Hugot sa Mount Yangbew, La Trinidad Benguet

Sabi nga nila kung gusto mong makalimutan ang sakit na iyong nadadrama mas mabuti pang idaan mo na lang sa pag-akyat doon pansamantala itong manghihilom hindi dahil sa pagod kundi dahil sa ganda na iyong matatanaw sa tuktuk.


Isa sa mga huling bundok na naakyat ko sa buwan na ito ang Mount Yangbew ng La Trinidad, Benguet kung saan matatanaw mo sa itaas nito ang kabuaan ng La Trinidad. Sabi nga nga karamihan ito an tinuturing "Little Pulag" ng Cordillera dahil sa ganda at nakakabighaning itsura nito sa taas.

Maraming na rin ang naging tawag sa bundok na ito mula sa Jumbo, Jambo, Yangbaw o maging Yangbo ngunit alam ninyo ba kung bakit naging Mt. Jambo ang naging tawag sa kanya sapagkat noong panahon daw ng mga Amerikano isa ang Mt. Yangbew sa mga inaakyat ng mga boy scout upang dito ganapin ang  National Scout Jamboree kung saan nagtitipon-tipon ang ang mga Boy Scouts of America upang makilala nila ng husto ang kanilang sarili at higit pa riyan ay maaliwalas at malamig ang lugar kumpara sa kapatagan.


Liban pa dito kung ikaw ay nasa itaas mismo ng Mt.Yangbew matatanaw mo ang 360 degress ng La Trinidad Valley at ibang parte ng Baguio.

Kaya naman dahil ito ang ikalawang pagkakataon na makapagdalawa ako ng kamera sa pag-akyat ng bundok (sapagkat bawal magdala ng kamera sa pag-akyat pagkasama ko ang mga team) kaya naman dapat sulitin ang pagkakataon na ito. Hindi lamang yun sapagkat ito din ang pagkakaton upang humugot sa pag-akyat sa Mt. Yangbew.

Tara samahan mo ako bigyan ng mga hugot ang bawat larawan na aking kinunan sa Mt. Yangbew.











Hindi ba? Lahat ng lugar sa Mt. Yangbew masarap langyan ng mga hugot? Kailan ganun naman talaga eh dapat bigyan mo ng pansin ang nasa paligid mo. Lawakan ang pag-iisip sa mga bagay-bagay huwag makuntento sa alam mo na ganun na lang, dapat ibigay mo ang lahat para mas masaya at walang pagsisisi sa bandang huli. Sa pag-ibig man ito o maging sa ibang bagay. Masarap mabuhay lalo't alam mo kung para kanino at ang dahilan ng iyong paghinga.

Muli maraming salamat sa team ng Azalea Residences Baguio sa pagbigay ng kakaibang karanasan sa Cordillera Region hanggang sa muling pagkikita!

Comments

  1. Hahaha usong uso talaga hugot naun, minsan sa bus nakakaisip nga din ako hahaha. Anyways isa sa bucketlist namen yan na puntahan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts