Para Sa Hopeless Romantic | Movie POV
Dear Marcelo Santos III,
Hi, batchmate and schoolmate! Natutuwa ako at naisapelikula na ang libro mo. Masaya ako’t naipapamalas mo ang pagkamalikhain ng Iskolar ng Bayan mula sa Sta. Mesa. Alam kong tulad ko ay proud ka sa mga natutuhan mo sa Sta. Mesa kaya nga pinilit mong paulit-ulit na mabanggit ang PUP at ilang sikat na lugar rito. At kahit sa uniform ni James Reid ay lantaran pero tahimik mong isinigaw ang PUP.
Alam kong matalino ka kahit sinasabi ng iba na mababaw lang ang mga sinasabi mo o common sense lang ‘yan. Pero common pa ba ang mga sense ng mga tao o nagpapanggap lang sila kaya pinapaulit-ulit mo lang ang mga aral ng buhay?
Alam kong matalino ka kaya nga nagawa mong maipasikat ang sarili mo gamit ang mga natutuhan mo sa kurso mong Advertising at Public Relations na isa rin sa mga nais kong kunin noon. Kung ang pelikula at social media presence mo ang huhusgahan, matalino ka nga’t naisakatuparan mo ang principles of advertising at public relations. Relate na relate sa iyo ang publiko.
Pero siguro hindi ako ang target audience mo. Hindi ko sinasabing kasalanan kong napanood ko ang pelikula mo dahil susuportahan ko naman ang pelikulang Filipino at susuportahan ko ang kapwa ko Iskolar. Medyo nasayangan lang ako sa script. Medyo nakulangan lang ako sa pagka-hopeless romantic ng mga tauhan. Medyo nakulangan lang ako sa simbolismo gaya ng pagpapalalim sa aktibismo, komersyalismo sa edukasyon, kahirapan, at iba pa. Siguro nga hindi ako ang target audience mo pero sana diniinan pa ang signs at meanings sa pelikula. Hindi naman mababawasan ang pagkaidolo sa iyo ng kabataan kung lalagyan ng kaunting tulak sa palaisipan ang pelikula. Alam kong hindi mo rin ito kasalanan dahil alam ko ang pulitika sa paggawa ng pelikula. Pero siguro nga hindi ako ang target audience mo. Gayumpaman, salamat sa pagsusulat para sa Sintang Paaralan.
PARA SA HOPELESS ROMANTIC
Directed by Andoy Ranay
★★★☆☆☆☆☆☆☆
Mula sa panulat ni Jerome Papa Lucas

Comments
Post a Comment