Mangan Ta Na : Pelagio, A Mexican-Filipino Cuisine
Pelagio, A Mexican-Filipino Cuisine |
Kaya naman dahil isa ako sa mga laking south ay naku tuwang-tuwa ako sapagkat may bago na naman akong tatambayan lalo na nasa malapit na lugar lamang naman siya walang iba kundi sa bagong renovate na Festival Mall sa may riverside area pa, sakto kasi maganda tumambay lalo na pagsabit ng gabi dahil sa ganda ng lugar, (isa sa mga factor na dapat tandaan kung kakain ka sa isang lugar ang ambiance ng restaurant).
Anu nga ba itong sinasabi ko walang iba kundi ang Pelagio, A Mexican-Filipino Cuisine, isang bagong salta sa mundo ng Mexican-Pinoy food sa south pero kahit bago sila sa industry na ito masasabi kung may laban ang Pelagio, A Mexican-Filipino Cuisine dahil sa magkawig lang naman ang lasa ng Mexican food at Pinoy food. Maliban pa dito isa sa mga gusto ko sa kanila ay ang budget friendly na pagkain nila na naglalaro lamang sa Php 120 hanggang Php 250 at ang iba pa nito ay good for sharing, ika nga nila swakto sa bulsa lalo na sa magkakabarkada na alam naman natin lahat na ito ang gusto.
Dahil pagkain ang pinunta namin dito mararapat lamang na tikman natin ang ilan sa masasabi kung patok sa inyo at swak sa budget.
Fajitas | Php 215 |
Quesadilla | Php 185 |
Alitas | Php 215 |
Grilled Liempo | Php 310 |
Watermelon Mint | Php 70 |
Over-all masasabi kung isa itong hall in a wall na restaurant sa south at swak na swak sa barkada o pamilya lalo na kung pagod na pagod na kayong kakagala sa loob ng mall.
Para sa iba pang mga detalye pa tungkol sa Pelagio, A Mexican-Filipino Cuisine maari lamang kayong tumungon sa kanilang opisyal na facebook account na www.facebook.com/PelagioRestoBar. Makikita mo ang Pelagio sa may bandang LGF Water Garden Expansion Wing, Festival Mall, Filinvest City, Alabang.
So anu pa ang hinihintay mo huwag mo lang tignan o basahin, tikman mo din at malaman mo kung worthy nga ba itong ishare sa iyong mga kaibigan!
Comments
Post a Comment