Isa sa mga madalas na lugar na pinupuntahan ko ang cafe sapagkat dito ako madalas magsulat ng mga kakaibang mga bagay o kaya naman dito ang hang-out namin ng barkada at di lamang yun sapagkat isa rin ako sa masasabi kung mahilig sa kape.
Isa ang Mystic Brew Cafe ay lugar na aking sinubukan di dahil naimbitahan ako na subukan ang kanilang mga produkto kungdi interesante ang lugar sa pangalan pa lamang eh mukhang may kakaiba na cafe na ito.
Tara samahan mo ako bigyan ng isang verdict patungkol sa Mystic Brew Cafe.
Kagaya ng aking nasabi isa sa mga tinitingan ko sa isang lugar ang ambiance at atmosphere nito sapagkat doon pa lamang ay malalaman mo na kung patok o ligwak ba ito sa aking panlasa, kaya naman pagdating ko sa lugar ang unang napansin mo dito ang mga pusa sa labas, oo mga pusa at dahil mahilig ako sa pusa ay patok sa akin ang lugar sapagkat isa lamang ang ibig ipahiwatig nito ang may-ari ng Mystic Brew Cafe ay animal lover at isa sa mga ikinagulat ko dito ay malaHarry Potter ang peg ng kanilang lugar di dahil mukhang magical ito kungdi maganda ang kumbinasyon ng mga nasa loob. Para naman magkaroon kayo ng idea kung anu ang aking gusto ipahiwatig narito ang ilan sa mga larawan sa loob at labas ng Mystic Brew Cafe.
Syempre pagkatapos ng ambiance at atmosphere ng isang lugar anu pa nga ba ang susunod kungdi ang pagkain!!! Im so excited sa parteng ito, sinu nga ba ang hindi eh pagkain ito.
Ang unang nilang sinerve sa amin ay ang kanilang Kamias Shake, pamilyar na ako sa kamias shake sapagkat ginagawa ko rin ito pag ako ay maysakit and i must admit ang ganda at ang rapsa ng Kamias Shake nila, oo maasim ito pero nagiging balanse ang pagkamaasim nito sa asin sapagkat parang margarita cocktail type ang pagkakaserve nito.
Ang sumunod naman ay ang Monk's Brew at Gayuma
|
Gayuma |
|
Monk's Brew |
Kung mahilig ka sa isang soup na kakaiba ang timpla at iba ang dating ng lasa masasabi kung sokpa sa baga ang soup na ito sapagkat may kakaibang sipa ang dalawang soup na ito. Katulad na lamang ng Monk's Brew kung titignan mo ito para lamang itong isang tomato soup pero may kakaibang aroma ito marahil dala ng isang herbal na pampalasa at ang gayuma na sa unang tingin animo'y nagaakit na wag mong tikman sa pagkat may manyayari kakaiba sa iyo pero syempre base lamang yun sa aking interpretasyon malay mo sa ito iba ang interpretasyon mo.
Ang sumunod ang dalawang uri ng Chalupa-cabra
|
Chalupa-cabra salad type |
|
Chalupa-cabra picka-picka |
Chalupa-cabra ay isang uri ng mexican food kung pamilyar kayo sa taco bells menu parang ganun nga ito ngunit dahil nga nasa Mystic Brew Cafe ako ay makakaibang twist ito sapagkat dawalang version sila isang finger linking at isang salad type pero dahil nga pinoy ako at mas ramdam mo ang kinakain mo pagkinakamay mo, di ba?
Ang sumunod Basilisk Bites at Meteor Balls
|
Basilisk Bites |
Basilisk Bites ay isa sa mga naging paborito ko sa Mystic Brew Cafe dahil its remind mo of my chilhood memory dahil isa ito sa mga madalas kainin namin magkakabarkada. Anu nga ba ang lasa ng Basilisk Bites para siyang cheese stick pero may iba pang sangkap sa loob nito na talaga naman nanamnamin mo ng husto marahil dahil sa natural o masasabi parang hawig na ang lasa nito sa gatas ng kalabaw o baka.
|
Meteor Balls |
Meteor Balls, unang pumasok sa utak ko dito ay Meteor Garden kung saan ang mga bida ay naka isang kapatagan at pinapanood ang pagbagsak ng mga meteors hahaha. Anu nga ba ito at anung meron dito? Its like same with croquette.
Ang sumunod Sausage & Mash with Mystic Glaze
|
Sausage & Mash with Mystic Glaze |
Isa sa mga signature dish ng Mystic Brew ang Sausage & Mash with Mystic Glaze
and i must admit na masarap siya at maganda ang kumbinasyon ng mash potato at sausage kumbaga healthy living ang peg ng pagkaing ito sapagkat kumpleto na pagkain mo at isa marahil sa nagpasarap dito ang sausage (kung nakatikim ka na ng vigan longganisa parang ganun ang lasa niya) sapagkat iba ang texture at kumbinasyon ng garlic sa loob at ng giniling at masasabi ko rin na di siya yung parang matigas kumbaga swak siya mismo sa panlasa ng mga ordinaryong tao.
Ang sumunod Italian Garlic Banger Pasta
|
Italian Garlic Banger Pasta |
Isa naman na naging paborito ko ang Italian Garlic Banger Pasta di dahil mahilig ako sa pasta kundi maganda ang pagkakagawa ng pasta nila di sya katulad ng isang kinakinan mo na medyo matigas o di kaya naman masyado naman malambot yung tipong nahihiwalay kaagad siya sa tinidor mo pagkatapos mong haluin ito, itong Italian Garlic Banger Pasta sakto lang ang pagkakaluto.
At ang sausage nila tama lang sa alam at tapang nito kumpbaga malinamnam.
Ang sumunod Chorizo Rice with Adobo Flakes
|
Chorizo Rice with Adobo Flakes |
Sabi nga nila di ka pinoy kung di mo pa natitikman ang adobo pero alam naman nating lahat na maraming uring luto ng adobo at isa na dito ang Chorizo Rice with Adobo Flakes ng Mystic Brew Cafe at pagkakita ko pa lamang sa pagkain boom panalo ang presentation at talaha naman flakes talaga ang pagkakagawa nila di yung may buo buo pa at isa pa sa gusto ko dito at malutong ang flakes niya yung tipong masasabi mong masarap itong gawing midnight snake pero alam naman nating na medyo nakakatamad ang paghimay ng beef lalo na kung may hinahabol kang oras at ang garlic wow, oo wow sapagkat di siya toasted garlic kungdi steam garlic siya kaya naman mawiwili kang kainin ang garlic na yun dahil di ka magiging bad breath pagkinain mo ito.
Ang sumunod Dragon Claw
|
Dragon Claw |
Dragon Claw gusto ko ito pag may kasamang kape o di kaya isang tea sapagkat mas mararamdaman mo ang sarap ng isang tinapay hindi ba? at di nga ako nagkamali dito (sa suggestion order andun ang ilan detalye) at syempre masasabi ko maakit kang kainin ito di dahil may sweeted strawberry at apple sa ibabaw nito kungdi sa amoy ng cinamon na talaga naman nagpapadagdag ng lasa sa tinapay.
Ang sumunod Martabak
|
Martabak |
Ang Martabak ay isa sa best seller nila at masasabi kung panalo talaga ang martabak sapagkat sa nilalaman nito sa loob katulad na lamang ng keso,tsokolate at ng mani na nagbibigay ng kakaibang kumbinasyon sa loob ng pancake at di laman yun, ang kanilang pancake buo di siya yung tipikal na pancake na hinahain sa isang isang na pancake resto na manipis at paghiniwa ay nahuhurog o kaya naman pagkinain mo ay parang pulburon ang lasa, itong Martabak mahusay ang pagkakagawa makapal, buo, malinamnam at higit sa lahat di lamang isang akina ang nilagay nila sa pancake dahil lasang-lasa mo talaga ang totoong pancake.
Ang pinakahihintay ng lahat ang pagtikim at pagnamnam ng kanilang mga best seller na inonim pampapainit at pampalamig.
|
Gingerbread latte |
Unag sinerve ang Gingerbread latte ay masasabi kung swak siya kung ayaw mo masira ang boses mo dahil sa lasa ng ginger at di lamang yun sapagkat may kaunting tamis ito na nagbibigay ng kakaibang sipa upang mas lalo mong namnamin ang pag-inom.
Ikalawang inumin ang Chili-Mint Coffee ice-blended at Chili-Mint Coffee hot
Actually di ko siya natikman, bakit? Bawal sa akin ang sobrang spicy, allergy ako at ayaw ko naman na atakihin ako ng allergy ko at buti na lang yung mga kasama ko mataas ang tolerance pagdating sa spicy.
|
Chili-Mint Coffee ice-blended |
Chili-Mint Coffee ice-blended ay sabi nila dito malalasahan mo muna ang mint pero pagkatapos ng ilan minuto at nasa lalamunan mo na ito dun na sisipa ang init ng chili na talaga naman wow.
|
Chili-Mint Coffee hot |
Chili-Mint Coffee hot naman ay kabaligtaran nito sapagkat mauna mong malalasahan ang init ng chili susunod ang mint.
