Experience Zoomanity at Paradizoo
Sabi nga ng isang kasama ko masarap pumunta dito kung alam mo sa sarili mo na drain ka na sa polusyon sa Manila lalo na ngayon kabila-kabila ang mga trapik dahil malapit na ang summer at speaking of summer. The best kung sa summer ka pupunta dito sapagkat mas mararamdaman mo ang kakaibang experience.
Bago ko makalimutan ang Paradizoo ay may tinatawag na "Power of Three" kung saan tampok ang tatlong kakaibang experience mo sa Paradizoo, ito ay ang mga harvest, flower, and agri-farm event.
Paano nga ba nagsimula ang Paradizoo Experience, simple lang naman naimbitahan ako para makita at maexperience nga ito. Nagsimula kami sa Makati kung saan dun ang dropping point namin mga napili para sa Paradizoo Experience, mula Makati hanggang Paradizoo Mendez - Tagaytay ay inabot kami ng mahigit-kumalang na dalawang oras kaya naman pagdating namin sa Paradizoo full of energy.
Narito ang ilan sa mga eksena sa Paradizoo.
Pagpasok pa lang ito na ang bubungad sa iyo, anu pa kaya kung nalibot muna ang buong Paradizoo.
Ang waiting area at cafe masaya dito sapagkat lakas makaHacienda o Alta ng cafe na ito.
Ang pambansang hayop ng Pilipinas, ang kalabaw.
Sabi ko sayo di ba? hacienda kung hacienda ang peg ng lugar o mas tamang sabihin na lakas maka La Presa.
Isa sa mga masaya dito ay ang pagturo sa amin ng paggawa ng pineapple jam na sobrang sarap lalo na sa panahon ngayon. (Masarap kainin ang pineapple jam pagmainit at ipalaman sa tinapay)
Narito naman ang ilang sa mga hayop na maari ninyo makita sa Paradizoo.
So paano hanggang dito na lamang una ang tour, wag mag-alala sapagkat meron pa naman isang, ang Residence Inn kung saan tampok din doon ang isa sa mga kakaibang atraksyon.
Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.
Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.
Comments
Post a Comment