Iba pang pangyayari sa BLOG MO IPASUOT MO

Sabi nga nila isa sa pinakamasarap na pakiramdam ng isang tao ay ang makita ang ibang tao na maging masaya kahit sa simple bagay lamang. Ito ay napatunayan noong nagkaroon ulit ng sabak ang blog mo ipasuot mo o mas kilala bilang BMIM.

Sa sa mga di nakakaalam ang BMIM ay isang grupo ng mga blogista na layong tumulong sa mga kapus-palad nating mga kabataan sa bansa upang bigyan sila ng kaunting pangangailangan katulad lamang ng mga kuaderno,lapis,bolpen at papel syempre kasama din dito ang t-shirt kung saan andun ang mga pangalan ng mga sponsor ng damit na iyon mula sa isang blogista.

Ika nga nila di lang puro blogging,events,reviews, eye-ball at happy-happy ang ginagawa ng mga blogista syempre mayroon din kabuluhan ang bawat pagblog, hindi ba? Sabi nga ni Maya Angelou, "When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed."

Bago ko makalimutan pangpitong sabak na pala ito ng BMIM at nagpapasalamat naman ako dahil muli akong nakasali sa masayang sabak..

Narito ang ilan sa mga larawan noong naganap na sabak sa FTI, Taguig, Filipinas.









Mga Blogista at mga Volunteers



Para sa iba pang mga larawan noong ikapitong Sabak ng BMIM pumunta lamang dito sa AXLPPI 7th Sabak Volunteer at AXLPPI 7th Sabak Time

So paano hanggang dito na lang muna ako, sana sa susunod na sabak ng BMIM makasama ka naman!

Comments

  1. ayos! salamat dito pareng axl ^_^

    kudos to all members at nakisabak sa BMIM!

    ReplyDelete
  2. See you sa next sabak axl! yung poster ko ha :) hehehehe...

    ReplyDelete
  3. salamat sa post, adre.. next sabak ulit.. hehehe

    ReplyDelete
  4. Nakakatuwa tingnan yung mga bata!

    ReplyDelete
  5. Congratulastions BMIM! marami na naman kayong mga batang natulungans! XD

    ReplyDelete
  6. Masaya ang sabak na ito. :)

    ReplyDelete
  7. Masaya ang sabak na ito. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts