Experience Different Adventure at Tree Top Adventure - Baguio
Kung mahilig ka sa mga iba't-ibang mga adventure lalo na ung tipong di ka pagpapawisan dahil sa mainit na panahon o hindi naman kaya gusto ninyo magkaroon ng isang kakaibang bonding ng mga kasama mo sa trabaho naku panigurado dapat subukan ninyo ang isa sa mga kakaibang adventure na meron ang Tree Top Adventure - Baguio. Hindi lamang sya basta-basta na ride sapagkat maaliw ka din sa mga view na makikita mo dito mismo sa amusement park na safe para sa lahat.
Isa sa mga inoofer ng Tree Top Adventure - Baguio ay ang kanilang team building package kung saan hindi mo masusubukan ang tiwala, katatagan, mabilis na pag-iisip at higit sa lahat pagpapakatoo sa sarili.
Kaya naman noong naimbitahan ako na sumali sa ganitong pagtitipon ay hindi na ako nagdalawang - isip pa na umoo sapagkat alam ko sa sarili ko na makakaya ko ang bawat pagsubok na aming susubukan at isa sa mga mas lalong nagbigay sa akin ng kakaibang trill ay hindi ko alam kung sino nga ba ang magiging kakampi ko sa laban na ito.
Bilang isang blogista maaro tayong mga nakikilala sa iba't-ibang mga larangan mula sa mundo ng lifestyle hanggang sa sports o hindi naman kaya sa mga baguhang mga blogista kaya naman noong nasa Camp John Hay na kami upang mag-aayos at syempre bubuuin ang grupo hindi ko maari na magiging masaya ito sapagkat hindi naman kami laging nagkakasama tuwing may mga imbitasyon.
Hinati kami sa dalawang grupo kung saan paglalaban-laban kami sa lahat ng mga pagsubok na aming gagawin at sa bawat pagsubok dapat matapos namin ito ng malinis, mabilis at higit sa lahat marunong makinig sa bawat nagfafacilitator sa amin. Sapagkat doon nakasalalay ang magiging takbo ng laro.
Kagaya ng aking nasabi nahati kami sa dalawang grupo, ang dalawang grupo ay kailan bigyan ng ngalan at ito ay Team Pia at Team Tanders.
Team Pia headed by Allan Gokongwei (c) Allan Gokongwei |
Team Tanders headed by Orlee Passion |
Bilang isang team building ito natural na pagpapalisahan kami sa mga bawat laro na naisip mismo ng Tree Top Adventure - Baguio kung saan meron itong 6 na pagsubok na pagpapatibay sa amin.
Simulan natin sa unang pagsubok na aming ginigawa ang ABC Game na ginawa sa Sky Walk kung saan tanaw mo ang ganda ng Baguio, ayun na nga ang ABC Game ay isang lalo na pag-bigkas ng mga letra ng sunod-sunod ngunit may twist ito sa pagkat dapat mabilis, malakas at higit sa lahat malinis ninyo itong magagawa at mas malala pa ay nakatalikod kayo sa isa't-isa. Kaya dapat makinig ka ng mabuti sa kasama mo dahil pagkamali ka lamang ng dinig ay sigurado mawawala ang tempo at laro.
(c) orleepasion.com |
Bar Lifter Balancer masasabi ko patience at mabilis na pagkilos ng sabay-sabay ang kailangan mo dito sapagkat dapat sama-sama kayo sa pagtaas nito at kailangan balance dahil kung hindi panigurado na mawawala ang holen na nakalagay sa gitna nito,
(c) Allan Gokongwei |
Loop Lift, isa ito sa nakakatuwang laro sapagkat simple lang sya pero dapat mabilis ang iyong lakad dahil kailangan ninyo mailipat ang loop sa kabilang side nito na hindi nahuhulog ang holen sa gitna.
See Saw Game, actually sa lahat ng game ito ang sisiw at yakang-yaka sapagkat ang kailangan mo lamang gawin dito ang magbalance gamit ang iyong sariling bigat sa katawan at kailangan alam mo kung kailan mo ibibigay ang bigat na iyon upang parehas na side ang pagbalance.
Gem Drop, isa ang laro na ito na magsasabi sa iyo na patience is a virtue at kailangan marunong kang makinig at makiramdam sa bawat isa sa inyo sapagkat sa unang tingin akala mo madali pero hindi pala lalo na ung tiping nasa malapit na at papasok na sa loon pero hindi pa pala.
(c) Tree Top Adventure - Baguio |
Plank Step, isa ito sa mga lumang laro noong bata pa ako hindi ko akalain na pwede pala siyang gawing isang activity para sa isang team building. Ang Plank Step ay isang laro kung saan kailangan mong magbalance sa isang plank na hindi lamang ng iisang tao kundi 3 o higit pa pagkatapos kung sino naman ang nasa dulo ay kailangan ilipat ang plank patungo sa unahan hanggang sa makapunta sa finish line.
(c) Allan Gokongwei |
Pipeline, isa sa nakakachallenge na laro dahil kailan mong ilipat ang bola mula sa pinakauna hanggang sa makaabot sa finish line gamit ang pipe kung saan doon ninyo papagulungin ang bola.
Tresure Hunt, ofcourse alam naman natin kung paano laruin ang laro na ito hindi ba? Ang kailangan dito ay mabilis na pag-iisip at bilis ng paghahanap. Hindi sa lahat at determinado na makuha ang kayamanan.
All in all masasabi ko sa sarili ko na sa bawat pagsubok ng buhay dapat talaga lagi kang handa simple man na pagsubok ito o hindi, mayroon man naggagabay sa ito sa mga pupuntahan mo pero syempre dahil marunong ka marinig para hindi ka mawala sa landas na gusto mong tahakin.
Bago mawala sa aking isipan ang nanalo sa team building challenge na ito ay walang iba kundi ang Team Tander. Hindi na siguro nakapagtataka sapagkat alam at marunong makinig sa bawat isa marahil isa yun sa mga assets namin.
Isa sa mga nagustuhan ko dito sa Tree Top Adventure - Baguio ay hindi kami pinagpawisan marahil dahil sa klima na ito kaya tamang-taman talaga ito para sa company team building lalo na mura lamang ang kanilang package para dito.
Ang team building package nila ay naglalaro lamang sa halagang 800 hanggang 1,000 pesos kaya isa depende pa iyon kung anu ang gusto ninyong style ng team building.
Para sa iba pang impormasyon pa tungkol sa Tree Top Adventure - Baguio tumungo lamang sa kanilang opisyal website na http://www.treetopadventureph.com/contact-us/.
Comments
Post a Comment