Bakit pa tayo mag-cecelebrate ng Valentines??
Bakit pa tayo mag-cecelebrate ng Valentines
Panulat ni Allen Severino
Bakit pa tayo mag-cecelebrate ng Valentines kung paubos na ang mga tsokolate sa mundo at matitira na lang sa atin ay kundi ang isang maliit na Chocnut at Hany? Bakit pa tayo mag cecelebrate ng Valentines kung mataas na ang presyo ng Nutella para sa mga hipsters?
Bakit pa tayo mag cecelebrate ng Valentines kung ang kahulugan na lang ay ang mga cheesy na pelikula, mga conyo sa mga coffee shops at si puneta ng ina na si Marcelo Santos III? Bakit pa tayo mag cecelebrate ng Valentines kung nasusukat na lang sa pera, teddy bears, princess mentality at nice guy mentality ang nangyayari ngayon? Bakit ba nabalot ng konsumerismo ang Araw ng mga Puso?
Bakit ba puro "Forever" na lang ang batayan natin at kung ano pang ka-shitan? Bakit ba natin hinayaan na maging ganito ang popular mga konspeto tuwing sasapit ang ikalabing apat na buwan na Pebrero? Kahit yata yung commodity fetishism na sinasabi ni Marx ay naging dahilan kung bakit ang Araw ng mga Puso ay nagago.
Comments
Post a Comment