Reason to Watch Manhid of Ballet Philippines

"Tao Ngayon Ba Ay Manhid?" 


Tao ngayon ba ay manhid na sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating paligid? Dahil sa dami na pinagkakabalahan ng bawat tao mula sa mga problema nila sa bahay, paaralan, trabaho o maging ang kanilang buhay pag-ibig, kaya hindi na nila binibigyan ng pansin ang mga nangyayari sa paligid ngayon?

Kung ako ang tatanungin sa bagay na ito marahil ang isasagot ko dito ay maari naging manhid na ang ilang mga tao, dahil paulit-ulit na lamang ang nangyayari sa paligid wala ng nagbabago pero paano magkakaroon ng isang pagbabago kung ikaw mismo sa sarili mo walang kang pakiramdam sa bawat ganap sa buhay. Sa madaling sabi ay sumasabay ka na lamang sa ayos ng buhay na anino'y isang tubig na di mo alam kung saan ka dadalhin nito.

Marahil kaya siguro muling binuhay ng Ballet Philippines, ang isa sa mga klasekong stage musical play na "MANHID" kung saan tumatalakay ito sa isang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, walang iba kundi ang EDSA Revolution kung saan nabigo ang mga tao na makuha ang inaasam-asam na kalayaan laban sa isang makapangyarihan na diktador ng bansa.

Ang Manhid ay isang dance rock musical kung saan meron bida at kontrabida kung saan meron silang mga kapangyarihan na gamitin kung saan man nila nais gawin.

Isang kwento na maraming gusto ipahiwatig anino'y habang pinapanood mo ang bawat eksena ay para ka nito dinadala sa isang di pangkaraniwang mundo, mundo na nilikha lamang para sa maging masaya sa oras ng saya o maging malungkot sa oras na gusto mo lamang maging malungkot.

Ah basta ilan lang yan sa maari mong malaman o matutunan kung paanoorin mo ang Manhid ng Ballet Philippines na mapapanood na sa darating na  February 20-22, February 27-March 1, and March 6-8 2014 sa CCP Main Theater.

Narito ang ilan sa mga piling eksena na maari ninyong abangan sa Manhid ng Ballet Philippines







Narito ang mga pangunahing tauhan na sina Sandino Martin, Mark Anthony Grantos, Teetin Villanueva, Regina De Vera.
Mga tauhan ng Manhid kasama ang Presidente ng Ballent Philippines na si Margie Moran Floirendo at si Paul Alexander Morales
Kasama din sina Gold Villar, Kim Molina, Jean Judith Javier, KL Dizon, Ronah Rostata, Fredison Lo, Ricardo Magno, JV Ibeste, and Mayen Estanero.

At ang mga Ballent Philippines residents dancers na sina Jean Marc Cordero, Katherine Trofeo, Richardson Yadao, Earl John Arisola, Cyril Aran Fallar, Emmanuelle Guillermo, Timothy Paul Cabrera, Rita Angela Winder, Denise Parungao, Kazier Policarpio, Ma. Celine Dofitas, Victor Maguad, at Erl Emmanuel Sorilla.

Para sa iba pang mga impormasyon patungkol sa Manhid ng Ballet Philippines tumungo lamang sa kanilang opisyal na webiste na www.ballet.ph o di kaya tumawag sa kanilang telepono na 551-1003.

Para naman malaman kung paano makakuha ng ticket tumawag lamang sa CCP Box Office at 832-3704 o Ticketworld at 891-9999.

So paano kita-kits na lamang tayo sa darating Pebrero para sa opisyal na agbubukas ng Manhid.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.

Comments

Popular Posts