Mangan Ta Na : Discover the Secret of the South Food


Sabi nga nila isa sa mga pinakamabilis na puntahan lalo na kung kasama mo ang iyong pamilya o maging ang barkada ay ang mall ngunit dahil nag-iiba na rin ang panahon ngaun lalo na kung kasama ka sa braket ng millennials ay mas gugustuhin mo pumunta sa isang stand alone restaurant or coffee shop at doon na lamang magbonding lalo na kung maganda ang ambiance, masarap na pagkain at higit sa lahat meron free wifi, so saan ka pa nga ba makakahanap ng ganun na swak na sa bulsa mo at sulit na sulit pa.

Kung ang #TigaNorth ay meron Maginhawa Street na punong-puno ng pagpipiliang mga pagkain aba'y syempre kailan pa ba magpapahuli ang #TigaSouth sa isang lugar pa lamang ay umaapaw na ang pwede mong pagpiliin na lugar lalo'y pa na mas tabi-tabi ang mga ito kumpara sa #TigaNorth (oo na biased na).

Bilang #TigaSouth naman ako syempre pupuntahan ko ang ilan sa mga bago, masarap, swak sa bulsa, may wifi at higit sa lahat pwede magbonding ang mga pamilya at barkada sa lugar na ito.

Tara samahan mo akong tulkasin ang Secret of the South Food.

Ang una kong stop over ang Mati's Meat and Bread kung saan patatagpuan ito sa Unit B2, River Park, Festival Supermall Expansion,Muntinlupa City.


Unang napansin ko sa Mat's ung lugar kung nasaan ito sapagkat ang nasa tabi lamang ito literal ng isang ilog na nagtutugtong sa Laguna Bay at ang masaya pa dito ay pwede-pwede ka mag OOTD shoot sa tabi ng ilog dito pa lamang ay sulit na sulit na ang iyong pagpunta. Pagdating naman sa kanilang putahe ay naku kakaiba ang isa sa mga masasabi kung gusto ng mga lalaking may pinagdadaan sa kanilang pag-ibig hahaha, hindi biro lamang isa kasi sa mga espesyal na putahe dito ay ang Balut Aligue, pangala pa lamang ng putahe na ito pamatay na sa sarap hindi ba? Kaya naman kung titikman mo ito siguraduhin mo lamang na kaya mo. Masarap itong idare sa barkada akyuli hahah.

Balut Aligue
Kaya naman busog na busog kami dito pa lang sa first stop naman kaya habang nagpapababa kami ng aming kinain ay nagkwentuhan muna kami at syempre walang katapusang post sa aming social media ng mga foodporn, oo sapagkat ang Mati's Meat and Bread ay meron wifi kaya naman masusulit mo talaga ang pagpunta mo sa lugar na ito.

Ang next stop namin walang iba kundi ang paborito ko sa lahat ang ice cream yum yum yum!!


Coolato Gelato ang ikalawang stop over namin kung saan tumungo kami sa SM Bf upang tikman ang masarap at totoong icre cream o mas gelato, isa sa mga pinagmamalaki ng Coolato Gelato ay paggawa ng ice cream muna sa liquid hanggang maging solid ito, oo tama ka ng nabasa sapagkat niluluto nito ito sa isang malamig na malamig na kawali (kung yun man ang tawag dun) para maging solid ito.

Bilang katibayan sa aking sinasabi o sinusulat narito ang video kung paano nila ginagawa ang gelato na nakapasarap.



So ngaun alam mo na ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang Coolato gelato na ito kumpara sa ibang ice cream parlor.

Aaminin ko naka 3 ata akong baso ng Coolato gelato na iba't-ibang mga flavor syempre mawawala ba naman ang isa sa mga paborito ko ang presa. Maliban sa ice cream nag-oofer din ang Coolato Gelato ng sandwich at nachos bilang snack.

Team #pumapagibig goes to SIAM Noodle House
Next stop namin ang isa sa mga bagong restaurant sa south at matatagpuan ito sa loob ng isa sa mga pinakabusy at mayaman na lugar sa south at liban pa dito ito ang massabi kung literal na Maginhawa Street ng South, saan pa nga ba kundi sa loob ng BF Parañaque, ang saktong lugar ay

63 Presidents Avenue Corner Aguirre Street, BF Homes, Parañaque City at ang restuarant na ito 
ay walang iba kundi ang 
SIAM Noodle House.

Ang totoo nyan ay kakagaling ko lamang dito nitong mga nakaraan na buwan at massabi ko 
na masarap tumambay sa lugar na ito sapagkat ang tutyal tutyal ng dating at bilang nasa Thailand ka
dahil sa ambiance na meron dito.

Narito ang aking sinulat na artikulo noong upang punta ko sa SIAM Noodle House

Sa larawan pa lamang sa itaas kitang-kita na ang aming saya at galak sa pagkain ng masasarap na thai food sa SIAM Noodle House, what more pa kaya kung matikman ninyo din ang ilan sa mga putahe na meron sila katulad na lamang ng iba't-ibang mga noodles soup na Crispy Pork Noodles, Tom Yum, Shrimp Paste Surprise, and Green Curry Seafood.

At ito na ang aming huling bagsakan at nalaman na sekreto sa south, ang aking namiss na lugar ang Mystic Brew.


Isa ang Mystic Brew na masasabi ko na masarap tambayan lalo na kung sasapit na ang dilim sapagkat maraming kakaibang nangyayari sa loob nito, isa sa mga iyon ay ang music jamming.

Kaya naman pagpasok mo na lamang sa lugar ay alam mong mapapatambay ka ng hindi mo nalalaman dahil sa ambiance at instgrable ang lugar ng Mystic Brew ay masasakat pa ang mga nasa menu na meron sila.

Isa sa mga bagong putahe sa akin sapagkat noong pumunta ako dito ay hindi ko sya natikman kaya naman susulitin ko ang pagtikim sa kanya dahil sabi nila masarap ito at talaga naman tamang-taman sa akin dahil mahilig din ako sa ganung aroma.

Walang iba kundi ang Aladdin Coffee at masasabi ko nga masarap at malinamnam ang lasa nito hindi masyadong mapait, ika nga ng karaming ay swabe lang at dahil huling hirit na rin namin ito ng  Secret of the South Food ay sinulit ko na din tikman ang kanilang masasarap na putahe at masasabi kung paborito ko na sila dahil may ice cream hahaha..



Narito ang aking unang karanasan ang Mystic Brew noong una ko itong napuntahan at natikman ang kanilang mga putahe.

Katakam-takam di ba? Kaya naman busog na busog ako sa putahe nila kaya naman kung magagawi ka sa south ay naku, siguraduhin mo lamang na napuntahan mo ang mga ito at natikman ang ilan sa mga trending food nila. Dahil kung hindi sayang naman at nakatitig ka lang sa iyong monitor o selphon at nagiimagine na matikman silang lahat.

So paano kita-kits tayo sa mga iba pang mga secreto ng south at masisigurado ko sa iyo na masusulit ang bawat punta mo sa south hindi lamang sa mga pagkain na meron kundi ang masasarap na kwentuhan hatid ng iyong mga kapamilya at kaibigan!

Hanggang sa muling pagbabasa!

Comments

Popular Posts