Weekend Getaway : Discover History at Salvador H. Laurel Museum and Library


Sabi nga nila ang kasaysayan ang huhubong sa iyong pagkataon habang ikaw ay narito sa lupa ngunit kasaysayan din ang sisira sa iyo kapag nawala ka na.

Isa yan sa mga totoong mga kasabihan na masasabi ko sapagkat ilan nga ba sa atin alam ang tunay na kasaysayan na bumabalot sa ating bansa, pagkatao o maging sa ating lugar. Hindi porke't nabasa mo na iyo sa isang libro o itinuro sa iyo sa eskwelahan ay papaniwalaan mo na ito ng husto, ika nga nila dapat marunong kang gumawa ng iyong sarili pagsasaliksik upang alamin ang katotohanan sa lahat ng iyong nababasa.


Kaya naman bilang isang mahilig sa kasaysayan ay nagalak ako ng husto ng nalaman na naimbitahan ako na pumunta sa isa sa mga lugar at bahay ng isang kilalang bayani na nilimot na ng pagkakakataon at ng panahon. Isa sa mga bayahing masasabi kung malaki ang naging ambag sa lipunan at kung bakit naging ganito ang itong lipunan ngayon.

Tara samahan mo akong lakbayanin at muling sariwain ang mga ilang alaala na maari mong gamitin sa iyong pagkatao o masasabi kong makakatulong sa iyong pagsasaliksik sa kasaysayan ng ating bansa.

Sino nga ba ang aking tinutuloy sa aking unang panulat, sino pa nga ba kunti ang nag-iisang Salvador H. Laurel o mas kilala sa tawag na Doy Laurel.

Sino nga ba si Doy Laurel ay anu ang kanyang naging ambag sa kasaysayan ng Pilipinas? 

Si Salvador Laurel ay Bise-President ng Pilipinas noong 1886 hanggang 1992 sa pamumuno ng dating President Cory Aquino.

Siya lamang ang masasabi kung naging Prime Minister ng bansa na isang buwan lamang ang tinagal dahil sa isang hindi magandang pagkakasunduan ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino.

Noong nakaupo pa sya sa kongreso at senado ay nagpasa sya ng isang batas para sa mahihirap upang bigyan pansin ng mga nasa gobeyrno. Kinikilala itong "Laurel Law."


Isa si Doy Laurel sa nagbigay ng daan upang maging pangulo si Cory Aquino sapagkat alam nya na magkakaroon ng isang maayos at magandang bansa ang Pilipinas ngunit noong naupo na si Aquino bigla na lamang nagbago ang lahat.

Isa rin si Doy Laurel sa unang nagsulong ng Federalismo sa Pilipinas, oo noon pa man ay Federalismo na talaga ang dapat sa ating bansa sapagkat alam nila na ito ang nakakabuti at mas masasaayos ang pagtakbo ng Pilipinas.

Isa rin si Doy Laurel sa lumaban sa ating kalayaan noong panahon ng Martial Law ni Pangulong Ferdinand Marcos kung saan itinatag niya ang United Nationalist Democratic Organization o mas kilala bilang UNIDO. Sa kaalamanan ng lahat noong siya'y ay tumakbo hindi sya humingi ng tulong kanino pang upang magkaraoon ng pondo ang UNIDO sapagkat sa kanyang mismong bulsa nanggaling iyon at marami ding mga ari-arian syang binibenta para lang sa UNIDO at mabigyang nga magandang laban noong panahon ng Martial Law.

At isa sa mga importanteng naganap sa karera ni Doy Laurel ay ang pakikipag-usap nya sa bansang Tsina kung saan nagbukas ng maraming kalakalan ang Tsina sa ating bansa. Kaya naman kung tutuusin dapat ang kanyang may bahay na si Mrs. Celia Diaz - Laurel humingi ng tulong ang kasalukuyang administrasyon upang kahit paano ang mabawasan ang tensyon na nagaganap ngayon sa Tsina at Pilipinas.

Di ba ang daming niyang nagawa sa ating bansa ngunit iilan lamang ang nagbibigay ng importansya sa kanyang nagawa bilang isang Pilipino dapat may pakialam ka sa anumang kasaysayang na bumabalot sa ating bansa sapagkat alam naman natin na maaring maulit ito sa ibang panahon ngunit kaparehong pagkakataon.

Nakakalungkot lamang na maagang namayapa ang isang tulad ni Bise-President Salvador Laurel dahil sa sakit na kanser ngunit alam mo patuloy pa rin maisasapuso ng kanyang pamilya ang mga nagawa niya lalo na ang mga mhihirap na natulungan niya.

Tara samahan mo naman akong libutin ang isang lugar kung saan madalas siya at dito rin sya nagsusulat ng mga libro noong panahon na nagretiro na sya sa magulong mundo ng pulitika,

Laurel Museum and Library


Masasabi kung masarap bumalik sa lugar na ito sapagkat hindi mo aakalain na ikaw ay nasa Laguna dahil sa sarap ng klima dito, ika nga ng mga kasama ko parang Baguio lang ang lugar dahil sa sarap ng hangin at ganda ng view kung saan kitang-kita mo ang buong SLEX, Laguna.


Maraming interesadong mga kagamitan at mga trivia ang makikita mismo sa loob ng museo ng Laurel isa na dito ang hindi mabilang na librong pangkasaysayan at maging mga pipe ng sigarilyo na meron si Bise - Presidente Doy Laurel.


Alam ninyo rin ba an ang opisina / library na ito ngayon ay nagmula pa sa kanyang opisina sa Shaw Boulevard, Mandaluyong.

Narito pa ang ilan mga interesanteng mga lugar sa loob ng Salvador H. Laurel Museum and Library.




Isa sa mga interesande dito ay meron silang man made fall na tatlo na masasabi ko ang ganda lang ng pagkakagawa at isa pa pwede pala sila maging venue para sa isang reception dahil meron mismo para dito.



Kaya ikaw anu pa ba ang inyong hinihintay punta na sa Salvador H. Laurel Museum and Library at kilalanin ng husto ang kanyang kasaysayan at pamana.

Para sa iba pang mga detalye maari lamang kontakin si Joe Lad sa 09185949052 o hindi kaya ay bisitahin ang kanilang opisyal facebook page sa https://www.facebook.com/DHLmuseum/.

So paano hanggang sa susunod na paglalakbay sa kaysaysayan.

Para sa iba pang mga larawan sa  Salvador H. Laurel Museum and Library maari tumungo sa AXLPowerhouse facebook page.

Comments

Popular Posts