Tayo na sa Batibot

Aaalala mo pa ba ang batibot? lalo na sina Sina Kiko Matsing at Pong Pagong? eh si Manang Bola, Sitsiritsit, Alibangbang, Ning-ning, Ging-ging at Kapitan Basa, sama na din ang mga totoong tao na sina Kuya Bodjie, Ate Siena, Kuya Ching, Ate Isay?
Kung oo marahil ay ipinanganak ka noong dekada late 80's at 90's......
Isa ito sa mga paborito kong panoorin ung bata pa ko.. actually bago ako pumasok pinapanood ko pa ito nag-aaway pa nga ako sa mga pinsan ko sa bahay dahil nililipat nila sa ibang channel eh.
Isa sa mga segment nila eh yung “Alin, alin, alin ang naiba? Sabihin kung alin ang nag-iba! “ dahil diyan naging magaling ako sa aking klase, ang ganda kaya ng mga drawing nila noon di ba?
Marami ka din matututunan lalo sa pagbilang, magbasa, mga kwento na may moral values at kung anu-anu pa...
Pero bago ang lahat saan nga ba o paano nga ba nagsimula ang batibot ayun kay wikipedia at kay google .....


Ang Batibot ay isang palabas na pambata sa telebisyon mula sa Pilipinas, na batay sa Sesame Street. Nagsimula noong 1984, na may pangalang Sesame!, na sa kalaunan naging Batibot makaraan ang ilang mga taon. Sa wikang Filipino, nangangahulugan ang Batibot na "maliit, subalit malakas at masigla". Bilang Sesame!, kapwa ginamit ng programa ang mga wikang Ingles at Filipino bilang midya ng komunikasyon, subalit makalipas maging Batibot, naging palabas na pang-eduksayong pambata na nasa wikang Filipino lamang ang palabas. Una itong pinalabas noon sa Channel 9 (RPN 9) tuwing 10:00 to 11:00 ng umaga at ito;y nalipat sa Channel 4 (noon ang PTV) tuwing 3:00 to 4:00 naman ng hapon pero noong 1990 sila ay napunta sa Channel 2 (ABS-CBN) pero hanggang 1993 lamang sila dahil nag desisyon ang ABS-CBN na gumawa ng kanilang sariling programa katulad ng batibot sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation. At sila ang napunta sa Channel 7 (GMA7) sila ay nagtagal sa station na iyon hanggang 2002....


Pero wag kayo malungkot dahil sila ay magbabalik sa sa pinakabagong at bagong bihis na TV5 kaya abangan niyo...


Naalala niyo pa ba ang kanta ng batibot, kung oo tara sabayan niyo ako sa pagkanta....

PAGMULAT NG MATA,

LANGIT NAKATAWA

SA BATIBOT,

SA BATIBOT

TAYO NANG MAGPUNTA

TUKLASIN SA BATIBOT

ANG TUWA, ANG SAYA

DOON SA BATIBOT

TAYO NA, TAYO NA

MGA BATA SA BATIBOT

MALIKSI, MASIGLA. (2X)

DALI, SUNDAN NATIN

ANG NGITI NG ARAW

DOON SA BATIBOT (2X)

TAYO NANG MAGPUNTA

TUKLASIN SA BATIBOT
..


Comments

  1. naalala mo pa pala.... :D






    Marco

    ReplyDelete
  2. Talaga? Ibabalik ang Batibot? Yan yata ang pinakamagandang mangyayari sa TV kung totoo nga! Ako din ay batang Batibot, maliksi, masigla! :D

    ReplyDelete
  3. Akala ko tayo ng magbatibot ang title. buti binasa ko ulit :)

    ReplyDelete
  4. @salbahe.. yap. babalik na siya :D
    @MD... whaha wag ganun hehe.. :D

    ReplyDelete
  5. maganda daw yan sabi nang mga kapitbahay namin hahaha...

    ReplyDelete
  6. it brings back the memories of my childhood days...favorite ko yan... especially si Pong Pagong... Wahahaha!!! thanks for sharing...

