Boses The Movie

Kung isa kang avid movie-goers ng Cinemalaya marahil napanood mo na ang pelikulang noon 2008 ngunit kung hindi naman may pagkakataon ka ng mapanood ang isa sa mga dekalibreng indie film ng Cinemalaya ang "Boses".
Si Onyok (playing the role of Julian Duque)
Ang "Boses" tumatalakay sa iba't-ibang aspeto o suliranin ng lipunan, nariyan na ang Women-Child Abuse, buhay ng isang OFW. Bullying at ang buhay ng isang batang naabuso.

Anu nga ba ang kwento ng "Boses"? Ang "Boses" ay kwento ng batang si Onyok (Julian Duque) kung saan papunta siya sa pangangalaga ng DSWD dahil sa pang-aabuso sa kanya ng kanyang ama (Ricky Davao), dahil sa pang-aabuso na iyon natruama si Onyok.

Sa shelter kung saan dinala siya ng mga DSWD official at sa shelter na ito nakita niya ang kanyang hiling sa musika. At sa shelter din na ito makikilala si Ariel (Coke Bolipata) isang magaling na biolista at magtuturo ng violin kay Onyok. Si Ariel na kaya ang magpapaalis ng truama o ng lungkot kay Onyok mula sa kanyang ama o mas lalo kaya magiging trauma si Onyok sa kanyang paglabas sa shelter?

Alamin ang iba pang detalye sa 31 ng Hunyo sa lahat ng SM Cinemas.


Comments

Post a Comment

Popular Posts