You Turn : Al Estrella

Ali Esrella  o mas kilala bilang Ser Mots sa mundo ng blogging. Sinu nga ba ang di makakakilala sa kanya dahil sa galing at likot ng kayang imahinasyon sa pagdrawing at paggawa ng mga kwento tungkol sa kanyang mga estudyante. Kahit ako napapahanga niya sa bawat poste sa kanyang blog.
Inggit nga ako kasi sobrang galing niya.

Paano ko nga ba nakilala si Ali Esrella  o ser Mots? Nagkakilala kami noong panahon na nagsisimula pa lamang ako sa mundo ng blogging kung saan naglilibot-libot ako sa mga blog at boom, ayun na nakita ko ang kanyang blog at talaga naman namangha ako, isa siya sa dahilan kung bakit di masyadong naging boring ang pagbloghopping ko.

Kaya naman di ako nagdalawang isip pa na imbitahan siya sa aking munting blog upang interview sa bagay na iyon. Tara simulan na natin kilala ang mahusay ay magaling na si Ali Esrella o Ser Mots.

Full Name and Alias: Al Estrella / mots
Website/Blog: http://motsmots.blogspot.com/
Twitter: aliputput19
Location: Bulacan
Age: 17. charot. 27
Education: Elementary Education
Genre of your graphic illustration: 
comics, book illustration (?) kung genre nga yun.
Tell me something about yourself that people don't know:
may loan ako sa GSIS. haha

What is your current state of mind before we continue with the interview? 
napepressure ako sa dami ng trabaho haha. end of school year tapos isang book project. parang ang hirap pagsabayin. iniisp ko yung deadline.

When and how did you get your start in the industry?
nagstart lahat nung kinuha ako ng isang professor nung college na gumawa ng book cover para sa book niya at studies para sa inside illustrations. tapos tumigil na ko kasi naging busy ako sa pagiging dakilang guro. Years later, sumali ako sa Ang Ink tapos nagtuluy-tuloy na yung projects. hindi ko naisip na mapapasok ko yung industry na to kasi feeling ko dati, kailangn may degree ka sa arts para mapansin ka.

Did you go to school to study this genre?
yun nga, wala naman akong formal training. kaya nung sumali ako sa Ang Ink, feeling ko malulunod ako sa sobrag gagaling nung mga kasama ko. yung mga batikan na pati yung mga kabatch ko. naisip ko dating kumuha pero sabi nung career test result ko dapat magturo ako. haha
sa comics naman, basa lang ako nanag basa ng comics strip para matuto

How did you discover your passion for art? Was it always something you knew you wanted to do?
si pudrakels, sobrang artistic kaya ang mga laruan namin nung bata pa kami eh clay at crayons. so bata palang, naturuan na niya kami sa art pero pag may nagsasabi noong elem ako na "uy ang ganda ng drawing mo" o "ang galing ng kamay mo" parang di naman ako naniniwala.

Was it always something you knew you wanted to do?  Yes. Kaso gusto ko ring magturo at kung papipiliin ako, kahi ngayon, mas praktikal na pillin ko yung pagtuturo.

How did you find your style? Has it changed since you started?
syempre nag start ako na nangongopya ako ng style. dumi-disney tapos naging sailor moon (haha) tapos naging nickelodeon, tapos naging manix abrera tapos eto na nga. yung pacute pacute na drawing lang. nung ginawa namin yung wickedmouth, sabi nung publisher, masyado dw cute ang illustrations ko para sa book. doon ko na confirmed na kumbaga sa pelikula, pa teenybopper lang haha
so nagbago ba siya? Sobrang nagbago!

Narito ang exclusive artworks ni Al Estrella






What was your first ever illustration of, do you still have it, if not where is it?
na napublish? yes. yung school paper nung high school. sobrang pangit! haha masama pa loob ko kasi 3 beses pinapaulit sakin nung school paper adviser namin. eh para sakin ok na haha

Where do you get your ideas/inspiration from?
ngayon, sa trabaho ko kinukuha yung ideas ko. yung comics strip ko tungkol sa teachers, yung book ngayon, tungkol sa adventure ng isang grade 5 pupil. sobrang laking tulong na yung mga kailangan kong ideas eh napakalapit sakin. kumbaga eh di na ko lalayo para sa inspirasyon.

How did illustration/grapic design change your life?
dumami yung trabaho ko. haha minsan nga hindi ko na alam kung pano ko napagkakasya yung isang araw sa dami ng gagawin. kaya nga medyo inactive ang blog ko kasi maraming commitments (naks! artista) Pinasok ko to, kaya dapat responsable ako. sabi nga di ba? pag gusto mo yung ginagawa mo, hindi nakakapagod. Pero siyempre, dumadami rin ang kita! Hihi hello BIR!

What are the pros and cons of being a grapic illustrator?
May mga kuripot na clients. meron ding mga kakilala na porket kilala ka eh free na agad. hindi naman sa mukang pera ako, pero siyempre yung paghihirapan ko eh dapat tama yung katapat.
iba yung feeling n makikita mo yung gawa mo na naka print, ginagamit sa school, nasa exhibit o nasa bookstore. ang lakas maka-high.pero dapat hindi lalaki ang ulo at laging magsisikap para gumaling pa.

If you weren't a graphic artist/illustrator or a multimedia artist, what would you want to be? Why?
boldstar. siguro yung day job ko parin. Pagtuturo. Kunting galit, kunting turo, sweldo! Ahaha biro lang!

What legacy will you leave?
gusto ko siyempre na may magsasabi rin na nainspire ko sila. na nung nagsisimula sila, yung gawa ko yung ginagaya nila. ahaha ambisyosa lang. siguro mas makakapag-iwan ako ng legacy bilang teacher kaysa bilang isang illustrator.

How do you see yourself 20 or 30 yrs from now?
teacher/ illustrator/boldstar  parin. madami ng books na naillustrate, makapag exhibit pa at yumaman!

Your #1 art tip or words of wisdom.
Drawing lang nang drawing! Walang di nakukuha sa practice at tiyaga!

Any final message? Its your time to shine..
Nasa taas yung link ng blog ko hhih punta kayo!!!

Comments

  1. Isa talaga si Sir Mots sa hinahangaan ko sa mundo ng blogging. Ang ganda ng mga art works nya, including yung sa sculpey. Bukod dun nakakatawa yung comics nya, ang kukulit lang ng mga estudyante nya. Nakakatuwa namang malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.

    Super agree ako dun sa part na porket kakilala libre na agad. Meron kasing times na may mga kakilala ako na pinapasulat ako tapos thank you lang ang katapat.

    Anyway, sana magkaroon ng part 2 ang book nila ni Glentot.

    ReplyDelete
  2. Huwat 27 years lng si ser Mots? no way man! feeling ko 28 na siya. charot!!! *peace ser mots hihihi*

    Grabe, hands down talaga ako jan kay Ser Mots. Idol talaga pagdating sa mga artworks niya.

    Naaliw ako sa pagsagot niya sa Q & A ni paps Axl. Malaman pero light and entertaining!

    Natawa ako sa boldstar nyahaha *evil grin*

    ReplyDelete
  3. Hahahahaa booom! Ang kwela wanna met him soon

    ReplyDelete
  4. waw si idol.. sya ang pinaka una kong na follow sa blog :) kasi sya din ang pinaka una kong follower nun nung nagsisimula palang ako ahahaha! kahit na tanga tanga pa ako sa blog world ^_^

    ReplyDelete
  5. Idol much ko yan si sir mots, back in my first blogs pa nipafollow ko na yan till now! elibs ako sa talent nya sa arts

    ReplyDelete
  6. Magkano loan mo sa GSIS sir mots!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts