Katips : Ang Mga Bagong Katipunero of Philippine Stagers Foundation


Sabi nga nila lahat ng kwento may mga tinatagong mga sekreto, mga sekreto maaring nakakabuti sa lahat na hindi na kailan man malaman ng iba ngunit may mga sekreto na kailan ibunyag para malaman at matuto ang iba sa mga pagkakamaling ginagawa ng nakaraan.

Isa sa pinakabagong handog ng Philippine Stagers Foundation sa taong ito ay ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero, isang kwento sasalamin para sa bayan, sa sarili at sa pamilya. Isang kwentong maaring bumuo o maghawasak sa iyong pagkatao.


Ang magiging tema ng kanilang dula ay panahon ng Batas Militar na kung saan alam naman nating lahat na isang malagim itong tradehya sa Pilipinas at dahil sa tradehya na iyon ay maraming sa atin ang natuto na sa dapat gawin ngunit maari pa rin ang kinain na ng sistema na iyon.


Noong una kong nakita ang poster ng Katips : Ang Mga Bagong Katipunero ng Philippine Stagers Foundation ay hindi ko mawari kung anu nga ba ang gusto nilang iparating sa madla sapagkat kakaiba ang tema na ito at iba rin ang timpla nito para sa akin ngunit noong nabigyan ako ng pagkakataon upang panoorin ang kanilang rehearsal ay nabigla ako ng husto. Hindi dahil sa kakaiba ang ginawa nila sa dula kundi dahil sa kwento. Sa bungad pa lamang ng kwento ay mabigat na dahil marami na silang tinatalakay na isyung panlipunan kung saan ang problema noon ay problema pa rin hanggang sa ngayon (bakit nga ba?). At isa rin sa mga nagustuhan ko sa Katips : Ang Mga Bagong Katipunero ay ang alregro ng mga musikang ginamit nila na bago ngunit mapapasabay ka sa indak nila maliban pa dito ay mayroon na ako kaagad naging paborito at maari ko ring gamitin ito sa aking mga hugot festival. Isa sa mga magandang linya dito ay ang "Sa Gitna ng Gulo Umusbong Ang Pag-ibig."

Narito ang ilan sa mga excerpt ng Katips : Ang Mga Bagong Katipunero .


Habang pinapanood ko ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero ay may mga bagay kang marirealize sa buhay kaya naman huwag na huwag mong papalagpasin ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero at maliban pa dito ay may nagbabalik na dating membro ng Philippine Stagers Foundation na sina Kevin Posadas at Kerwin Larena.  May hirit pang live band ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero sa unang pagkakataon sa entablado ng Philippine Stagers Foundation.

Kaya naman maraming rason kung bakit hindi mo kailan pang palagpasin ang bagong handog ng Philippine Stagers Foundation sa taong ito.

So paano kita-kits tayo sa Katips : Ang Mga Bagong Katipunero!

Para sa iba pang mga larawan maari lamang tumungo sa AXLPowerhouse page at sa excerpt video sa AXLPowerhouse youtube

Comments

Popular Posts