Bulwagang Salakot Restaurant

Sabi nga nila kung gusto mo malaman kung anu ang masarap na putahe ng isang probinsya bisitahin mo ang ilan sa mga sikat o kilalang mga restaurant sa lugar. Isa ang Bulwagang Salakot Restaurant na madalas dauhin sa probinsya ng Gumaca, Quezon.

Anu nga ba ang kasaysayan ng Bulwagang Salakot at bakit ito naging patok sa mga tiga-Gumaca o maging sa mga turista na dumadayo sa Gumaca?

Ayun mismo kay Atty. Feliza Canela Florido ang isa sa may-ari ay nagsimula sila sa isang maliit na kainan lamang sa senrtong bayan ng Gumaca tulad lamang sila ng mga ordinaryong nagtitinda doon ngunit dahil sa aking sarap at mura ng kanilang mga pagkain ay naging popular sila sa bayan at di lamang yun ang isa sa mga dahilan kung bakit naging patok ito ay ang kanilang masarap na "Nilasing na Hipon" at ang malutong na chicharon. Naging popular din ang byahero patungo Bicol o di kaya naman ay pumuntang Maynila sapagkat ang lokasyon ng kanilang lugar ay nasa highway lamang, di lamang yun masasabi rin all-in ang Bulwagang Salakot dahil andito na ang lahat ng kailangan mo katulad na lamang ng gasolihan (kung mga oto ka) kung kailangan mo naman magpahinga ata meron din silang isang hotel kung saan masasabi panalo ang bawat silid at sulit ang magstay-in mo dito at ang huling syempre ang souvenir shop kung saan makikita mo dito ang mga pudeng maging pasalubong mo pabalik mo sa kamaynilaan o patungo ka ng Bicol Region.

Isa sa mga sinubukan namin kainin dito ang chichanoy.

Bakit naging chichanoy ang tawag nila sa chicharon? Sapagkat ito daw ang madalas kainin ng ating Pangulong Benigno Aquino III tuwing siya ang nagagawi sa Gumaca.

Chichanoy (Php110)

Masasabi kung masarap nga nito at boom malutong talaga siya at samahan mo pa ng isang masarap na sukang Quezon.

Ang ikalawang pagkain na aming sinubukan ay ang nilasing na hipon.

nilasing na hipon (Php 110)
First time kung kumain ng nilasing na hipon at i must admit malutong at di siya yung tikipal na pritong hipon kungbaga sa usapang kanto masarap gawing pulutan.

So paano hanggang dito na lamang muna ang aking munting review sa Bulwagang Salakot at isang daang porsyento na babalikan ko dito, hindi dahil paanyaya ni Attorney kungdi sa masarap at magandang pakikitungo ng mga staff ng restaurant na ito, muli salamat Atty. Feliza Canela Florido sa isang masayang kwentuhan at imbitasyon sa isang restaurant hanggang sa muling magkikita.

Para sa iba pang larawan tungkol sa Bulwagang Salakot Restaurant tumungo lamang kayo sa opisyal na fanpage sa facebook ng AXL Powerhouse

Comments

Popular Posts