Mangan Ta Na : Rekados Cafe and Restaurante

Rekados Cafe and Restaurante the best place to eat in the south! Yan ang nasabi ko pagkatapos ko magfoodtrip sa  Rekados Cafe and Restaurante kasama ang ilan sa mga malalapit na kaibigan sa mundo ng blogging, bakit ko siya nasabi? Simple lang alam naman natin lahat na mahilig ako sa mga lumang architecture at membro rin ako ng isang heritage organization kung saan binibigyan halaga nito ang kahalagaan para sa kasaysayan.

Kaya naman noong unang kita ko pa lamang sa lugar na ito ay nainlove ako sa ganda ng pagkakagawa at ang pwesto pa nila sana pagitan lamang ng Cavite at Tagaytay kaya naman walang hassle kung pupuntahan mo ang lugar na ito lalo na ngayon, masarap kumain dahil ang lamig ng klima.


At bago ko simulan ang kwento o isang munting review medyo nahirapan kaming puntahan ang lugar kung commute marahil dahil di ko kabisado ang lugar ngunit kung alam mo naman ang Nuvali ay naku ilang metro na lamang ang layo nito sa Rekados Cafe and Restaurante. Kaya masusulit ang pagpunta mo dito sa lugar na ito.

Tara samahan mo akong bigyan pansin ang ganda at sarap ng mga putahe ng Rekados Cafe and Restaurante.

Sa labas pa lamang ng lugar ay ramdam mo na masaya ang lugar sapagkat nakapainviting ng place at di lamang yun, unang papasok pa isip mo parang Intramuros sa south dahil sa architecture nitong ganda.


Sabi ko nga sa kasama ko, iba rin ang pagkakagawa nito dahil talagang binagay nila ang lugar at pagkakagawa ng mga balay at ng isang munting hardin sa likod nito. Kaya siguro mukhang siyang inviting dahil sa harap pa lamang ay sulit na ang pagpunta mo sa Rekados Cafe and Restaurante.

Tignan natin natin kung anung meron sa loob at malalaman natin kung maganda rin ba at kaaya-kaya din ito dahil alam naman natin na pagtayo ay kumakain ay dapat masaya, maganda at maayos di ba?





OHA!! yan ang naging reaksyon ko pagkapasok ko pa lamang sa loob at talaga gandang-ganda ako sapagkat ang ganda ng design at kung bibigyan mo ng pansin ang mga detalye ay malalaman mo kaagad na pinag-isipan ito at di lamang basta-basta ang pagkakagawa. Kung papansin mo ang mga lamesa makikita mo dito na di ito basta lamesa lamang na nilagay nila sapagkat ang lamesang ginamit nila dito ay yung pagtahe kung saan naging uso ito noong panahon ng mga Kastila sapagkat ito ang kinabubuhay nila (kung ikaw ay isang Alta noong araw). Kaya super enjoy ako sa mga pagkuha ng mga larawan sa bawat sulok ng Rekados Cafe and Restaurante.

At syempre anu pa nga ba ang next nito, kungdi ang pagkain ng masasarap na putahe na mula sa Rekados Cafe and Restaurante.

Una sa listahan ang isa sa mga pinagmamalaki ng Rekados Cafe and Restaurante ang Paella Valenciana kung saan ang ginamit nilang recipe ay sa kanilang lola pa, o siya nga pala ang Rekados Cafe and Restaurante ay pinapatakbo ng isang pamilya.

Paella Valenciana 475
Sa tingin pa lamang ay masarap na at sa amoy dahil siguro sa aroma ng paella pero noong tikman ko ito WOW na WOW dahil di siya yung malansa dahil sa seafood masarap siya kung tutuusin sulit na sulit ang isang paella sa 3 tao sapagkat ang dami nito at di lamang yun malasa ang bawat subo mo.

Grilled Salmon 285

Grilled Salmon noong unang tingin ko akala ko di siya salmon pero noong tikman ko na aba, manyaman ini!! di siya malansa at tama lamang ang pagkakaluto nito sapagkat alam naman natin na ang salmon ay may tamang pagluto dahil di ito basta-basta lalo na kung medyo di tama ang timpla mo.

Grilled Porkchops 255
Grilled Porkchops ay isa sa masasabi kung naging paborito ko sapagkat gusto ko yung lasa ng sauce niya tapos samahan mo pa ng isang msarap at butter vegetables na nagbibigay balanse dito.

Callos Solo 285
 Callos Solo ay gusto ko kung paano nito ginawa ito sapagkat nahuli nila ang lasa na gusto ko yung tamang spicy na may kaunting sweet basta alam mo yung lasa na di siya nakakaumay at talaga umami siya.

Syempre susubukan din namin ang isa sa masarap na soup ng Rekados Cafe and Restaurante ang Mushroom Soup na nagkakahalaga lamang ng Php115.00

Mushroom Soup 
Gusto ko yung lasa niya di nakakaumay yung sweetness ng cream at di masyadong malapot kung baga tama lang.

Syempre kailangan meron ka din panulak para sa mga bara hindi ba? Kaya naman ang paborito ko kaagad aking hinanap mabuti na lamang meron sila yun, walang iba kundi ang Strawberty Milkshake.


Medyo creamy lang ng kaunti yung  Strawberty Milkshake nila paano ba naman umaapaw sa gatas ata haha.. pero ok lang as long as nalalasahan ko yung strawberry masaya na ko.

At ang inaabangan din ng lahat, dahil pare-pareho kaming mahilig dito, ang kape!!!!!

Cafe Mocha Php 115
Masarapan ang kwentuhan lalo na kung ang inyong pinaguuspan ay ang pag-ibig na minsan di mo alam kung bakit kailangan na lagi siyang kasama sa lahat. Bigla ko tuloy naalala ang isang tula na sinulat ng isa din magaling na blogista na si Jeddpilyo,"tulad ng kape, love ay tumatabang ,Nawawala ang aroma, kung nanlalamig, Nawawala ang saya kapag kulang ang pag-ibig." O di ba? related na related ang lahat patugkol sa bagay na yan.. Ika ko nga sa kanila #pumapagibig hahhaa...

After all iba pa rin talaga ang experience ko dito sa Rekados Cafe and Restaurante di dahil nasarapan lang ako sa mga putaheng hinihanda para sa amin kundi dahil sa ambiance ng lugar at kung paano makitungo ang mga tao dito, di ba? Aanhin mo naman ang isang masarap na putahe kung ang mga nagseserve naman sayo ay mabagal at kung umasta para sila ang may-ari.

Isang pasasalamat din kay Mr. Daniel Custodio para sa isang masayang kwentuhan kahit saglit lang haha at syempre sa kanyang masarap na Tart na wala pang isang oras ay ubos na dahil sa sarap nito.

So paano hanggang dito na lamang ako, dapat pagpumunta ako sa Rekados Cafe and Restaurante makita kita malay mo mailibre pa kita ng isang putahe pagnagkataon!

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.

Comments

  1. ang saya ang ootd dito hehehe ang layo nga lang from north edsa :/

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts