Mayonnaise first time magkakaroon ng major concert sa loob ng halos dalawang dekada sa music industry
Jopay kamusta ka na?
Palagi kita'ng pinapanood at nakikita
Jopay, pasensha ka na
Sino nga ba ang batang 90s ang hindi nakakaalam ng kanta na yan natatandaan ko halos araw-araw itong naririnig sa lahat ng radio station noon kung saan naging kasabayan nito ang bandang Hale, SpongeCola, Sandwich at iba pa. Kaya naman naging theme song din ito ng mga gusto magbanda noon.
Akalain mo yun ang tagal na pala nila sa music industry pero hindi pa pala sila nagkakaroon ng isang major concert at hindi dahil hindi sila sumikat ng husto kundi di lamang talaga nagtutugma ang pagkakataon sa kanila. Sino nga ba ang tinutukoy ko walang iba kundi ang opm band na Mayonnaise na nagpasikat ng kantang Jopay, Bakit Part 2, Paraan, Tayo Na Lang Dalawa at Kathryn.
Kaya naman noong nabigyan ako ng pagkakataon na mainterview ang lead Ng Mayonnaise ay hindi na ako nagdalawang isip pa para umuoo lalo't minsan lamang mangyari ang bagay na yun.
Isa sa mga naging tanong ko ay, "musta ang pakiramdam na finally na magkakaroon na ang Mayonnaise ng isang major concert pagkatapos ng mahabang panahon?"
Ayon Kay Monty Macalino, "noong una kaming nilapitan ng Gabi Na Naman Productions at One Music, I was really happy. Happy because finally may ibang entity na nakapansin sa hardwork namin. I feel that we're just lucky that because of Musiklaban at a lot of songs we got to be relatable, revelant. And at this moment andun kami sa mga wish list ng mga tao na mapanood ng live sa big venue."
Ako super agree ako doon kasi ako mismo di ko alam na di pa sila nakapagmajor concert at isa pa natutuwa ako kasi they will do a lot of collaboration sa mga indie music artist ng bansa kahit na hindi natin ito nakikita. I'm super proud on that Kasi nakikita mo nasa passion talaga nila ung music kaya tumagal sila kahit ang dami-dami ng dumating na banda at umalis.
Kaya naman wag na wag mong papalagpasin ang pagkakataon na ito na panahon sila ng live sa big venue. Saan pa nga ba kundi sa Music Museum na gaganapin sa June 29, 2019 na may pamagat na Akalain Mo Yun.
Comments
Post a Comment