Explore and experience "Doraemon's Gadget Park"
Muli na naman nagbabalik ang isa sa mga sikat na karakter noong 90s at isa sa mga paborito ko walang iba kundi si Doraemon.
Sino nga ba ang makakalimot sa ringtone dati na "Ang Mahiwang Mensahe" o ang memes na "Ang Chismosa Naming Kapitbahay" di ba? naging household name din ang mga yun lalo sa may mga selpon noon.
Ang nakakatuwa lamang sa kanyang pagbabalik ay isang masaya at pasabog talaga dahil alam ninyo ba na ang palabas na Doraemon ay nagseselebrate ngayon ng 20 yrs in Philippine television. Biruin mo nga naman yun ang tagal na nila at sa tagal na yun ay madami na silang natuwa at nainspire sa bawat episode na meron sila lalo na ngayon sa kanilang pagbabalik sa telebisyon ay mas pinasaya at magandang kulay ng kwento maliban pa dito ay si Doraemon ay isa ng ganap na Kapamilya, mapapanood na si Doraemon sa Yehey Channel tuwing umaga!
Maliban sa pagiging 20th yrs in Philippine television ay nilunsad din ang isa sa pinakamalaking gadget park na sa akin palagay ay madami fans at bata ang matutuwa pag nakita nila ito.
Narito ang ilan sa makikita ninyo sa Doraemon's Gadget Park.
Syempre kung fans o collectors ka ng Doraemon ay mas lalo kang matutuwa sapagkat naglabas din sila ng limited edition merchandise na doon mo lamang makikita at mabibili. Kaya naman ako bilang isang Doraemon collector ang laking galak ko dahil ang dami at umaapaw ito. Ang dami dami ko din nabili kaya ubos ang salapi na dala ko, mabuti na nga lang ay meron akong dala kundi iyak tawa na lang ako sa isang sulok.
Tatakbo ang Doraemon's Gadget Tour simula ngaun araw July 19 hanggang October 2019 sa mga piling SM Mall nagsimula na sila sa kanilang prime mall na SM Mall of Asia na tatagal hanggang July 30, 2019.
Comments
Post a Comment