Ang Hangin Mo Naman Pre!!

Ang Hangin Mo Naman Pre!!

Lahat ng tao sa mundo ay may angking yabang na ipinamamalas. Merong tipong nakakabanas na mala-"in your face" ang dating at kulang na lang e isampal sa mukha mo yung nais nyang iparating. Minsan nama'y pasimple pa ang banat pero ang mensahe ay katumbas ng hanging pang-signal number 4. Hahaha! Interesting, 'di ba? At dahil nga sa interes ng iilang tao sa mundo na walang magawa sa buhay nila, gaya ko, minabuti kong tulungan ang aming sarili na gawing makabuluhan ang aming buhay sa pamamagitan ng isang munting listahan. At bilang isang "creative genius"(walang kokontra!), gumawa po ako ng isang listahan ng mga uri ng taong mayabang.


 



Mayabang #1: Ang Kupal

Definition:

    Ang kupal ay isang taong walang keme kung humirit. Di siya marunong mangutsara, in other words, straight to the point ang banat. Sa sobrang yabang nitong nilalang na 'to e mababanas ka sa kanya. Kahit nga boses pa lang niya ang marinig mo mabubwisit ka na.
Example:
   Juan:   Pedro, gusto mo bang sumakay sa brand new Jaguar ko? Kaso ingat ka, P30 M ang bili ni daddy nyan... tsaka kung masira blah blah blah...
   Pedro:  ... {wala na si Pedro... tinangay na ng hangin.}

Mayabang #2: Ang SM - Simpleng Mayabang

Definition:

    Ang SM, as the name implies, ay isang taong pasimple kung bumanat. Kadalasan nga nama'y meron silang ipagyayabang pero utang na loob 'wag na kayong magpasamba!!

Example:
    Pedro:   Juan, anong grade mo sa test??
    Juan:     Bagsak... {ito ang simula ng pasamba}
    Pedro:   Sabihin mo na. Ok lang yan. Ako nga 25/100 lang e. {Syempre pipilitin mo sya.}
    Juan:    
Basta... Bagsak nga. {Bwisit! Pa hard-to-get.}
    Pedro:   Sige na. Wala namang mawawala sa'yo e. {Kaunting pilit na lang...}
    Juan:     88. {No Comment}

Mayabang #3: Ang Mangingisda (in English: Fisherman)

Definition:
    Ang mangingisda ay isang nilalang na magaling sa sining ng pamimingwit. Translated in English: A fisherman is a being that is adept in the "art of fishing". Gets?
Example:
    Juan:   Pedro, anong grade mo sa test??
    Pedro: 76/100
    Juan:   Wow!! Ang taas ah... Ang tali-talino mo talaga!!!
    Pedro: Di naman. Ikaw?
    Juan:   98.    {Poooo+@! Oo na. Mas ma-"ang tali-talino mo talaga" ka na!!!}

    Mga minamahal na kaibigan, tatlo lamang po ito (na naiisip ko ngayon) sa sobrang daming uri ng mga mayayabang na nabubuhay sa balat ng lupa. At kung sabi nila'y "Ayos lang magyabang basta't may ipagyayabang", pwes, isaksak mo sa baga mo yang bagong sasakyan mo, o mamahaling damit mo,  o mataas na grade mo, o kahit anupamang ipinagyayabang mo dahil meron din ako nyan. Ahahahaha!!!! Joke lang. Basta next time, tandaan mo na lang na iba ang may ipinagmamalaki at may ipinagyayabang. Sana meron ka ng nauna.


courtesy of my team room 3 integrity EJ Apuli

Comments

  1. may isa pa ...yung mayayabang na sinungaling haha..ung hanggang salita lang...nyahe.anyhoo, mas malakas pa sa tsunami yang 3 yan at naiinis ako lalo na sa number 1 haha

    ReplyDelete
  2. @sendo whahaha ndali mo tsong hehe apir nga tayo diyan heheh :D

    ReplyDelete
  3. agree din ako sa mayabang na puro salita hahaha. meron akong kilalang ganito ahahaha.

    ReplyDelete
  4. sa tingin ko ay hindi naman mayabang yung example number 2. Sa simula palang ay si pedro na yung nagtanong ke juan ng score nya. nakailang tanong din si pedro pero ayaw naman sabihin ni Juan. kaya kung sabihin nya ang totoo dahil nakulitan na si Juan dahil sa katatanong ni Pedro e walang masama don.


    -bulakbolero

    ReplyDelete
  5. @kraehe.. hehehe ganun?

    @bulakbolero.. actually may point ka din naman kaso bakit kasi kailangan may pilit pa di ba hehee :D

    ReplyDelete
  6. tawa ko ng tawa sa mga terms talagang derechahang kupal. hahahaha!

    teka continue reading mode...

    ReplyDelete
  7. @jason. whahaha oo kahit ako natawa ung binabasa ko to sa multiply ko whaha :D

    ReplyDelete
  8. yong sa number 2 dahil mapilit ka ito ang mapala mo kung ako yon sasabihin ko 101/100.pag sinabing ang yabang naman e di wag mo akong kulitin. 0/100 na lang. ang kulit no.

    Ito ang problema sa pagyayabang kasi lalo mong pinababa ang sarili mo.

    Kung bakit kasi nakakapang init ang mga taong sobrang yabang. Kaya minsan hayaan na lang natin sila doon sila masaya.

