LSS (Last Song Syndrome) : Ang kwento ng pangarap, musika at sarili


Sa buhay hindi natin alam kung saan nga ba tayo tutungo lalo na minsan hindi natin maintindihan ang bugso ng ating mga damdamin. Kaya naman di natin naiiwasan na dadaanin na lamang natin ito sa isang masayang o hindi naman kaya ay isang senti na kanta na talaga naman mapapagaan ang ating pakiramdam lalo na ngaun na paiba-iba ang panahon na minsan sumasabay ka na lamang ng hindi mo namamalayan ng husto.



Isa ang Ben&Ben sa masarap pakinggan sa panahon na ito dahil sa aking galing nilang umawit na sinamahan pa ng isang mahusay na tugtog ng kanilang mga banda kaya hindi na nakapagtataka pa kung bakit minahal sila ng mga madla mula sa kanilamg awiting "Maybe The Night", "Riding Home", "Sampaguita", "Kathang Isip" hanggang sa kanilang bagong awitin na "Araw-araw" at "Lucena" o hindi naman kaya ang ""Talaarawan".

Kaya naman hindi na nakapagtataka pa ng husto kung bakit kabila-kabila ang mga projects na meron sila ngaun, isa sa mga naging masasabi nating big project nila sa taong ito ay ang pagkakaroon nila ng isang magandang pelikula kung saan makakasama nila ang mahuhusay na actor mula sa kani-kanilang network. Mula sa Kapuso Network ay si Gabbi Garcia at sa Kapamilya Network naman ay si Khalil Ramos.

Naitanong sa bandang Ben&Ben kung paano nga ba sila nakakarelate sa kanilang kauna-unagang pelikulang LSS kung saan sila ang isa sa mga gaganap na banda mismo bilang Ben&Ben.


Ayun mismo kay Miguel Cuico, "medyo meta ung story in sense na yung timeline ng mga pangyayari ay nakaalign din sa actual time kung kailan nagsimula yung banda so parang doon sa film pinapakita rin ung year na nagsimula kami which is 2017 doon din nag start yung story nila sa film tapos hanggang nagprogress sya to almost present day so parang ganun. Actually kahit kami masasabi pa namin more than that ay makarelate kami sa characters nila mismo (Gabbi Garcia at Khalil Ramos) kasi di ba, in one point si Tony umiyak habang pinapanood nya sorry ilalaglag kita, ung mga test screening with us."

Dagdag pa ni Miguel, "Siguro ung LSS anu eh sa lahat most especially sa story sobrang totoo lang yung kwento nya, yung kwento nya ung anu ba talaga yung nangyayari sa totoong buhay sa mga nangangarap na tao kung anuman yun hindi naman kailangan na music lang o arts lang any kind of dream. Tsaka yung mga taong maraming hopeless romantic. "



Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatambal ang real sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na talaga naman aabangan ng lahat sapagkat alam naman natin na bihira lamang ang ganun pagkakataon na magsama ang dalawang magkasintahan sa pagahiwalay na network.

Ang LSS ay mula sa direksyon ni Jade Castro at panulat ni Seige Ledesma, Emmanuel Cruz at Globe Studio Kren Yap.

Mapapanood ang LSS (Last Song Syndrome)  simula sa darating na September 13-19 2019 sa mga piling sinehan sa buong bansa.

Comments

Popular Posts