Hercules: The Valiant Warrior of Thebes the first theater play of Fullblast Productions


Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isang Hercules kahit sino atang tao ang iyong tanungin ay kilalang-kilala na sya lalo na ang mga taong mahilig magbasa o hindi naman kaya ay nakalakihan na ang panonood kay Hercules sa Disney Channel o hindi naman kaya sa pelikula hindi ba?
Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit ito ang naunang napiling ipalabas ng Fullblast Productions para sa kanilang unang pagsubok sa mundo ng teatro.

Kaya naman noong naimbitahan ako na dumalo sa kanilang media conference ay kaagad na akong umoo kahit hindi ko alam kung anu nga ba ang aking dadatnan lalo't pa na ang isa sa mga naging paborito kung basahin noong highschool ang Hercules dahil sa aming literature subject.


Isa sa mga nagulat ako na gaganap na bilang Hercules ay si Polo Raveles kung saan kung batang 90s ka ay alam mong naging parte sya ng AnnaKarenNina kung saan nakapareha nya si Sunshine Dizon.

Nagulat sapagkat hindi ko alam kung paano nya bibigyan ng atake ang isang Hercules ganun iba ang konsepto ng mundo ng teatro sa mundo ng telebisyon ngunit ipinaliwanag naman sa amin ng kanilang direktor na si Riki Benedicto kung bakit nga ba sya ang napili sa role na iyon. 

Narito ang kabuang paliwag ni Direk Riki Benedicto kung bakita nga ba si Polo Ravales.



Maliban pa dito ay natutuwa ako sapagkat ilan sa mga cast na kasama sa Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ay aking naging kaibigan na rin sa mundo ng teatro katulad nina Natasha Cabrera, Ronah Rostata, Paw Castillo. Kasama din sa cast sina CJ Flores Marin Hutch Perales, Jhay-R Baccol, Francelle Fetalvero, Jovito Bonita, Jasper Jimenez, Jasmin Salvo, Ren Medina, at Tina Dela Cruz.


Higit sa lahat isa sa mga natuwa ako sa Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ay ang pagkasulat nito sapagkat ayon mismo kay Mosang ay kakaiba ang atakeng ibibigay nila dahil mas malawak at mas binigyan nila ng tuon ang mga bawat karakter nito. At isa pa sa dahilan ay ang playwright kung saan naging paborito ko na sya simula noong napanood ko ang kanyang likhang Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala  sa LabFest noong nakaraang taon.

Kaya naman nasisigurado ko na itong Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ay papatok sa lahat hindi lamang sa mga bata pati na rin sa lahat nga uri ng tao.

Kaya naman kung ako sa iyo huwag na huwag mong papalagpasin ang Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ng Fullblast Productions sa darating na Septhber 

More videos at

Fullblast Productions' Hercules : The Valiant Warrior of Thebes

Hercules : The Valiant Warrior of Thebes | Excerpt

Mosang shares some inside in Hercules: The Valiant Warrior of Thebes


So paano kita-kits tayo sa Star Theater ha!

More fotos at official fanpage AXLPowerhouse

Comments

Popular Posts