    ReplyDelete
  7. @kikilabot.. whee di nga.... ang pagkakaalam ko eh mas matanda ka pa sakin eh...
    @rhodney.. isa ka pa whahah :D

    ReplyDelete
  8. memories of batibot... flash back... hehehe... manang bola... at kapitan basa

    ReplyDelete
  9. ` i used to watch this TV show .. heheh :)

    ReplyDelete
  10. @mervz... hehe.. bring it back :D
    @khantotantra .. tama... muling nagbabalik :D
    @ mitchie... hehe :D

    ReplyDelete
  11. Ano yang batibot? bakit di ko alam yan?! lol... naku di ko sila kilala at di ko alam pano kantahin yan... lol... ahahhahahahhaha

    ReplyDelete
  12. @ Xp... isa ka pa... kapanahunan mo rin yan eh.. hehehe :D

    ReplyDelete
  13. Sayang naman, wala rin kaming TV5..

    Pumasyal ng Axl.. dinako naka log in kasi medyo dami ginagawa ngayon. Busy po.

    ReplyDelete
  14. aaah si BATIBOT. hindi ko na naabutan ang programang yan. :)) ATBP. pwede rin.. :) lol hahaha!!

    ReplyDelete
  15. @leah.. bakit? cable wala kayo?.
    @E•M•O•T•E•R•A .. whaha isa ka pa.. hehe :D

    ReplyDelete
  16. c kiko matsing na aalala ko... yung ibng cast d ko na maalala... yung song nila naaalala ko pa

    ReplyDelete
  17. nakalimutan ko na sila..hahaha!PEro yung knta kbsado ko pa.wpak!

    ReplyDelete
  18. "Tinapang bangus, tinapang bangus
    Masarap ang tinapang bangus"

    batang batibot here ^_^

    ReplyDelete
  19. hahaha.. palagi kong tinitira yan sa VIDEOKEHAN hehehe

    ReplyDelete
  20. laking batibot din ako pero di ko yan napapanood kasi wlang tv sa amin walang signal sa probinsiya namin. Sana nga maibalik si pong pagong. Good news yan sa marami

    ReplyDelete
  21. Favorite ko yan lalo na si Pong Pagong!!! Kaso noong huling episodes nila parang pumangit na, si kiko may katawan na na dati laging nasa bahy lang. Mas maganda yung may batibot tree pa...sana ganun ang gawin ng TV5

    ReplyDelete
  22. di ko na inabot batibot... hehe... peo ibabalik po ata sa tv5

    ReplyDelete
  23. tara na sa batitbot.. alam ko d q ganu inabutan yun ai hehe pero nagtataka naman aq kung hnd q inabutan bkt alam ko. hehe

    ReplyDelete
  24. blue's clues lang naabutan ko eh...anu yan???LOL

    ReplyDelete
  25. @arvin.. hehehe, memory gap :D
    @2ngazki... hehe apir..
    @sikoletlover.... hehee... galing ha memorize pa niya...
    @kikomaxxx... meron pala sa video yung batibot.. ngaun ko lang nalaman yun ha...
    @itsyaboykorki.. yeap babalik na sia :D
    @DR....hehe oo babalik si pong pagong :D
    @Mokong...di ko na naabutan yung last epi kasi adik na ko sa ATIBAPA yun eh heheh..
    @arjee... whee di nga :D
    @halojin... hehhe.... lam mo yan :D wag ka mag deny hehe :D

    ReplyDelete
  26. @ron... whahhaah tama :D halatang kapanahunan mo ron :D

    ReplyDelete
  27. ako din batang batibot. peborit ko sina Manang Bola at sina sitsitritsit at Alibangbang at si Pong pagong at kiko matsing. :p

    ... those were the days.

    ReplyDelete
  28. ako man, nanunuod ako ng batibot bago pumasok.. hahah

    ReplyDelete
  29. I will never ever forget. I <3 Batibot! :)

    ReplyDelete
  30. I love Kapitan Basa, at 'yung magkapatid na sina Ging-Ging at Ning-Ning.. Happy... Nostalgic...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts