Fine Filipino Food, Pino turn 1

Isa sa mga the best restaurant in the metro, ang Pino Resto Bar Jupiter.

Naimbitahan po ang inyong lingkod para dumalo sa unang taon ng Pino Resto Bar-Jupiter at di lamang yun upang tikman din ang kanilang mga the best food at ang kanilang bagong menu.

Anu nga ba ang Pino Resto Bar- Jupiter at sinu-sinu ang nagtayo nito?

According kay Pj who is the marketing trainer of the Pino Resto Bar-Jupiter, "The restaurant has been in business since 2008, with the original location along Maginhawa Street, Quezon City. In 2010, PINO moved around the block to a bigger and better lot in Malingap Street. In November 2012, Pino opened its second branch in Jupiter Street, Makati, alongside Pipino Vegetarian and The Burger Project, all of which are run by the same young group." and he added, "PINO transforms favorite Filipino fare into creative dishes, surprisingly combining flavors, textures and ingredients. PINO is passionate about giving you delicious food that comes from the heart."

At ang mga tao sa likod nito ay sila Chef Edward Bugia, marketing trainer PJ Lanot, media practitioner Ms. Star Jose, graphic designer Alessandra Lanot, PBA player Paolo Bugia, basketball coach Ruben Lanot and restaurant veteran Raydel Mascarinas.

At mukhang interesting ito dahil sila pala ang mga tayo behind sa success ng The Burger Project, kung saan paborito kung tambayan pag-asa bandang Maynila ako.


Kung sa place naman ang titignan natin mukhang maganda at pinag-isipan ang design dahil kung isang yuppie siguradong pasok sa banga ang lugar na ito sapagkat may wifi sila, may saksakan kung sakaling dala mo ang laptop mo, super friendly ng mga staff ito pa kung mahiling ka mag doodle o magdrawing eh maaaliw sa dahil sa bawat sulok ng Pino ay may mga nakadisplay na doodle art.

Ang Pino ay kilala sa kanilang mga flagship dish at best seller na Kare-kareng Bagnet kung saan ang ingridients nito ay authentic Ilokano crispy pork belly served with annatto-peanut sauce at bagoong rice.


Syempre di mawawala ang kanilang isang starter na Sisig Tacos at isang main course Coffee Crusted Beef Belly.

Yummy Sisig Tacos 

Coffee Crusted Beef Belly


At syempre tikiman time na para sa kanilang bagong menu, simulang natin sa starter na BAGNET SPRING ROLLS na P275 lang (Spring rolls stuffed with bagnet, chinese chorizo, salted eggs, vermicelli noodles, fried and served with calamansi vinaigrette) at susundan ng ISOL POPCORN na P205 lamang (Filipino street favorite crispy fried chicken ass tossed in soy-miso-inasal glaze)

BAGNET SPRING ROLLS

Ang pinakahihintay ng lahat ang Main Course simulan natin sa NILASING NA TAHONG P295 (Spicy mussels cooked in beer and lime soda) gusto ko to kasi lasa mo talaga sa kanya yung alat at anghang.

NILASING NA TAHONG

BAGNET BICOL EXPRESS (for sharing) P475 (Winged beans cooked in spicy coconut milk and alamang, topped with bagnet) ang grabe lang yung anghang nito at siguro ako dito na magugustuhan ito ng mga silly foodie.

BAGNET BICOL EXPRESS

STEAMED LAPU-LAPU (for sharing) P495 (Grouper fish steamed in lemongrass and leeks, topped with pineapple aioli, salted egg, bell pepper, pickle relish, cheddar cheese, scallions and garlic chips) gusto ko yung texture nito kasi naghahalo yung lasa ng isda at lasa ng mga ibang ingredients lalo na yung sasamahan mo ng salted egg.

STEAMED LAPU-LAPU


BAGNET RIBS LECHON PAKSIW P295 (Fried pork ribs stewed in vinegared liver sauce and chicken liver) sarapa yung pakakasama ng bagnet sa lechon paksiw kung bago tamang tama siya di nakakaumay.

BAGNET RIBS LECHON PAKSIW 

PINO POCHERO (for sharing) P475 (Tender beef and pork stew with crushed tomatoes, saba, kamote, pechay and chinese chorizo) isa ito sa mga naging paborito ko sa Pino dahil ang sarap ng beef tamang tama siya, di siya yung matigas na ang hirap kainin, di rin sobrang lambot na parang di mo na malasahan.

PINO POCHERO

Ito na ang pinakahihintay naming gusto-gusto ng sweet, dessert time.

BIBINGKA GALAPONG with TSOKOLATE SHOT P145
(Mini rice cake topped with salted eggs, kesong puti, ricotta cheese, coconut and sugar, served with a shot of homemade tsokolate) isa to sa mga dahilan kung balik ako bumalik pagkatapos ng anniversary ng Pino dahil sobrang nagswak yung lasa niya sa gusto ko dahil di ko akalain na pude palang lagyan ng tsokalate ang all time favorite nating tuwing pasko ang bibingka galapong.


BIBINGKA GALAPONG

At ang kanilang best seller na Chunky Choco Tempura, sinu bang aayaw dito sa masarap na dessert na ito lalo na kung isa kang choco lover.

Chunky Choco Tempura

So anu pa hinihintay mo diyan, alam kung takam na takam ka na at gusto mo din tikman ang mga ito punta na sa Pino Resto Bar-Jupiter, bukas sila araw-araw mula 11am-2pm at 5pm onwards.


Kita-kits na lang tayo sa Pino Resto Bar- Jupiter mga kapaps..

Comments

Post a Comment

Popular Posts