Lets Feed Our Mind

Dahil christmas season na ngaun isa lamang ang ibig sabihin yun panahon na para magbigayan sa isa't-isa pero syempre di lamang basta-basta regalo ang maari mong ibigay sa iyong minamahal sa buhay dahil maari nila itong maenjoy at hindi nila makakalimutan, hindi ba?

At salamat sa Blogapalooza 2013 dahil nabigyan ako nagpakakataon para makapag-isip kung anu nga pa ang magandang iregalo sa mga taong mahal natin.

Simulan natin sa Mind Museum, sinu nga pa ang hindi maexexcited kung ikaw mismo ay pupunta sa isang museo, na ako mismo ay natuwa dahil kahit papaano ay masasabi ko pa rin buhay na buhay pa rin ang sining sa ating bansa kung dati rati ay medyo boring ka sa mga simpleng mga museo na napupuntahan mo, pwes ngaun sigurado ako dito na mas maeenjoy mo ang museo itong sapagkat kakaiba itong museo na ito dahil pinagsama nila ang old o classic style ng museo at ang modern museum kung saan habang naglilimot ka sa mga bawat sulok ng mind museum ay sobrang maeenjoy mo ang ilan sa mga activities na meron sa loob nito katulad na lamang sa isang studio nila na tinatawag na Mind Moving Studio kung saan meron mga resident scientist na pagpapaliwanag kung paano at bakit naging ganito ang mga bagay-bagay kung baga live mong masasaksihan kanilang gingawang experiments, oh di ba ang cool lang.
So anu pang hinihintay mo pumunta na sa Mind Museum na matatagpuan lamang sa Bonifacio Global City, bukas ito mula Martes hanggang Linggo sa ganap na 9am hanggang 3pm at ang kanilang ticket price ay naglalaro lamang sa halagang 150 para sa mga Public School Student at Guro, habang 450 sa mga bata hanggang College Student at 600 naman sa Adult.

Meron nga palang 5 main galleries na makikita sa Mind Museum na binubuo ng atom gallery,  life gallery, earth gallery, universe gallery, at technology gallery.

Para sa iba pang mga detalye sa Mind Museum tumawag lamang sa 909-6463 o pumuntahan ang kanilang official website na www.themindmuseum.org


Rich Prime Global maramil familiar na sa iyo ang pangalan na ito o kung hindi man maaring narinig mo na ito sapagkat sila lang naman ang distributor ng mga kilalang laruan na marahil ay naging laruan mo noong bata ka pa lamang isa na dito ang ninja turtle toys, UNO, Barbie, Wheels at iba pa. Isa sa mga naging paborito kung laruan dito ang UNO Blocks kung saan maglalagay ka ng isang block sa itaas nito habang hindi natutumba ang katabing blocks o hindi masisira ang tore. Oh bago ko makalimutan pagkakaroon pala ng isang bonggang Warehouse Sale na up to 80% ang Rich Prime Global nagaganapin sa November 28 to 30 and December 1, 5, 6,7,8 12, to 22 2013 sa 34 Scout Torillo Cor. Scout Limbaga, Quezon City, ito ay magbubukas mula 9am hanggang 6pm (Sabado at Linggo) at 1pm hanggang 6pm (Lunes hanggang Biyernes).

Oh baka sabihin ninyo na puro laruan lamang ang binebenta nila, nagkakamali kayo sapagkat meron din silang mga apparel at mga sapatos na sigurado akong patok na patok sa mga bata.


At ang panghuli ang Lazer Xtreme, kung naaliw at naabutan ninyo ang larong warzone o yung baril-baril kung saan pelet pa talaga ang baga at kung tumama ay iyo ay sobrang sakit di ba? Bakit hindi mo subukan ang Lazer Xtreme. Kaparehas din siya ng Warzone pero ang pinagkaiba nga lamang dito ay hindi ka masasaktan sapagkat ay ginagamit na bala dito ay laser at di lamang yun sapagkat gagamitan mo din ito ang utak sa paglalaro dahil may mga obstacle kang dadaan habang naglalaro nito.

Para masubukan mo ito maari kang pumunta sa kanilang dalawang branches na matatagpuan sa Market-Market sa Taguig at sa Alabang Town Center sa Muntinlupa.

So paano hanggang dito na lamang muna ako kita-kits na lamang tayo sa mga nasabi kung lugar sapagkat maari akong pumunta doon kasama na rin syempre ng aking mga kaibigan upang matuto at maglibang.

Comments

  1. nice mukang enjoy ahh, lalo yang lazer extreme trip ko na subukan yan parekoy

    ReplyDelete
  2. gusto kong ma-try ang lazer extreme!!!

    ReplyDelete
  3. hindi ko pa nagagamit yung lazerxtreme malapit na nga pala due date nun.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts