Mobile Suit Gundam Wing


Isa sa pinakasikat na palabas na cartoon or i rather to say na anime noong 90's ang Gundam Wing. Sino ba naman ang batang di nahook sa palabas na to, mula sa unang pinalabas na Gundam Wing hanggang sa magkaroon na ng iba't-ibang series ito at di lang yun,kung di ako nagkakamali eh nagkaroon ng ibang version nito ang ABS-CBN ngunit di ng click sa mga manonood nito.


Sino ba naman ang makakalimot sa mga limang Gundam Pilots na sina Heero Yuy,Trowa Barton, Duo Maxwell ,Quatre Raberba Winner at Chang Wufei.

Isa rin ako sa mga batang nahook sa anime na to, kung di rin ako nagkakamali pinapalabas ito twing hapon mga bandang 4:00 sa GMA7.

At dahil din sa anime na to ang daming nagsilabasang mga maliit na version nito o mga collection items para sa mga bata at para din sa mga anime collectors,isa na ko sa mga naging collectors ng anime na to, ngunit syempre di naman ako rich boy to afford ng mamahaling laruan, syempre gumawa ako ng paraan to have that toy,ginawa ko bumili ako ng mga stickers at mga mumurahing mga gundam wing toys to sell it to my schoolmate, bakit? simple lang dahil gusto ko magkaroon ng original na GUNDAM WING, oo ayaw ko ng mura dahil madali masira at maluma ang mga ito.


Pero dumating ang time na di ko talaga kayang bumili ng sariling Gundam kaya ang ending eh yun mga mumurahin ang naging mga collection ko. Pero sa di inaasahang magkakataon, eh may dumating na package sa aming bahay, isang maliit na kahon at nakajapanase package ito at may pangalan ko, tuwang-tuwa ako noong buksan ko ito kasi ang laman ito ay isang chocolate at isang gundam wing na galing ng Japan at sigurado akong original at mamahalin yun at tama nga ako mamahalin dahil yung tinignan ko ang price nito sa Toy Kingdom(yung time na nagcacanvass ako) eh nasa halagang Php900.00 ang laki na yun no,sa panahon na yun at dalawang buwan ko ng baon yung kung  tutuusin, kaya laking pasasalamat ko sa taong nagpadala sa akin yun walang iba kung di ang aking bestfriend na nasa Japan.

Kasi noong bago pa siya umalis eh madalas yun ang pag-usapan namin ang mga anime at mga sentai noon. Siguro naisip niya na gustong-gusto kung magkaroon nito, kaya yun pinadalhan niya ko.


Syempre nagdagdagan naman ang mga collection ko noong mga time na yun.

Pero syempre habang tumatanda ka ika nga nila nagbabago rin ang mga hiling mo, kaya naman noong nasa High School ako naisip ko na ibenta at yung iba naman eh ipamigay na lamang sa mga batang walang laruan sA bahay ampunan sa may bandang Alabang (actually kaharap lang siya ng ATC). Sobrang saya ko noon kasi alam ko yung mga laruan na yun eh mapapakinabangan ng husto ng mga bata.

Ngunit syempre naiwan sa akin ang Original at bigay sa akin ng bestfriend ko, kahit na medyo nasisira na yun mga ibang parts nito.

Ilang lang to sa mga naging collection items ko noong bata pa ko.

XOXO 

Comments

  1. napanood ko yung gandam cartoons na 5 yung bida.

    nangolekta ako ng gundam dati, kaso di ko kayang pangatawanan. hahaha

    ReplyDelete
  2. ako naman, di ko nagustuhan to'ng gundam hehehe. ala lang

    ReplyDelete
  3. awww answerte mo naman! sweet ng best friend mo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts