Sabi nga tatay ko noong dapat marunong kang makibagay sa lahat lalo na sa panahon ngaun na marami ng konsepto ang nabubuo na nagkakaroon dahil sa bilis ng panahon. Isa sa mga pagbabago na iyon ay ang pagkain kung saan alam naman natin lahat na ang bawat lugar sa Pilipinas ay may iba't-ibang mga panlasa ngunit syempre bilang nasa isa tao sa mahilig kumain ay hindi na nakapagtataka pa kung bakit madami rin mga negosyo nabubuo dahil dito.
Isa na ang Cabalen group of companies, ang nagkaroon ng bagong ihahandang putahe para sa mga Pinoy ito ang BKK Express. Kung saan ang putaheng nakahain para sa iyo ay putaheng nagmula pa sa Thailand na alam naman natin lahat na masarap dahil sa taglay nitong aruma at lasa.
|
BKK Express Kiosk |
Isa sa mga pinakaunang branch ng BKK Express ay matatagpuan sa sentro ng BGC, 4th floor, Uptown Mall Food Hall. Akala ko noong una ay isang fine dining restuarant ito katulad ng Cabalen since doon naman nakilala ito ngunit hindi pala sa isa pala itong kiosk na kung saan ready to go na kain o mas masayang isipin na budget meal para sa mga taong gustong kumain ng masasarap ngunit tipid.
Isa sa mga natutuwa ako sa BKK Express ay ang kanilang set ng menu sapagkat makikita mo talaga dito na kahit na kiosk lamang sila ay pinag-isipan at kung makikita mo sa ibang Thai restaurant ay meron din sila nila. Hindi lamang yun sapagkat ung ibang menu nila ay good for two serving pa.
Tara simulan natin tikman ang ilan sa kanilang masasarap na pagkain na talaga naman magpapatakam sa iyong paningin.
|
Pad Thai -Singaporean style |
Isa sa mga paborito ko pagdating sa Thai food dahil para lamang siyang pansit sa atin ang pagkakaiba nga lang nito mas lamang ang aruma na binibigay nito at ang spicy na meron nito. Super recommended ito sa kaibigan nating hindi masyadong kumain ng mga karne sapagkat more on seafood at tufo ito.
Syempre isa din sa pinagmamalaki ng Thai food ang kanilang mga grill food kung sa Pilipinas meron taung mga isaw, adidas o fishball sa bansang Thailand naman madalas na makikita mo sa kanilang lansangan ang mga ito. Pero hindi porket nakikita mo na ito ay mura na, masasabi kung may kamahalan din ito kumpara sa atin marahil dahil iba ang konsepto nila ng street food.
|
Chicken Satay BBQ |
Nakakatakam ang Chicken Satay na ito akala ko noong una parang wala lang pero mas sasarap ito kung hahaluan ng matamis na medyo spicy na sauce tamang-tama ito sa mga mahilig sa chicken lalo na sa mga bagets maliban pa dito good for sharing pa ito na nagkakahalaga lamang na Php 330.00 .
|
Isan Sausage |
Akala ko itong Isan Sausage ay pulutan sa Thailang yun para isa pala ito sa mga appetizer nila at ang pagkain nito ay parang pagkain ng lokal version nating ng lumpiang sariwa kung saan ikaw mismo ang magbabalot na naayin sa gusto mo at ang pinakapambalot mo ang lettuce leaves. Good for sharing din nito na nagkakahalaga ng Php 350.
|
Thai Spring Rolls |
Aayaw ka ba kung itong Thai Spring Rolls ang nakahain sa iyo syempre hindi lalo't na alam naman natin lahat na ang bawat Pinoy mahilig sa mga prito tapos sasamahan pa ng matamis na mahanghang na sauce.
|
Thai Noodle with Roasted Pork (Php 160-190) |
Isa sa mga best seller ng Thai food nauna kung natikman ang ganito sa Just Thai sa Alabang. Masasabi ko para din siyang ramen ng Japan ang pinagkaiba lang siguro base na rin sa aking panlasa ay ang dami ng laman na meron ito.
|
Thai Bagoong Rice |
Kung tayo meron rice in a box, ang Thai naman meron Thai Bagoong Rice kung saan wala ka ng hahanapin pa sapagkat lahat na andun isang putahe na andun mula sa kanin, ulam at healthy food. Swak ito sa mga mga di masyadong maselan sa pagkain lalo sa mga mahilig sa gym.
|
Pork Belly 5 Stew with Hard Boiled Egg |
Pork Belly 5 Stew with Hard Boiled Egg is love, simple lang naman para siyang adobo natin na matamis nga lang ng husto kaya naman meron syang sauce na medyo maasim kung saan para maibalanse nito ang tamis. Good for 3 ang pagkain na ito na swak sa bardaka lalo na sa halagang Php 260.00 lamang.
|
Water Chestnut with Crushed Ice and Toddy Palm (Php 125.00) |
Syempre hindi rin mawawalan ng dessert, ang Water Chestnut with Crushed Ice and Toddy Palm ay parang version natin ng halo-halo para sa akin eh, nagbabase ako sa aking panlasa. Nagtaon lamang na mas malalasahan mo ang water chesnut nito kumpara sa tamis ng gatas ng halo-halo natin.
|
Sticky Rice Mango Sundae with Sherbet |
Isa sa mga binabalik-balikan ko sa pagkain ng Thai, ang kanilang Sticky Rice Mango nakailang kain din ako nito sa isang Thai restaurant na pinuntahan ko dati. Kaya naman ang laki ng inaasahan ko dito sa BKK Express kung paano concept ang ibibigay nila sapagkat kiosk nga naman sila. Pero kaboom masasabi kung kapantay nito ang lasa na gusto ko maliban pa dito mas maganda ang presentation nito na anino'y parang ayaw mong masira. Ilang tao ang pwede dito good for two pero kung ako sa ito isolo mo lang dito para mas maramdaman mo ang sarap na bigay ng Sticky Rice Mango Sundae with Sherbet na nasa halagang Php 135.00 lamang.
Over all masasabi ko na worthy naman ang perang ilalabas mo dito sa BKK Express dahil ilan sa mga menu na meron sila ay good for sharing lalo na kung kapos ka sa budget at gusto mong idate ang girlfriend mo sa isang medyo masarap na kainan sa BGC area. Swak na swak ang BKK Express.
Comments
Post a Comment