At kung atapang na tao ka? Anu ang pipiliin mo ang Chili-Mint Coffee hot o ang Chili-Mint Coffee ice-blended?
|
Choco Riquisimo |
Ikatlo ang Choco Riquisimo (hot chocolate) ito ata ang mas nagustuhan ko sa lahat ng inimon namin sapagkat ang sarap ng tsokolate tama ang timpla, tama ang pagkalapot at pagkasweet niya, di siyang yung may halong pait kung baga natural na natural ang tamis nito.
|
Rose Vanilla Tea |
Rose Vanilla Tea isa to na nagpasigla ng gabi ko, iwan ko ba siguro dahil unang karanasan ko makainom ng rose sapagkat ang alam ko lang ay hinahalo ito sa salad, di ko alam na pwede pala itong inumin na talaga ay bango niya.
At ang pinakahihintay ng lahat ang Butter Brew
|
Butter Brew |
Ang Butter Brew ay isa sa mga best seller din ng Mystic Brew Cafe pagdating sa kanilang inumin kung isa sa mga fanatic ng Harry Potter marahil nabasa mo ito sa libro kung saan madalas itong ihanda sa tuwing may piging silang nagaganap. At dahil isa nga ako sa mga fanatic ng Harry Potter natuwa ako sapagkat matitikman ko na ang inaasam-asam na Butter Brew, napaWOW ako ay in WOW BOOM! Dahil heaven ang feeling ng pah-inom ko nito ang sarap, oo OA na kung OA pero iba kasi yung lasa niya alam mo yung parang sprite na may butter na may sweet taste parang ganun. At kung dadayo ka sa Mystic Brew Cafe siguraduhin mong matitikman mo ang Butter Brew kung hindi naku, ewan ko na lang hahaha..
Suggested order
Chalupa - Cabra & Choco Riquisimo (hot chocolate)
Dragon Claw & Rose Vanilla Tea
Martabak & Rose Vanilla Tea
Italian Garlic Banger Pasta & Butter Brew
Martabak & Chili-Mint Coffee hot
Chorizo Rice with Adobo Flakes & Gingerbread latte
Paano pumunta dito? Simple lamang
Kung galing ka ng Alabang sumakay ka lamang ng dyip na Zapote at sabihin kay Mamang Driver na pakibaba ka sa Casimiro/Bf Resort at pagdating mo sa kanto ng Bf Resort sumakay ka ng trike at sabihing Mystic Brew Cafe katabi siya ng Castillian Village at Frienship Road.
Matatagpuan ang Mystic Brew Cafe sa 511 Capitoline Hill St, BF Resort Village, Las Pinas City.
Huling hirit kaibigan!
Tuwing Wednesday meron silang munting pakulo kung saan pagpumunta ka doon na may suot kang salamin may grado man o pangporma mo lang meron kang bawas na limang peso (Php5.00) sa iyong tutal bill.
Tuwing Biyernes naman ay mayroon acoustic band kung saan pude ka rin makijam sa banda.
At sa kanilang ikalawang annibersyo sa buwan ng Hunyo 25 (kung di ako nagkakamali) ay magkakaroon ng isang unlimites Butter Brew. Kaya naman saan ka pa dito ka na sa Mystic Brew Cafe!
Bago ko makalimutan maraming salamat sa masayang kwentuhan sa may-ari ng cafe na si Sir Algerome Asuncion at Sir Tristan G. Jovellana dahil ramdam mo talaga ang pagpapahalaga nila sa kanilang parokyano at talaga nawili akong kausapin sila sapagkat open sila sa mga suggestion ko pagdating sa ilang mga putahe.
Isang pasasalamat kay
Ms. Kathy Ngo sa kanyang imbitasyon upang ireview ang Mystic Brew Cafe.hanggang sa muli po ulit Ms. Kathy.
Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Mystic Brew Cafe pumunta lamang sa kanilang opisyal na website www.mysticbrew.biz o kaya naman ay sundan sila sa kanilang opisyal na social media account o di kaya naman tawagan sila sa (02) 403-5105.
Social Media Account
Facebook :
https://www.facebook.com/MysticBrewPH
Instagram :
instagram.com/mysticbrewery
Twitter :
https://twitter.com/MysticBrewCafe
So paano kita-kits na lang tayo sa Mystic Brew Cafe malay mo makapagkwentuhan pa tayo.
Para sa iba pang mga larawan ng aking kuha pumunta lamang sa aking opisyal na fanpage sa facebook A
XL Powerhouse.
Comments
Post a Comment