na rin ng Nuova Simonelli na nagkaroon ng isang inter branch coffee shop competition kung saan ilan sa mga kilalang coffee shop sa bansa ay naglaban laban para makumuha ang titulong mahusay na latte art artist. Napakasayang tignan at panoorin ang mga barista habang ginawa nila ito lalong-lalo na rin ang mga judge sapagkat nakikita mo sa kanilang mukha na aliw na aliw sila sa bawat latte art na ginawa nito dito.

Narito ang ilan sa mga magagandang latte art na ginawa ng mga mahuhusay na barista.



The final round

Nakakaaliw lang ung huling rounds kasi ang dami mga dapat iconsider kung bakit nga ba ito o iyan ang mapili ng mga judges, i must admit kahit ako siguro ang nasa pwesto nila mahihirapan din ako lalo't pa nakina ko kung paano at gaano kaganda ang mga ginawang latte art ng mga barista.

Hulaan ninyo kung sino ang nanalo sa final round? at anung klaseng art latte ang ginawa niya? Basta ang masasabi ang bilis ng pagkakagawa niya at malinis tignan.

May nanalo na uwi na tayo bes?
Ang nanalo sa huling battle round ay walang iba kundi si Andy Abergas Luyugoy  ng Toby's Estate Philippines.

Learning ko sa gabing iyon huwag mailitin ang trabaho nila kahit simple lang ito sapagkat lahat naman ng ginawa nila ay may puso at pagmamahal lalong-lalo na kung makikita mo sa mata nila kung paano nila ginagawa ang latte art. Mas nagiging masaya sila kung nagustuhan ng customer ang ginawa nila.

Comments

Popular Posts