Hap Chan @ Alabang
Isa sa mga favorite kung chinese restaurant ang Hap Chan, bakit? Simple lang dahil sa ganda ng ambiance ng lugar na feel mo talaga na kumakain ka sa isang chinese restaurant at isa pang dahilan madalas dito kami kumain ng dinner kapag nagkikita-kita kami ng mga kaibigan ko na galing sa North Area (referring to Quezon City Area) ito’y pagkatapos namin pag-usapan ang mga business works, office work even the personal things kung baga pagnasa south area sila dito ang tambayan namin.
At kaya naman gustong-gusto ko dito kasi andito isa sa mga favorite kung pagkain ang taho, ang pinagkaiba nga lang sa kanila ang Chill Taho, kasi di siya yung tipikal na taho na nilalako sa kalsada namainit at may kasamang sago, dahil sa kanilang version malamig talaga, swak to after work o business work dahil sa stress mo. Siya nga pala yung cold taho cost Php30.00 sulit na sulit naman ang pera mo dahil ang tamis ng syrup na ginamit sa kanilang taho.
At isa rin sa binabalik-balikan namin dito ang Green Tea, kasi sa kanila bago dumating yung inorder mo ay bibigyan ka nila ng isang teapot kung saan andoon ang isang masarap at nakakabuhay ng energy ang green tea.
Noong una kung tikman ito akala ko di masarap kasi ba naman first time tumikim ng tea, I must say sobrang na sarap niya talagang magiginhawaan ang sikmura mo.
At syempre sa kanila wifi free kaya kahit kumakain ka madali mo ng maipopost ang mga pagkain na kinain ninyo at ilagay ito sa iyong social network na account o maiblablog.
XOXO
ang cute ng taho design :D
ReplyDeleteI like dining at any HapChan. Next time I'll try the Chilled Taho you recommended. :)
ReplyDeleteWow! Mukhang yummy ang taho na yan. sana meron sa greenbelt or glorietta!
ReplyDeletena try ko na din dito. first time ko'ng matikman ung frozen taho hehe
ReplyDeletepenge ngang tea. :D
ReplyDeletegrabe kung hindi event trip eh food trip ka naman.. hahaha
ReplyDelete