Explore and discover the best of Bicol at the Orgullo Kan Bikol Regional Trade and Travel Fair


Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo yakapin mo
Kayamanan nyang likas
Piliin mo ang Pilipinas


Sino bang hindi alam ang kanta na yan, siguradong ako alam natin yan, isa ata ito sa naging LSS na kanta noon dahil sa paulit paulit na patugtog nito sa telebisyon at radyo at kung tama ako ay nanalo pa ang kanta na ito sa ibang bansa.

Tama naman talaga ang sinasabi ng kanta Piliin mo ang Pilipinas, sapagkat ang Pilipinas ay hindi lamang ordinaryo bansa madami ka madidiscover na akala mo na alam mo na ang lahat.

Kaya naman paulit-ulit tayo nagkakaroon ng mga trade at travel fair para mas makilala natin ng husto ang Pilipinas.


Kaya naman nitong nakaraang araw lamang ay nilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 5, Department big Tourism (DOT), Shangrila Plaza at ang main host na Orgullo Kan Bikol (OKB) Regional Trade and Travel Fair sa Shangri-La Plaza upang mas makilala ng mga shoppers ang Bicol region kung anu nga ba ang pinagmamalaki nila maliban sa bulkang Mayon.

Samo't- sari ang makikita mo sa trade Fair na ito bukod sa mga magagandang produkto ay meron din silang mga masasarap na kutkutin, minatamis, mga organic food, mga bag na yari sa magandang uri ng halaman at iba pa.






Masasabi ko na mayaman talaga ang bawat region sa atin sapagkat meron tayong kanya-kanyang specially na talaga nagpapaanngat hindi lamang para sa ating sarili kundi na rin sa ating region.

Narito ang video kung ano pa ang iyong makikita sa #OKBicolAtTheShang


Kaya naman anu pa hinihintay punta na sa Shangri-La Plaza at makiisa sa masayang trade Fair na ito hanggang May 26, 2019 lamang ito.

Comments

Popular Posts