Feel the Baguio moment at Azalea Residences
Sabi nga nila kung pagod ka na at hindi makahinga dahil sa dami ng ginagawa, nararapat lamang na bigyan ang sarili ng pahinga at mga karanasang talagang tatatak sa isip. Lahat naman ng tao ay napapagod, at kung hidni ito pagtutunan ng pansin maari itong maging sanhi ng kamatayan. Kaya naman bakit hindi mo bigyan ang iyong sarili na magpahinga sa isang maganda, tahimik at malinis na kapaligiran kung saan maaring makalimutan ang pagod at problema .
Sabi nga nila kung pagod ka na at hindi makahinga dahil sa dami ng ginagawa, nararapat lamang na bigyan ang sarili ng pahinga at mga karanasang talagang tatatak sa isip. Lahat naman ng tao ay napapagod, at kung hidni ito pagtutunan ng pansin maari itong maging sanhi ng kamatayan. Kaya naman bakit hindi mo bigyan ang iyong sarili na magpahinga sa isang maganda, tahimik at malinis na kapaligiran kung saan maaring makalimutan ang pagod at problema .
Saan pa nga ba mainam na magtungo kundi sa lungsod ng Baguio, isang lungsod na talaga naman siksik, liglig at umaapaw na lugar sa parteng norte ng Pilipinas. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit dinarayo ito sapagkat presko at maaliwalas ang lungsod. Kaya naman noong naimbitahan ako na pumunta sa Baguio ay talagang tinanggap ko kaagad ito. Matagal na rin simula noong huli akong nakapunta ako rito.
Tara samahan mo akong tuklasin pa kung anu pa nga ba ang maibibigay ng Baguio sa isang turista na katulad ko.
Azalea Residences Baguio |
Anung meron sa Azalea Residences Baguio na wala sa ibang hotel dito sa Baguio?
Mikka Alaia and Paul Darang of Azalea Baguio |
Bagamat alam mong marami silang ginagawa, hindi sila magaatubiling tugunan ang iyong mga pangangailangan. Kaya naman kudos sa namamahala ng Azalea.
Anu-anu ang mga pasilidad na meron ang Azalea Residences Baguio?
8* Lounge and Tradisyon Cofee Shop and Restaurant |
Pagpasok mo pa lamang sa Azalea Baguio makikita mo na sa bandang kaliwa ang 8 Degress Lounge at sa bandang kanan naman nito ang Tradisyon Coffee Shop and Restaurant. Sa unang tingin akala mo nasa isang palasyo ka na nahahati sa iba't-ibang silid ang lugar. Meron ding silang function room, PWD Accessible Room, playground, driver's quarter at higit sa lahat may libreng wifi na mabilis na kailangan naming mga bisita.
Silipin naman natin ang aming naging silid sa Azalea Baguio
Isa sa mga nakuha namin silid ay ang Two Bedroom Apartment Suite na talaga naman ramdam mong bahay na bahay o mas tamang sabihin na nasa isang condo unit ka na andun na ang lahat ng magiging kailangan mo at hindi mo na kailangan pang lumabas ng iyong silid. Gaano nga ba kalaki ang silid na ito malaki siya kung ikukumpara mo sa isang studio type na condo sapagkat meron itong 60 sqm, master bedroom na may kasamang palikuran, isang silid para sa iyong bisita o kasama, convertible sala bed, may sala, may dining area at lutuan na rin, may isang common bathroom,mini bar at higit sa lahat may wifi.
Narito ang ilan sa larawan ng aming silid sa Azalea Baguio
Kaya naman sulit na sulit ang silid na ito sa amin sapagkat nagamit lahat ang nasa loob nito maliban pa dito maari din kayong humiram ng board game sa receptionist area.
Isa sa pinagmamalaki ng Azalea Baguio ang pagkaing pinoy sa kanilang Tradisyon kung saan talaga naman masasabi mong parang luto ito ni inay o ni itay pagnasa bahay kayo o hindi naman mapapakanta ka ng "Parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti. Kung ang alat at asim ng buhay ay gaya ng hain ni Inay."
Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit maraming tao ang kumakain sa Tradisyon at hindi na kailan pang lumabas ng hotel para lamang tikman ang pagkain na nanaisin mo.
Masasabi kong sulit na sulit ang pagtungo ko sa Baguio at pagtira sa Azalea Residences Baguio dahil sa magandang serbisyong kanilang binigay lalo't pa ang mga tauhan nito na talagang nagbigay ng masayang karanasan, ika nga isang kaibigan, "wala sa laki o liit ng lugar yan nasa tao at paligid mo ito kung marunong at magaling paghalagaan ng kliyente tiyak na babalikan ka nito."
Muli maraming salamat sa Azalea Residences Baguio sa mainit at masayang pangtanggap sa amin.
Para sa iba pang mga detalye patungkol sa Azalea Baguio maari lamang tumungo sa opisyal na webiste na www.azaleabaguio.com, paano kita-kits ulit tayo sa Azalea Baguio lalo't na ngayon na sobrang init sa kamaynilaan.
Para sa iba pang mga larawan ng Azalea Baguio maari lang tumungo sa opisyal na facebook ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment