Mangan Ta Na : Cafe Janealo, Intramuros



Sabi nga nia masarap balikan ang mga lugar kung saan maraming kasaysayan na naganap dahil dito makikita at malalaman o makikilala ang isang lugar. Isa ang Intramuros sa madaming kasaysayan na naganap kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit ang daming dumadayo dito maging lokal man o banyaga.

Kahit na ako ay madalas ao pumarito kahit na sinasabi ng iilan na nakakasawa na ang ganda nito at maulit-ulit na lamang ang iyong makikita. Ngunit para sa isang katulad ko na mahilig sa kasaysayan at kultura ng bansa masasabi ko na ang bawat daan mo dito ay maraming nagbabago mula sa tao hanggang sa mga gusali nito.

Cafe Janealo interior
Isa ang Cafe Janealo na masasabi kung bago sa loob ng Intramuros kamakailan lamang simula ng bukas kung hindi ako nagkakamali ay noong nakaraang taon lamang at sa buwan ng Setyembre.

Masasabi ko na isang hole in the wall ang Cafe Janealo sapagkat hindi mo ito mapapansin kaagad at di mo ito makikita kung hindi ka mahilig mamasyal sa Intramuros o hindi naman kaya ay mahilig magsimbasa Manila Catheral tuwing domingo.

Cafe Janealo, Intramuros
Ngunit kahit hole in the wall ang Cafe Janealo ay makikitaan mo ito ng potensyal sapagkat dinadayo ito ng mga turista na namamasyal sa Intramuros, hindi nakapagtataka sapagkat ang ambiance nito ay talaga naman nakakahalina at maliban pa dito mabilis ang kanilang wifi na kaya naman patok na patok sa mga mag-aaral sa paligid ng Intramuros.

Tara samahan mo ako tikman ang ilan sa mga menu ng Cafe Janealo.

Drinks

Hot Americano Php 120

 Thai Iced Tea (P140), Janealo Iced Coffee (P130) & Dark Chocolate Overload Frappe (P150)

Green Apple Smoothie Php140 and Chocolate Dream Cake Php 140

Pastries


Ham and Cheese Php125, Bibingka Php40 and Ensaymada Php125


Dark Mocha Sansrival P140, Oreo Cheesecake Php140 & Chocolate Dream Cake Php140
Aaminin ako habang kumakain ako dito sa enjoy na enjoy ako sapagkat worthy at budget friendly ang mga pagkain an inoorder at ininom namin. Maliban pa dito isa sa gusto ko na wala sa ibang cafe ay meron silang conference room kung saan hanggang 12 na katao ang pwede dito kumbaga kung meron kang project na gagawin bilang isang mag-aaral swak na swak sa ito ang silid na ito kasi may privacy kayo o hindi naman pwede mag set ng isang seminar sa silid. Isa lang yan sa mga dahilan kung bakit dinadayo ito ng mga turista.

Kaya naman bilang isang coffee lover swak na swak ang Cafe Janealo na pang stop-over habang napapamasyal ka sa Intramuros.

Matatagpuan ang Cafe Janealo sa 398 Cabildo corner Beaterio Street, Intramuros kung hindi ka masyadong familiar sa street na ito maari ka lamang pumunta sa Manila Catheral pagkatapos dumaan ka sa likod ng Manila Catheral doon sya kita na mismo ang Cafe Janealo.

Para sa iba pang impormasyon maari lamang bisitahin ang kanilang opisyal na facebook page na Cafe Janealo, Intramuros.

Comments

Popular Posts