5 Recommended menu to try in Honolulu HK Cafe


Ang dami ngayon naglalabasan o mas tamang sabihin na masasarap na Chinese restaurant sa iba't- ibang lugar ngayon sa atin. Marahil dahil ito ng pagdami ng mga dumating na Chinese tourist sa bansa.


Isa na ang Honolulu HK Cafe sa mga bagong dating sa ating lugar. Akala ko nga ung una ito yung tipong restaurant na tipical na Chinese restaurant na mapula at madaling Chinese symbol pero hindi pala masasabi ko na relaxing ang ambiance na meron sila kung tutuusin para isang modern cafe na meron mga menu na complete na talaga, hindi lamang mga bread or mga tea ang kanilang inoofer sa kanilang parokyano.

Narito ang 5 Recommended menu na dapat mong subukan at babalik-balikan mo.

Egg Tart (Php 50 each)

1. Ang kanilang famous at masarap na Egg Tarts na talaga naman sa unang kagat mo oa lamang hahanap-hanpin mo dahil sa tamang lasa at creamy nito.


Stream rice with Casserole (Php 198 good for 2-3 person)

2. Stream rice with Casserole, ang gusto ko dito ay complete set na sya kumbaga parang rice in a box pero mas gusto ko ung ganitong klaseng timpla kasi alam mo authentic ang lasa.

HongKong Curry in Casserole (Php 328)

3. HongKong curry in Casserole, isa ito sa masasabi kung papatok ng husto sa atin kasi ba naman ang tender ng meat nila at samahan mo pa ng masarap na timpla Ng curry na tamang-tamang sa lasa ng Pinoy foodie at madaling kainin dahil nakahiwa ito ng pacubes.


4. Stir - Fried HongKong Noodles with Porkchop, ito Naman Kung gusto mong noodle lang at ayaw mong magrice tamang-tamang ito para sa ito lalo dahil sa tamang timpla ng porkchop hindi sya parang bubble gum sa matigas.


5. Baked Rice with Minced Beef Bolognaise , first time ko tumikim ng ganitong klaseng dish akala ko ung una medyo matapang ung tomato na ginamit ung parang pang Italian ba. Pero hindi pala nagustuhan ko paano ung pagkamix nya na tiyak na maging ang bata ay masisiyahan dito samahan mo pa ng juicy at tender na beef.

All in all experience ko sa Honolulu HK Cafe ay masaya lalo na kung paano kami asikasuhin ng mga server nila kahit na madami kaming kasabayan na customer. Isang factor din yun syempre hindi lamang pagkain Hindi ba?

Matatagpuan ang Honolulu HK Cafe sa Lower Ground, SM Aura Premier o kung gusto mo naman magpadeliver tumawag lamang sa (02) 886-3333.

Comments

Popular Posts