    ReplyDelete
  9. Natawa ako d2 pareng AXL...Ung no.3, ganun ako (minsan lang)...Isa kasi sa mga banat namin together with my classmates way back college, "too much humility is boastfulness". ;p

    Kaya ha un, ung si no. 3 sa list, ginagawa namin! Ahahaha....

    Nice post, tinamaan ako!


    At may isa pa:

    ung no. 3 pero in a vulgar way...may taong as if "disappointed" sa kanyang score na 98 kasi ndi na naperfect ang exam, knowing may mga klasmyts na pasawang awa na ok na sa kanila basta pumasa!...*insensitive

    ReplyDelete
  10. @DR... oo sinabi mo pa.... well ganun talaga ang mga tao wla tayo magagawa sa mga ganyang bagay :D

    ReplyDelete
  11. mukhang kasama ako jan eh. hehehe. aaminin ko minsan ganyan din ako

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  12. @Jhiegzh hehehee lahat naman ata tayo dumaan dito sa mga to eh :D

    ReplyDelete
  13. @kikilabot hehee... ok lang yun minsan ganun naman tayo di lang natin alam :D

    ReplyDelete
  14. yoko talaga sa mga taong mayabang.

    ReplyDelete
  15. di ka naman galit nyan Axl? ha? hehehe!!!

    ReplyDelete
  16. tumpak yung ke sendo. :D

    sa school noon, nasa fisherman ako nabibilang. :p wakokokok. pero between close friends lang yun. di pedeng sa buong class. di naman ako ganun ka kupaloids :p

    ReplyDelete
  17. dagdag mo na ito.

    Mr. Alam ko 'yan - Ito si feeling genius, lahat nalang alam, kahit ano sabihin mo, sasabihin sayo, alam ko yan, madali lang yan. Pero kapag nalaman mong hindi pala niya alam, sasabihin sayo nagjojoke lang daw siya nun...LOL..

    -at kakilala ko si "Mr. Alam ko yan" dito...haha

    ReplyDelete
  18. @mpoy... tama...

    @P.A. whahah di naman master..

    @gelo.. hehe tama takaga si sendo hehe :D

    @akoni.. hehe oo nga no, malakuya kim lahat alam whahah :D

    ReplyDelete
  19. ang sarap pagbabangasin ng muka nung mga nagyayabang sa exam at grades. haha

    ReplyDelete
  20. hahaha! natawa ako.. more pa!! wala ka pang ibang jokes jan, cge na, bored me here, para matawa ako ng bonggang bongga.. hehe

    ReplyDelete
  21. i agree kay sendo,ayoko din sa mayabang na sinungaling pa! hahaha! nililipad ako!!!

    ReplyDelete
  22. @hamster,., heheh oo minsan..

    @mommy.. whaha LOL trip ba momski hehe.. soon i will do an entry about jokes..

    @iya.. hehe :D apir :D

    ReplyDelete
  23. aray axl..quote ko yun.. okay lang maging mayabang basta maipagyayabang.. pero actually hindi naman yung klase na sinabi mo... hahaha.. I mean... mas malala kase kung mayabang ka na nga pero wala ka naman maipagyayabang di ba? hahah.. nyahahahha.. pero na-impress ako sa mga kind ng mayabang mo.. trulalooo.. ayuko ng mga pahumble epek.. at ayuko nung talagang nagbubuhat ng sariling upuan..

    ReplyDelete
  24. @kams... yun nga eh oki sana kung meron paano kung wala?

    ReplyDelete
  25. ang mayabang galit sa kapwa mayabang...mayabang ako sa ibang paraan pero hindi tulad ng nabanggit mo...galit ako sa kanila...hehehe

    ReplyDelete
  26. @moks.. parang yung magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw lang ha :D

    ReplyDelete
  27. hahaha..astig to ahh.. Isama mo na din siguro ang mala- are you IN or OUT? As in are you INsecure.. kaya nagmamayabang...lolz..

    ReplyDelete
  28. stay away sa mga taong mayayabang! hehehe

    ReplyDelete
  29. ahahaha... napaisip tuloy ako kung nagawa ko ba ito or ginagawa ko ito.. ahaha...

    ReplyDelete
  30. well still its better to keep your feet on the ground :) human was created without wings but they were all trying so hard to have one

    ReplyDelete
  31. Aminado ako, mayabang ako. Kaya suntukan na lang. DYOK!

    Tanong ko lang: Blogger/s ba ang pinatatamaan mo nitong post na ito? Tinamaan kasi ako, onti lang. LOL!

    ReplyDelete
  32. yung number 2 i disagree eh. pinilit lang kasi ng pinilit kaya ganun :D

    ReplyDelete
  33. @leo.. whahh lahata naman tayo dumaain dito eh..

    @biboy.. yeap tama ka diyan :D

    @ Gdude.. wala po akong pinapatamaan sa entry na to sir :D


    @bino.. hehehe

    ReplyDelete
  34. hehe.. ako mayabang. pero ipinagmamalaki ko.. kasi ang yabang, habang tumatagal nadadagdagan.. ang yaman nababawasan. LOL

    ReplyDelete
  35. @MD.. lols parang may mariverk at ariel na tagline yan ha hehe :D

    ReplyDelete
  36. Di na talaga yan ma iwasan na mayroong taong ganyan.

    ReplyDelete
  37. @bbtoo.. actually lahat naman tayo dumaan dito eh :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts