Magic Temple


 "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"

Naalala mo ba ang kantang yan, napanood ko kasi ulit to sa TV kahapon sa Studio23..
Isa yan sa mga madalas namin kantahin ng mga klasmyt at mga kaibigan ko noon, grabe adik na adik kami dian sa kanta naman. kung di ako nagkakamali eh ito naging talk on the school pa tong kanta na to lalo na yung mga kapangyarihan ng tatlo bata!!

Isa ito sa mga naging favorite kung movie ung bata pa ko... crush na crush ko pa dito si Anna Larucea na gumanap bilang Jasmin isang batang multo na hindi pa matahimik dahil hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang mga buto na nasa kamay ni Diablong Bungo (Michael Arguelles).

Sa mga di nakakaalam kung anu ang MAGIC TEMPLE, ito ay movie na pinalabas noong 1996 under STAR CINEMA kwento ng paglalakbay nina Jubal, Sambag, Omar papuntang samadi para ibalik ang balanse ng mundo.




here some clips of the movie


Itong scene na to ung kalaban niya si Rexor na ang kapangyarihan eh apoy.


Jubal bilang Jason Salcedo ang kanyang kapangyarihan Landas ng Tubig at Hangin (kabebe ng dagat), ang magaling na leader ng Grupo


Itong scene na to kausap niya si Jasmin

Sambag bilang Junell Hernando ang kanyang kapangyarihan Paraan ng Kalikasan at Puso (bato ng buhay) kung saan pag umiiyak siya eh nagiging halaman at magandang bulaklak naging kalaban niya ung kamatayang bungo.
Isa sa mga magandang linyang binitawan niya "Sa dinami-dami ng pambihirang kakayahan, yun pang nakakahiya ang napunta sakin."


di ko maalala yung saan scene to? ikaw alam mo ba?

  Omar bilang Marc Solis ang kanyang kapangyarihan ay ang Bato at Mineral (apoy na lupa)

 Naging kalaban niya ung isa sa mga naging leader ng kalaban na si Ravinal ang kapangyarihan naman eh ang bakal..
Si omar ang naging tagasalaysay ng kuwento.
Isa sa mga magandang linyang binitawan niya
"Ano ba naman tong bahay mo?! Wala naman 'to sa tabing-ilog kagabi ah!"



 ito ung isa sa mga gustong scene kasi panu ba naman mas pinipili pa nila yung daan na magandang tignan o madalian na daan at sa kalaban pa sila naniwala kaysa sa sinasabi ni Jubal na pangit nga ngunit ligtas naman na daan.



sa bandang huli sila-sila pa rin ang magdadamayan ang tunay na magkaibigan!!
"pagnadapa ka, matuto kang tumayo at magtiwala sa kaibigan"


ang sweet ng scene na to... kilig to the bones hehe :D

One of the coolest at sobrang gandang scene na to. 
Pinapakita dito na wag basta-basta maghusga ng kapwa
sa panlabas na anyo lamang dahil di sapat na basihan para sabihing masama siyang tao o nilalang.

Ito lang ata ang isa sa mga madaming moral value na movie na napanood ko ung panahong ito eh.. 
Grabe kahit sabihin natin na simple lang yung mga effects na ginamit nila. oki lang di naman importante yun dahil marami ka naman matutunan kagaya na lang ito ang teamwork ika nga nila one for all all for one,cooperation, maging tapat sa kaibigan, maging totoo sa sarili, matutung magsakripisyo para sa iba, couragehave faith and pray to GOD, respect others even if they are not like us in physical emotional.and characteristics.


ito ba ang ibang scene sa movie




the OST of the Magic Temple

tara sabayan niyong akong kantahin to kung naaalala niyo pa ito!

"Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"

Gusto mong tunay makita kalansay ng sariling bangkay bigkasin sabay sabay

Buto, kalansay, tabi-tabi po sa bangkay, lulubog, lilitaw, sa saradong hukay

Pag tao’y namatay nagiging isang bangkay, ang buto matitibay nagiging kalansay, pero pag ang bangkay hindi 

nilibing ng mahusay,

kaluluwa’y maglalakbay magmumulto panay panay

Kaya para mailagay sila sa matiwasay, hanapin ang kalansay saka ilibing ng tunay



 So paano hanggang sa muli ulit mga kablog, sana nagustuhan niyo tong entry ko :D

Comments

  1. @ron.. hehe.. alam mo na! "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"

    ReplyDelete
  2. hahaha kulit takot dati ako sa mga kalaban nila jan eh.. favorite ko na scene jan ung may manok na kubo ^^ hjahahah

    ReplyDelete
  3. I got it! This was also my favorite (in the absence of 3D and better cinematography) when I was a kid.

    They say, today is the renaissance time of Philippine Cinema and Television. I do hope, there will be something like "Magic Temple 3D" or anything.

    Just IMHO.

    ReplyDelete
  4. Panahon ko yan! at Peborit ko rin yan... wahahaha!!!

    ReplyDelete
  5. Walang lamangan, lahat ay pantay –pantay yan ang samahan nating lahat
    Minsan sa ating buhay tayoý lumalayo.kung ikaw ay totoo at tunay ang iyong pagkatao.
    Pinipilit magbago sa sariling anino.Harapin mo ang iyong mundo iyong matatanto

    yan ang mga pambihirng lines na di ko makalimutan sa moving yan na last month ko lang napanood.
    I'm still searchin for the Song "Iba ang ating mundo by caselyn Fransisco. Sana kung may makita ka pa share naman.
    I love the meaning of the song.
    timbrihan mo ako. ha. na search ko na ang sa internet wla tlaga.

    ReplyDelete
  6. napanood ko to dati sa sinehan. elem ako. di ko tanda anong grade. basta pasko. haha.

    ReplyDelete
  7. hehe ilang bese ko na tong napanuod, kyut kasi ni sambag =))

    ReplyDelete
  8. waaa..i want to remember this but i can't remember na T_T memory loss. but the song is familiar
    "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"

    ReplyDelete
  9. Hahaha... naalala ko 'to! Ilang beses ko to pinanood.


    lulubog lilitaw... hehehe

    ReplyDelete
  10. napanood ko na din yan at favorite ko din! sa pagkakaalala ko nagkacrush din ako sa isa diyan eh... tapos pagumiiyak sila naluluha din ako :)

    ReplyDelete
  11. Naalala ko pa yung part na nagsasayawan sila kasama ang "magagandang" babae.

    ReplyDelete
  12. peborit ko rin yan :) heheh mas maganda pa nga yan sa ibang movies ngayon.

    ReplyDelete
  13. @prince... whahaha.. seryoso di nga?
    @halojin... oo ako din ang kyut ng scene na yun heheh :D
    @kira... tama... iba pa rin ang pelikula na to.. compare sa mga nasabi mo..
    @mervin.. oo panahon mo nga yan hehe..
    @ DR.... oo i remember that song.... hinahanap ko nga yung ost ng movie na to eh.. medio ma hirap-hirap nga nahapin...
    @bulakbolera... hehehe.. ako elem din yun eh..
    @hArTLeSsChiq.. anu din... kaso yung sa tv may cut na eh..
    @Chacha Bucad.. sabi ko sayo eh.. bawala ng pork ang beans hehee...
    @MarcoPaolo,... hehehe "Buto't kalansay tabi tabi po sa bangkay lulubog lilitaw sasaradong hukay"
    @Rhea Gulin.. hehee.. dama mo talaga yung drama nila di ba hehehe..
    @glentot.. yun talaga yung naalala mo ha :D
    @mots.. TOMO.. heheh apir :D

    ReplyDelete
  14. nice. sayang at di ko napanood to kahapon. gusto ko tong movie na ito.

    ReplyDelete
  15. @khantotantra .. sayang.. ganda nito no...

    ReplyDelete
  16. astig dude! napa-reminisce nman ako bigla. hihi

    ReplyDelete
  17. ayos to...may CD kami nito,..magic temple...galing tlga ng pinsan ko,,,si junell hernando as sambag..hehe

    ReplyDelete
  18. Astig! Sana mabuhay uli ang mga ganitong larangan ng pelikula sa pinas. Puro na lang kasi tayo panggagaya sa ibang bansa.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts