First Korean Independence Day Film Festival at Shangri-La Plaza
Sabi nga nila kung hindi mo papahalagahan ang kasaysayan o ay iyong pinagmulan ay hindi ka matututo sa mga susunod na pagkakataon. Kaya naman dapat ay bigyan mo ito ng importansya maliit man ito o malaki, dahil kung hindi dahil sa kasaysayan ay walang mararating na magandang kinabukasan.
Ilan lamang yan sa mga maari mong matutunan kung sakali man na mapanood mo ang dalawang pelikula na handog ng Korean Independence Film Festival sa pangangasiwa ng Korean Cultural Center, Film Development Council of the Philippines at ng Embassy of the Republic of Korea in the Philippines.
Ang Korean Independence Film Festival at parte ng selebrasyon ng isang daang taon anibersyo ng pagtatag ng Republic of Korea sa darating na Marso 1.
Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakite nabuo ang ganitong festival dahil pinapahalagahan ng Republic of Korea ang kanilang mayabong na kasaysayan maganda man o hindi sapagkat ipinapakita dito kung paano nga ba sila naging mahusay sa iba't-ibang larangan hindi lamang sa mundo ng sining.
May dalawang makasaysayang pelikula na ilalabas ang Korean Independence Film Festival, ito ang "Man of Will" kung saan isang kwento na hango sa totoong, kwento na masasabi kung naging malaking pagbabago sa bansang Korea dahil iikot ang kwento sa pagkakulong ni Kim Chang-soo. Kung paano niya nakayanan ang buhay sa kulungan, paano niya tinuturuan ang mga kasama patungkol sa panunulat at pagbabasa at ang pagpapatunay ng tamang hustisya.
Ang ikalawang pelikula naman ay ang "The Last Princess" kwento ng huling prinsesa sa panahon Joseon Dynasty, kung saan napilitan syang lisanin ang Korea at mag-aral sa bansang Japan sa gulang na 13, isang kwento nag paglalakbay at pagkakaibigan.
Kaya naman kung may pagkakataon ka panoorin mo ito sapagkat napapanood at hindi lamang yun libreng sine ito simula sa April 6, 2PM at 4PM at April 7, 2PM sa Red Carpet Cinema 4 ng Shangri-La Plaza.
Comments
Post a Comment