Blogger Get Together

Heto na heto ibloblog ko na yung happening noong blogger meet up yun yung dumating si Sendo from Ozamiz, ganito kasi yung kwento nun ng post siya sa FB niya na nasa manila daw siya at gusto niya makameet ng mga blogger so ako naman game ako diyan basta ba free ako at tapos na lahat ng mga obligation ko sa business, sa work at kung anu-anu ba mga events. So sabi ko sa kanya we can meet up on the MOA total yun lang naman ang malapit na Mall sa akin at sa kanya. So ok lang sa kanya sabi ko rin sa kanya mga around 3:00Pm para ok ang sked ko, ok lang din sa kanya so Jan  27, 2011 yun..


Mga banda mga 2:00Pm nagtext text na kami ng invited din ako ng mga ibang blogger thru twitter at fb na rin kaso yun iba mga 6:00PM pa daw out at hahabol na lang daw kaso di na sila na kahabol bakit kaya hahaha.. peace guys yun iba naman may event sa UST kasi naman 400th anniversary yun ng Unibersidad.. So sabi ko sa kanya sa MOA na lang natin pag-usapan yan mga yan...


Mga 3.30 na ko nakaout nun whahah pasaway late ako kakainis ayaw ko pa naman ng late...
So nagkita kami sa Burger King, usap ng kaunti sa mga bagay-bagay then after that we decide na mag-order na tutal di pa kami ng Brunch so ayun ang oorder namin eh yung Whopper Burger cost Php 130.00 grabe ang sarap ang huling kain ko dito if i not mistaken eh yung college pa ko grabe, naalala ko dati yung elementary ako lagi kaming nagrerefill ng coke o kahit anung softdrinks sa burger king kung baga want to sawa.. hahahaha by the way parehas pala kami ng inorder..

Medyo mahaba-haba rin yung mga pinag-usapan natin yung habang kumain kami kasam na dun yung kailan ka nagsimula magblog, bakit ka ng blog, isa ba yung bakasyon niya sa Singapora grabe na inggit ako pabakasyon-bakasyon na lang sa singapora wala man lang pasalubong na doraemon kakainis tama ba yun hehehe.. then napag-usapan din namin about VCF (by the way catholic ako pero i attend VCF minsan sa Galle at Alabang) yung convention ng VCF sa SMX last Aug sabi ko sayang di tayo ng kita nun the pinag-usapan din namin yung mga blogger pati yung layout niya.. then naisipan ko na mag twitter at mag Ublog para malaman na andito nga talaga si Sendo..


At ayun na nga total wifi free naman yung MOA kaya ayun chat dito, chat dun, twit dito at hulaan ninyo kung sinu ang mga kachat namin yun mga time na to ang pinakamagandang at makulit na si (insert blog name) grabe ang kulit tas ito pa ang malupit kachat namin siya at katext pa sabi tuloy ni Sendo madami bang kamay si (insert blogger name) kakachat ko lang nag text ka agad.. sabi ko sa kanya multitasking kasi siya at for sure busy yun baka di na siya makapunta pero nagkamali ako pupunta daw siya at kasama si MP at hahabol daw sila ayos madami dami na tayo hehhehe.. so ayun after namin kumain pumunta kami sa CDR-King bibili daw siya ng USB Reader nasira na daw kasi yun sa kanya so yun go kami dun , pagdating namin sa Stall ang haba ng Pila same lang sa CDRking sa Southamll blockbuster din pambira habang pumipila kami may napansin ang aking mata, may nakita siya isang artista at napapanood siya ngayun sa Pablo Gomez Muyta walang iba kung di si Malou Crisologo bilang Octupina sabi ko nga kay Sendo siya yung sa Muyta di ako pude magkamali Kapamilya ako eh, sabi niya di daw niya kilala hahaa, so sabi ko naman papic tayo kaso nahihiya daw siya so nahiya na rin ako hehehe. Then after 100 yrs sa pilahan ayun nakabili na rin siya ng USB Reader the punta na kami sa San Miguel Bayview sa mga di nakakaalam sa likod po yun ng MOA sa habang naglalakad kami pinag-uusapan namin yung pronvince nila pati yung plan namin pumunta ng ILOCOS or ng BOHOL for vacation grabe ang dami ko tuloy natutunan sa mga provinces para akong bata sa dami ng mga tanong ko sa kanya pero game naman siyang sumagot sa mga to tas isa pa nalaman ko pa na malapit lang sila sa mga Dolphin area whaha yun pa naman ang gusto ko..


After ilang minutong paglalakad eh narating na namin ang Bayview ayun siya nag gala-gala at nagtingin-tingin ng mga view nag stay ng kami ng matagal sa mga ZIPLINE pinapanood namin yung mga sumasakay..



Kaso parang bitin pag sumakay ka sa Mall Of Asia Zipline kasi ang iksi lang ng meters nila compare sa Caliraya ang haba at sa Quezon City pero ok lang mukhang enjoy na enjoy naman yun mga sumasakay eh..

Ito ang inaabangan ko sa Bayview ang paglubog ni Haring Araw kasi tuwing pumupunta ako dito di ko nakikita yung ganitong paglubog yung tipong magiging orange lahat ng paligid ang sarap sa mata at ang sarap picture ng ilang beses.

Ito pang isa ang magandang paglubog ni Haring Araw kasama ang mangingisda.

Mga taong nagpapahangin at nagside seeing.

Si Moving Mannequin nag-iba na siya ng costume.

The Mall of Asia Zipline of the go

 Si Sendo na animoy muling nagbalik sa kanyang pagkabata

Mga around 5:00 na ata kami natapos nito so pupunta kami sa Hotel niya kung saan maglilipat siya ng kanyang gamit sa kanyang pinsan sa Nickols mga 30 mins din ang tinagal namin dun sa hotel hanggang sa bahy ng kanyang pinsan at nagsisismula ng magtext sila (insert blog names) at tumatawag na kung saan na daw kami kaya ayun nagdali na kami ng aming mga kilos at nag taxi na kami mula nickols to MOA at pumunta na kami sa Kalye Juan kung saan naghihintay na ang dalawang bloggers, ayun pagdating namin dun kumakain na sila kasi daw di pa daw sila ng bruch hahaha parepareho lang pala kami lahat at ayun kwentuhan to the max na ng kung anu-anung mga bagay..

yan yung inorder namin ni Sendo na Sisig Pusit kaso ang unti lang ng pusit mas madami pang gulay pambihira naman, sila (insert blog name) sariwang lumpia at sisig yung order di ko alam yung isang inorder nila eh...

After nito pumunta kami ng Resort World Manila sa Pasay yun bali nag Taxi kami from MOA to Resort World ayun tawanan at asaran ang nagaganap sa taxi..

Pagdating namin dun ayun ang ganda sobra para ka nasa ibang bansa in a way kasi ang ganda ng concept ng pagkakagawa ng Resort World kaya ayun pagpasok sa loob nilabas ko na ang aking magandang Camera to take some cool and nice place..

Here some clips

ito yung bubog ata ng Resort World ang ganda animo'y mga parang bituin sa langit sa ganda

 One of the Elite bar

ito yung mga nagsisilbing ilaw sa Resort World

Sosyal ang elevator di ba gold kung gold

 The lucky tree

the light

the floor style

The blogger Sendo, Yanah at Mpoy


the who?

Habang naglalakad kami ng tingin-tingin ako ng mga stall at kunga nung maganda naku-naku ang daming magagandang mga toys katulad ng shades trip ko yun maangas dagdag pogi points yun kaso yung price wapak tumatangingting na Php4k hala sabi ko di na sa kanila na lang yun, oo alam ko mahal sa Resort World kasi 4 Star Hotel sila pero di ko alam na ganun kamahal pambihira..
after maglakad-lakad yun nakarating kami sa isang Art Gallery ang ganda at di namin alam bawal pala magtake ng mga picture hhaah buti na lang may nakuha akong isang pic.
After namin tumitingin tingin eh nag take naman kasi ng picture sa isang malaking statue


after ng mahabang-habang lakaran sa Resort World bumalik na kami sa Moa for the final destination namin
at ang nasaktan namin taxi grabe siya ang layo ng inikutan sa amin sa coastal pa dumaan pude naman sa rotanda pambihira siya...

At thanks to beautiful Yanah for the treat..


pero bago kami ng Macdo eh dumaan muna kami s SMDC ang daming mga nakaformal na damit kala namin isang JS prom pero may tinext ako kung anung meron dun yun pala ang formal launching ni Anne Curtis para sa Endorsement ng SMDC kapalit ni Marianne Rivera

Pagdating sa Macdo ganun parin tawanan parang wala ng bukas...

mga around 11:00 na ng pagpasya na kaming umuwi sa kanya-kanya bahay...

i really enjoy it si Sendo ang unang blogger na namin ko sa 2011 kasi Yanah at Mpoy nagmeet na kami sa PEBA eh pero dito kami mag nag-usap compare sa PEBA dahil sa busy..


So pano hanggang dito na lang ulit...

Hanggang sa susunod na lakaran.


XOXO


Comments

  1. wow! hindi pa ako nakakapunta sa resort's world! kakainggit ka naman. hihi

    ReplyDelete
  2. hehehe ang bihis ng comment ha buds.. punta ka maganda dun :D

    ReplyDelete
  3. halos pareho pala pareho ang style ng resorts world pala dito satin dun sa singapore. mayroon din nung 2 statues.LOL

    so kelana naman ang atin?

    ReplyDelete
  4. love ko rin yang burger king at buti pa noong araw pwede irefil ng paulit ulit ang drinks at selfservice pa. pero sa usa ganyan pa rin sila unlike sa atin kainis hahahaha.

    ganda sa resort world ganda kaya lang pang rich lang hehehehe para kang nasa hotel,

    bawal ang picture sa casino sa resort world ewan ko ba kung bakit

    ReplyDelete
  5. hehe oo nga mukha kang pareho nga hehehe.. twit ko sayo hehe :D

    ReplyDelete
  6. @hard.,, hehehe oo nga iba na kami yung mgt ng burger king si MVP na.. kaya ganun... oo mahal nga yung mga bilihin sa resort world

    ReplyDelete
  7. sa susunod tayo naman.. wahehehe.. kakainggit lang talaga ang mga malalapit ang bahay.. wahhhe

    ReplyDelete
  8. Ang haba ng araw niyo ah? Saya ng meet up. :)

    ReplyDelete
  9. cute ng mga pics nyo. nakita ko din sa facebook. uyyy madz.. hehehe

    ReplyDelete
  10. next time, ikaw naman axl ang pumunta sa bayan nila sendo :) hehe

    ReplyDelete
  11. ang layo naman kita sendo, rah. di ko kaya yun :D

    ReplyDelete
  12. Did you mean "free wifi"?

    ReplyDelete
  13. ako rin hnd p ako nakapunta sa resorts world. nice parang ang saya nyo ha?

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  14. yun oh! ikaw na! ikaw na ang super friendly... =D

    ReplyDelete
  15. Ang ganda nung araw... na picture mo... ang sarap tumitig sa dagat... hayyyy....

    bucket list ko makasama sa EB ng kapwa bloggers...

    ReplyDelete
  16. @kikilabot.. oo sobrang saya wala ka kasi my pasok ka daw :D

    ReplyDelete
  17. bat wala yung sa amin? nagtampo.. hehe

    ReplyDelete
  18. ito na yata ang pinaka masayang part ng pagiging follower sa blog ang mikita mo ang mga ito ng personal.

    ReplyDelete
  19. I want also to meet you all guys. I been in Manila since 2008 and just left last sept 2010.
    Happy blogging...

    ReplyDelete
  20. @DR..w hahaa tama ka dian.. hapie talaga :D

    @Dboi.. sama ka next time ha :D


    @Roy,, hehe oo next time sama ka rin :D

    @bino.. hehe oo hehe :D

    ReplyDelete
  21. sana mameet ko din kayo mga ka blogger.kuya axl, txt mo ako pg tuloy kayo d2 sa ilocos ah mkita q nman kayu

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts