Filipinas 1941 | Ang Kwento ng Madilim na Nakaraan

Sabi nila ang bawat kasaysayan sa ating bansa ay nababalot ng mga kwentong di ka nais-nais kung saan maari ang bawat kwento ay may katuturan o isa lamang epiko. Ngunit paano mo nga ba malalaman kung alin ang totoo sa bawat kwento ng kasaysayan kung pagbabatayan mo lamang ang kwento nito sa aklat?

Isa sa mga interesanteng kwento ang aking na tunghayan noong nakaraang linggo bago magsemana-santa kung saan tampok ang isang kwentong nagbigay sa akin ng kilabot at bighati (ito ang ikalawang dulaang nagbigay sa akin ng ganyang pakiramdam).


Ang kwentong ito ay tumatalakay sa dalawang aspeto, una sino nga ba ang tunay na taksil ng bayan at ang ikalawa sino ang tunay na bayani.

Di ko alam kung paano ko tamang ilalahad ang kwento ng Filipinas 1941 na isinabuhay ng Philippine Stagers Foundation, sinulat at dinirek mismo ng lead actor na si Vince Tañada. Pero para sa ikakabuti ng mambabasa ilalahad ko ito sa abot ng aking makakaya.


Ang Filipinas 1941 ay isang kwento noong pahanon ng Amerikano at Hapon kung saan noong panahon na iyong ay nagsisimula na ang tinatawag nilang World War II. Ngunit ang kwento ay mas nagpokus sa dalawang karakter na magkapatid na ginagampanan nina Vince Tañada bilang Felipe at Patrick Libao bilang Nestor. Ang magkapatid na magkasangga sa simula sapol pa lamang ngunit subalit may isang aksidenteng di inaasahan ng dalawa sapagkat ang nakababatang Nestor ay nalumpo umaano at ang ang mabait na kuya na si Nestor ang nag-alaga sa kanya pero dumating sa punto na naiinis na si Felipe dahil parang walang silbi na siya sa mundo ngunit si Nestor ay patuloy pa rin sa pagbibigay sa kanya ng pag-aaruga at dahil dito parang naramdaman ni Felipe ang pagiging isang walang silbi, kaya naman napagsabihan niya ng masasakit na salita ang kanyang kuya Nestor. Kaya naman ang kawawang Nestor ay umalis at nagpakalayo-layo para bigyan ang hiling ang kanyang nakababatang kapatid na si Felipe.

Fastforward tayo ng kaunti....

Dumaan ang mahabang panahon naging malakas at naging normal na ulit ang pakiramdam ni Felipe sapagkat naniwala siya sa kanyang kuya Nestor na gagaling siya at magiging isang mahusay na tao. Kaya naman ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang hanapin ang kanyang kuya Nestor.

Si Nestor at Si Felipe
Sa pagdating ng mga hapon maraming nagbago sa Pilipinas at maraming di kanais-nais na nangyari kasama na dito ang tinatawag na comfort women na kung saan ay walang bahas na ginagahasa ng mga sundalong mga hapones ang mga kababaehan ngunit subalit alam ninyo ba na ang may gawa nito ay isang mapanlinlang na leader ng hapon na hindi sumasunod sa utos ng kanyang nakakataas kaya naman maraming tanung ang pumapasok sa aking isipan habang pinapanood ko ang dulayawit na ito.


 Kaya laging gulat ko talaga habang pinapanood ko ito lalo na kung saan may eksena na ginagahasa ng sundalong hapon ang kasintahan ni Felipe na si Emilia na ginagampanan ni Cindy Liper. Kung titignan mong mabuti ito ay isang taksil ng bayan si Felipe dahil nakikipag-usapan siya sa mga Hapones at parang naging kabayaran ito ng kanyang pagtataksil sa bayan ngunit subalit kung titignan mo naman ito sa aspeto ng komersyalismo o negosyo nakakatulong ang mga Hapon upang lalong mapaunlad ang kabuhayan ng mga maralitang mga Pilipino noon.

At anung nangyari kay Nestor sa mga taong nagdaan ayun naging isang rebelbe at sumanib sa isang grupo kung saan tumutuliksa sa mga pamamalakad ng mga dayuhang Hapones at di lamang yun labis-labis din siyang nangulila sa kanyang mga mahal sa buhay lalo't-lalo na kay Felipe.


Syempre kagaya ng isang kwento nagtatapos ang lahat sa isang masaya at matagumpay na pangyayari sa buhay ng isang tao, may mga parte din sa dulayawit na ito na malungkot ngunit ang malungkot na iyon ay magsisilbing mga aral na maari mong magamit sa hinaharap.

Puntos

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapanood ako ng isang dulaan mula sa Philippine Stagers Foundation, aaminin ko wala akong ideya kung anu ang makikita ko sapagkat hindi ako binigyan ng impormasyon patungkol sa panonoorin kung palabas ngunit subalit kahit ganun ang nagyari natuwa ako dahil kakaibang karanasan na naman ito para sa akin bilang isang nanonood ng teatro dahil binigla nila ako sa galing at husay na pinamalas ng Philippine Stagers Foundation mula sa kanilang mga kasuotan, sa desenyo ng ilaw at hindi lamang yun ito rin ata ang matinong multi tasking place na napanood ko sapagkat may projector sila kung saan doon mo makikita ang munting backlog ng nakaraan. At higit sa lahat ang kwento kakaiba pinag-isipan at ginawa ng masigabong pagsasaliksik sa kasaysayan na hindi mo basta-basta mababasa lamang sa aklat.

Ang puntos ko para dito 7 / 10

Salamat kay Evo Joel Contrivida para sa pagimbita sa panonood ng isang mahusay na obra ng Philippine Stagers Foundation ang Filipinas 1941.

Para sa iba pang mga larawan ng Filipinas 1941 maari lamang kayo pumunta sa opisyal na fanpage ng AXLPPI

Comments

Popular Posts