Shangri-La Plaza collab with Ballet Philippines
Bilang isang Pilipino dapat alam natin ang ating pinagmulan, pinagmulan ng bawat lahi at pagbibigay pugay para sa susunod na henerasyon. Kasi kung hindi dahil sa kanila ay wala tayo ngayon kaya dapat pahalagahan natin ang ating mga katutubo at magbigay respeto sa kanilang lugar at kultura.
Kaya laging akong natutuwa kasi ang Shangri-La Plaza ay naging magbibigay bugay sa ating mga katutubo o sa ating pinagmulan kasama na dito ang kultura ng ating bansa.
Kaya nitong nakaraang araw ay magkaroon ng isang masayang pagtatanghal ang isa sa mga pioneer ballet organization sa Pilipinas at sa buong Asya, walang iba kundi ang Ballet Philippines.
Ipinapakilala at pinamalas ng Ballet Philippines ang kanilang husay di lamamg sa classic ballet pati na rin sa contemporary ballet. Lalo iyon kaya ang gusto ng karamihan kaya madami ang nanood ng araw na iyon.
Maliban pa dito ay ipinamalas din nila ang maganda sining ng musika at kanta na nagpaindak sa mga manood, sinong bang hindi mga folk songs na kinalakihan natin ang napanood nila at ang naging highlight ng gabi na iyon ay ang "Tales of Manuvu" isang alamat o kwentong bayan.
Narito ang video ng palabas ng Ballet Philippines sa Shangri-La Plaza.
Comments
Post a Comment