HIMAGSIK 2026 at UPLB February Fair: Music and Collective Action Unite


Nakatakdang yanigin ng HIMAGSIK 2026 ang UPLB February Fair sa Freedom Park mula Pebrero 10–14, 2026, tampok ang mga artistang hindi lamang magtatanghal kundi makikiisa rin sa panawagan para sa katarungan, kapayapaan, at demokrasya. 

Sa temang “Buong Lakas na Paglaban ng Timog Katagalugan Kontra Korapsyon at Pasismo Tungo sa Katarungan, Kapayapaan, at Demokrasya,” magsisilbing entablado ang taunang pagdiriwang para sa makabuluhang musika at sama-samang pagkilos. Inaasahang magsasanib ang himig at tinig ng masa sa isang makapangyarihang pagtitipon na naglalayong basagin ang katahimikan at itampok ang mga isyung panlipunan, habang ipinapakita ang lakas ng kabataan at komunidad sa pagsusulong ng pagbabago.

Comments