POV : The Hopeful Romantic
Isang pelikula na sumasalalim kung hanggang saan kaya mong ibigay sa inyong minamahal at kung hanggang saan pagpapanggap ang kaya mo para mahalin ka.
Ang maganda sa palabas na iyo ay comedy, isang comedy na natural ang daloy, hindi kailangan ng panlalait o barubal para lang sumaya ka. Kaya naman habang pinapanood ko ito ay mapapangiti ka na lamang dahil sa masasayang eksena.
Isa sa mga kaabang abang na eksena na hulos nagbigay sa aking ng galak ay ang eksena nina Berverly, Bojie at Pepe. Nakakatawa pero may sense dahil sa isang pamilya dapat ganun naman talaga dapat ung seryoso o comedy na eksena pero may matututunan ka ng husto.
Isa din sa revealing sa akin ay si Hashtag Nikko na parang natural na natural lamang ang pag arte sa comedy lalo sa eksena na magkakasama sila nina Pepe at Paeng.
Si Ritz Azul naman hindi nakapagtataka sa ganyang galing sa komedy dahil sa Banana Sundae pero sa pelikula na ito pinamalas nya na kaya nya, nasabi na nya minsan sa isang interview na mahirap talaga ang comedy pero kung magaling naman ang kasama at mahusay na director mas nagiging mahusay. Isa sa mga naging favorite scene ko ay pagtatapat na sana nya kay Jess ramdam ko ung lungkot at sakit dahil yun na ung moment pero nasira dahil sa isang pangyayari.
Kaya naman kung gusto mo matawa ng hindi pilit at natural lang aba panoorin mo na ang The Hopeful Romantic palabas na sa Sept 12, 2018 at sa direksyon ni Topel Lee.
Comments
Post a Comment