NCC Philippines more aggressive together with ESPN5 for season 14


Isa sa gusto talaga sa larangan ng sports dancing ang cheering hindi ko alam kung bakit? Marahil siguro dahil gusto ko din maging dancer para dito. Nasubukan ko din naman maging cheer dancer noong college pero sa mga sportfest nga lang.  Pero parang di ata para sa akin yun dahil ang hirap talaga lalo na ang mga paspasan na practice para sa malinis na routine ar dapat alam mo din kung kailan ka dapat sasalo.

Syempre dahil gusto ko din maging cheer dancer minsan ay madalas ako manood ng mga competition sa mga iba't-ibang mga palabas sa telebisyon isa sa mga sikat noon ay ang UAAP cheerleading dance na talaga naman nakapagsabik panoorin lalo na yung school na sinusuportahan mo, Pero maliban pa dito isa din sa mga pinapanood ko recently last year ay ang NCC Philippines kung saan di lamang ang mga paaralanan o university ang paglalaban laban kundi ang mga bawat City na sa buong Pilipinas.


Kaya sobrang tuwa ko para dito dahil mas pinapamalas ng bawat grupo sa bawat city na may aking galing talaga at liban pa dito ay mas napabilib ako sa coverage na ginawa ng Sport5 o mas kilala na ngaun bilang ESPN5 na kung saan ay kinover nila ang event na ito ng ilang araw na tuloy tuloy para lamang sa cheerdance na ito.

Kaya naman sa darating na Oct 6 ay magsisimula na ang kanilang National Cheerleading Championship (NCC) kicks off with the South Luzon Qualifiers na gaganapin sa Robinson’s Mall, Las Piñas.

Sa taong ito ang magiging tema ng nila ay ‘We Are Fearless’ kung saan tamang tama naman sapagkat mas fearless na ang labanan ngaun dahil mas lalong dadami ang sasali sigurado yun at maliban pa dito ay pasok sa international standard ang mat at gagamitin ng mga sasali dahil sa husay na pamamahala ng NCC Philippines.

Sabi nga ng Founder ng NCC Philippines na si Carlos Valdes, "In a real sense, the NCC is just like the sport of Cheerleading.  It requires courage over anxiety, resolve over doubt, discipline over comfort. You really have to be fearless"

Kaya naman mas lalo akong naexcited para makita ng husto ang magiging labanan ng bawat city, university sa cheerleading na ito!

Mapapanood ito ng buo sa nag-iissang sports cheerleading channel ng bansa ang ESPN5 o maari lamang kayong pumunta sa opisyal na website ng NCC para sa complete schedules,tournament information sa www.nccphilippines.com.ph.

Comments

Popular Posts