POV : Disney' Mary Poppins Returns
Isa sa mga klasik na pelikula ng Disney ay muling nagbabalik at sa pagbabalik nito ay masasabi ko na maganda at ganun pa din ang naging tema ngunit sa pagkakataon na ito ay masasabi ko na andun pa rin ang magic nito, anu nga ba ang tinutukoy ko walang iba kung di nakakaLSS na pelikula ng Disney ang Mary Poppins Returns.
Ang kwento ng "Mary Poppins Returns" halata naman sa pamagat pa lang ay ang pagbabalik nito, ang pagbabalik ni Mary Poppin sa buhay ng pamilyang Banks upang tulungan sila sa kanilang munting problema hindi lamang sa pamilya kundi mismo sa kanilang sarili.
Aminin ko sobrang kung namiss yung ganitong klaseng pelikula ng Disney kasi sa simula pa lang hanggang dulo ramdam mo ung mga emosyon ng mga karakter tapos sinamahan pa ng mga masasaya, malungkot at nakakaaliw na kanta. Isa sa mga naging paborito kung segment sa pelikula na ito ay ang segment ng "Follow The Light" hindi ko alam kung yun nga ba yung pamagat yun para ang lakas ng dating sa akin. Parang naalala ko nga bigla ang isa sa mga greatest musical play ng Disney ang Newies dahil sa dami ng dance steps, yung pang upbeat ng music at tap dance nito.
Hayy masasabi ko iba talaga ang magic nito ng Mary Poppins kasi binabalik ka nito sa nakaraan ng iyong kabataan na kung saan mas maging masaya, mas maniwala at maging matatag sa bawat hamon ng buhay.
Isa din siguro sa mga naging dahilan ko kung bakit ko lubos na nagustuhan ang palabasa dahil na rin sa ganda ng venua kung saan ako nanood nito, ang Evia Lifestyle Mall. Ito na maramil para sa akin ang magadang sinehan kasunod ng Resort World Manila dahil una hindi masakit sa mata kahit nasa malapit ka na nakaupo, pangalawa ang ganda ng screen projector pantay-pantay ang liwanag at pang huli nagustuhan ko ung lamig sa loob nito.
Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit unti-unti na rin dumadami ang mga parokyano ng Evia Lifestyle Mall dahil mula sa exterior ng mall na ito ang ganda na kumbaga pwede talaga ilaban sa mga hign end mall sa Kamaynilaan, hindi mo na kailan pa dumayo pa sa malayo para maranasan ang ganitong karanasan.
Comments
Post a Comment